Chapter 10

3.9K 104 6
                                    

"I'm sorry if I scared you."bulong ng binatang si Albert sa kaniya.

Meghan can't control her tears anymore. Akala niya ay mauulit na naman ang kinatatakutan niyang mangyari.

Hilam ng luha ang kaniyang mga mata nang maramdaman niya ang mainit na palad ni Albert na humawak sa kaniyang magkabilang pisngi.

Pag-aalala ang tanging mababasa sa mga mata ng binata nang makita ang luhaan niyang mukha. Her heart felt the warmth beneath that look.

Hindi siya nakaiwas ng bigla siya nitong halikan sa labi. Alam niyang bugso iyon ng damdamin ng binata kaya nito iyon nagawa. She can't help but to close her eyes and let him do it. Unconsciously, ay napakapit siya sa magkabilang braso ng binata. Para kasing mas nagbigay ng kapayapaan sa loob niya ang ginawang iyon ni Albert.

"I'm sorry, sweetheart."muli niyang narinig na bulong ng binata ng i-hiwalay nito ang mga labi sa kaniya.

Napayuko siya. Pero nanatili siyang nakahawak sa braso ng binata.

"A-akala ko kasi..." Hindi niya maituloy ang sasbihin. She's hesitant to do so.

"No, no, no."sunod-sunod nitong saad. Nakuha nito ang ibig niyang sabihin. "Hindi ko magagawa ang bagay na iyon sa'yo."

Wala sa loob na tumingin siya sa binata.

Worries are gone sa mga mata nito. But tenderness and passion took over. Hindi siya makapag-salita. She just bowed her head dahil hindi niya kayang tagalan ang ganoong klaseng pagtitig ng binata sa kaniya. Pero muli niyang naramdaman ang pag-angat ng kanyang mukha.

"I'm sorry, Meghan."sinsero nitong wika sa kaniya.

Tumango lang siya bilang sagot dito. Maya-maya ay naramdaman na lang niyang yakap-yakap siya ng binata. Hindi niya alam kong gaano sila katagal sa ganoong ayos. He just let go of her nang mag-ingay ang nag-aalburuto niyang sikmura dahil sa gutom. Wala sa loob na napahimas siya sa kaniyang tiyan.

He heard him chuckled. He pulled her towards her unit's kitchen. At ito na mismo ang naghanda sa pagkaing iniuwi niya.

"Y-You want?"nahihiya niyang tanong. Parang hindi rin siya makakaconcentrate sa pagkain dahil sa binatang nasa harapan niya.

Umiling ito. "Just eat."aniya.

"Wala ka bang pupuntahan?"tanong niya rito.

"Meron, pero ayuko ng tumuloy."sagot nito sabay ngiti sa kaniya.

"Bakit?"tanong niya at nagsimula na siyang kumain.

"Mas gusto kitang makita at makasama."diretso nitong sagot sa kaniya.

She coughed. Halos mabilaokan siya sa walang paliguy-liguy na sagot nito sa kaniya.

Agad siya nitong dinaluhan. He automatically caress her back with his hands na nagpaigtad sa kaniya. Para siyang nakuryente sa ginawang iyon ng binata.

"Easy,"anito sa kaniya.

"Baka importante ang pupuntahan mo. Puwede ka nang umalis."aniya nang makabawi sa pag-ubo.

"Pinapalayas mo na ba ako?"seryoso ang mukha nitong tumingin sa kaniya.

"I-It's not like that. B-baka kasi importante 'y-yong lakad mo."

"Mas importante ka." Kumindat pa ito sa kaniya.

"Don't play with me, Albert."aniya nang maisip ang girlfriend nitong si Lindsay.

"What do you mean?"kunot-noo nitong tanong.

"You already have a girlfriend. And it's not appropriate na nandidito ka ngayon sa unit ko."

The Elusive Bachelor 2: Albert Montelibano ( Love and Secrets) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon