Chapter 34

4.1K 110 11
                                    

Hindi na nagawang pigilan ni Albert si Meghan nang tuluyan siya nitong talikuran.

Hanggang dito na lang ba talaga sila?

He loves her so much. Walang ibang babae ang nakapasok sa puso niya kundi si Meghan lang. Walang araw ang lumilipas noon na hindi niya hinihiling sa Diyos na makita niya ulit ito. Pero lumipas ang mga araw, linggo, buwan, hanggang sa taon na ang binilang niya pero hindi na niya nakita pang muli ang dalaga. May mga tao siyang binayaran para lang mahanap ito. Pero para itong isang bula na naglaho na lang bigla.

He surrendered in finding her. Pero hindi huminto ang puso niya sa pagmamahal dito.

"Mommy!"

He hurriedly went upstairs to check for his son nang marinig niya ang pagpalahaw nito ng iyak.

"What's wrong, son?"puno ng pag-aalalang tanong niya sa anak ng madatnan itong nakaupo sa gitna ng kaniyang kama at malakas na umiiyak.

Halos sabay sila ni Meghan na pumanhik sa ibabaw ng kama para daluhan ang kanilang anak.

The child immediately hugged his mom habang patuloy ito sa pag-iyak. Pero unti-unti na ding tumatahan dahil sa presensiya ng kaniyang ina.

"Hush now, baby. Mommy's here."

"Mommy, I wanna go home."humihikbing wika ng bata sa ina.

Natigilan siya sa sinabi ng anak. Even Meghan was a bit shocked. Napatingin ito sa kaniya ng may pag-aalinlangan.

Pilit siyang ngumiti dito.

"I-It's fine."malumanay niyang saad.

"A-Albert."

"I'll send you home, then."aniya at bumaba siya sa kama.

"Are you s-sure?"

Marahan siyang napabuntong-hininga.

"I guess, hindi pa ito ang tamang panahon para magkasarilinan kaming mag-ama."sadness are visible in his voice. "I'm sorry kung nabigla ko siya sa presensiya ko."sinsero niyang saad.

Nakita niya ang pag-aatubili nitong magsalita.

"Sige. Ihahanda ko lang 'yong kotse."aniya at agad tumalikod dito.

"Damn!"mariin niyang wika ng maramdaman niya ang pagtulo ng kaniyang luha pagkalabas niya sa kwartong kinaroroonan ng kaniyang mag-ina.

Words can't explain kung gaanong sakit ang nararamdaman niya ng sandaling iyon. He wanted to be with them. Pero hindi pala ganoon kadali ang lahat.

After a long drive of silence ay nakarating na din sila sa bahay ng mga Ledesma. Wala sa kanila ni Meghan ang nagsalita sa buong durasyon ng biyahe nila kanina.

Buong pamilya ng Ledesma ang nadatnan nila sa sala ng bahay pagdating nila doon. It seems like they're waiting for them to arrive.

After greeted the whole family, ay nagpa-alam na din siya kaagad sa kaniyang mag-ina.

"Galit ka ba kay daddy?"tanong niya sa kaniyang anak. Patingkayad siyang umupo sa harap nito para pumantay siya dito. Naisip niyang itanong iyon dahil baka kasi sa pagtaas ng boses niya kanina ang dahilan kung bakit ito biglang nagyayang umuwi sa ina.

"No, daddy. I just miss, mommy."naiiyak nitong sagot sa kaniya.

Niyakap niya ito ng mahigpit.

"I understand, son."tumayo siya at hinarap naman ang ina ng bata. "Ipapahatid ko na lang bukas 'yong mga gamit niya."

Tumango lang ito sa kaniya. Kanina pa niya napapansin ang pagiging tahimik nito. Wala naman siyang mabasang emosyon sa maamong mukha nito kaya hindi rin niya masabi kung anong nararamdaman nito ngayon.

The Elusive Bachelor 2: Albert Montelibano ( Love and Secrets) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon