Chapter 7

4K 119 5
                                    

"What the-!"

Marahas na napasuklay sa kaniyang may kahabaang alon-alon na buhok ang dalagang si Meghan nang makitang may nakaharang na isang itim na kotse sa kaniyang sasakyan.

Sinadya ng kung sino man ang gumawa nito dahil inihambalang mismo ng may-ari ng sasakyan ang kotse nito sa kotse niya. Her car's bumper is an inch away sa side ng kotseng nakaharang dito.

She calmed herself. Hinintay niyang dumating ang may-ari ng kotse. Mahigit isang oras na ang nakalipas at ang kotse niya at ang sasakyang nakaharang dito na lang ang natira sa bahaging dulo na iyon ng parking lot.

"This is ridiculous!"palatak niya nang mamataan ang pamilyar na lalaking naglalakad papunta sa kinaroroonan niya.

She get inside her car ng malapit na ang lalaki. Ayaw niya itong kausapin.

She waited for few more minutes dahil parang nananadya itong mapatagal ang pagtanggal nito ng sariling sasakyan na nakaharang sa kotse niya.

Nakahinga siya ng maluwag sa pag-aakalang sasakay na ang lalaki sa kotse nito. Pero talagang pinupuno nito ang pasensya niya. Nakipagdal-dalan pa ang kumag sa kung sinong kausap sa cellphone nito.

Sinipat niya ang suot nitong relo. She's been there at the parking lot for more than two hours! Hindi na niya napigilan ang inis niya.

"Hey, you!"singhal niya sa lalaki.

Nadagdagan ang pagka-inis niya sa binata ng senyasan siya nitong tumahimik.

She had enough! Hindi na niya kinaya ang inis. She grab the phone on his hand and ended the call.

"Now,"wika niya sa lalaking nagulat sa ginawa niya . "Could you please."diniinan pa niya ang huling sinabi. "Just please! Take off your car now. At nang maka-alis na 'ko!"nagtitimpi siyang sigawan ito.

Nakita niyang humugot ito ng malalim na paghinga.

"I can't."tipid nitong sagot sa kaniya.

Napansin niyang parang wala ito sa mood. Naging blangko na din ang expression ng mukha nito.

Mariin siyang napapikit at nagsimulang magbilang sa isip.

"Hindi ako nakikipag-laro sa'yo, Mr. Montelibano." bakas sa boses niya ang tinitimping galit. "Kaya kung puwede lang, paki-tanggal mo 'yang kotse mo na nakaharang sa kotse ko!"

"Bingi kaba, Miss Hernandez?"turan nito sa kalmadong tinig. "I told you, I can't."

Isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa lalaki, na agad niyang pinagsisihan. Napalunok siya nang makita ang pagdilim ng guwapong mukha nito nang tumitig ito sa kaniya. Bahagya pa siyang napa-atras ng kumilos ito.

Umusal siya ng pasasalamat ng may dumating na isang itim na sasakyan at nag-park ito mismo sa tabi ng kaniyang kotse. It's a two-seater convertible Mercedes Benz car.

Nagulat siya ng bumaba ang sakay niyon. It's Bobby. Kasama sina Richard at June.

"Kuya Albert, pasensiya kana. Naabutan kami ng traffic." Lumapit ito sa kaharap na binata at may iniabot itong susi sa lalaki.

"It's fine."aniya sa malamig na tinig habang nakatingin ito sa kaniya.

Humarap si Bobby sa kaniya.

"Meghan, pasensiya kana sa abalang nagawa ko. Tumirik kasi itong kotse ko kanina. Hindi ko naipark ng maayos kasi na-drain 'yong battery niya. Sorry talaga." He bow his head as sign of a sincere apology.

Gusto niyang lamunin siya ng lupa ng sandaling iyon dahil sa sobrang kahihiyan.

"T-This is y-your c-car?" tanong niya rito.

The Elusive Bachelor 2: Albert Montelibano ( Love and Secrets) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon