Chapter 30

4.1K 116 14
                                    

Hindi mapagdesisyonan ni Meghan kung pipikit ba o tatakpan ang mga mata nang tumambad sa harap niya ang matipunong pangangatawan ni Albert paglabas nito sa banyo. And those water that drips down on Albert's body doesn't do her any good. Wala sa loob na naipilig niya ang kaniyang ulo habang pinagmamasdan ang katawan nito.

Marahang pagtikhim mula sa lalaki ang nagpabalik sa kaniyang huwisyo. Agad siyang nag-iwas ng tingin nang makita ang pilyong ngiti sa mga labi nito.

"P-pasensya ka na."aniya. Nagyuko siya ng ulo habang nauutal na muling nagsalita. "Ah-, I-I t-thought w-wala ka d-dito. 'Yon k-kasi ang s-sinabi ni V-Vivian. Kaya h-hindi na din ako k-kumatok k-kanina."sa bawat salitang binibigkas ay unti-unti siyang napapaatras patungo sa pinto ng kinaroroonang kwarto. Pero sa bawat pag-atras naman niya ay ang paghakbang din ni Albert palapit sa kaniya.

"Why are you stuttering, sweetheart?"pilyo ang ngiting wika nito. Tumigil ito sa paghakbang nang isang dipa na lang ang pagitan nito sa kaniya.

Hindi niya magawang sumagot dahil alam niyang mauutal lang din siya. Kaya naisip niyang talikuran na lang ito at lumabas ng kwarto. Pero halos sumubsob siya sa matitipunong dibdib nito ng mabilis siya nitong pigilan sa kamay at halos pahilang pihitin paharap dito.

"And where do you think you're going?"taas ang dalawang kilay nitong tanong sa kaniya.

Mariin siyang napapikit. Hindi siya makapag-isip ng maayos dahil sa nasasamyong amoy nito. His scent brings chills inside her. Idagdag pang nakakulong siya sa mga bisig nito ngayon.

"S-Siguro naman hindi mo kailangan ng audience para magbihis!"

Pinalakpakan niya ang kaniyang sarili sa isip nang lumabas na naiinis siya sa tono ng pananalita niya.

"Well," napakislot siya nang dumampi ang daliri nito sa kaniyang mukha para hawiin ang ilang hibla ng kaniyang buhok na tumabing sa kaniyang mukha. "I won't mind kung pagpiyestahan man ng mga mata mo ang katawan ko habang nagbibihis. Which you already did, kani-kanina lang."

She unconsciously licked her lower lip and gently bite it afterwards dahil sa nerbiyos at kaba na nararamdaman ng sandaling iyon.

She opened her mouth to talk nang bigla na lang siya nitong hapitin sa bewang habang hawak ng isang kamay nito ang likod ng kaniyang ulo at walang sabi-sabing hinalikan siya sa labi.

She was stunned and shocked. She can't even move. Hindi rin niya magawang itulak ito. His lips on hers makes her lose her strength. Unti-unting binubuhay ng mga halik nito ang damdaming pilit niyang ikinukubli para dito.

Hindi nakatulong ang anim na taon ng paghihiwalay nila para mawala ang pagmamahal niya kay Albert. He's still on the same spot sa puso niya. Dahil ang totoo, hindi naman talaga ito nawala doon.

His kisses gets deeper. Ramdam niya ang pagkabuhay ng init sa katawan nito. And she's also starting to feel the heat na dala ng mapusok at maalab na paghalik nito sa kaniya. She was about to kiss him back ng marinig niya ang boses ng kaniyang anak.

"Good morning, mommy. Good morning daddy."bati ng bata habang inosenteng nakatingin ito sa kanila.

Daig pa niya ang binuhusan ng isang baldeng tubig na may lamang yelo sa kabiglaan.

Kumawala siya sa pagkakayakap ni Albert pero hindi siya nito hinayaang makalayo. He hugged her from behind instead.

"Good morning, too, son."narinig niyang bati nito sa anak. "Could you please go back to sleep again? May gagawin lang kami ng mommy mo." maya-maya ay wika nito na nagpamulagat sa kaniya.

Siniko niya ang lalaki sa tagiliran na agad niyang pinagsisisihan dahil para itong namilipit sa sakit. Napalakas yata ang tama niya. Agad niyang dinama ang parte ng katawan nitong tinamaan ng siko niya.

The Elusive Bachelor 2: Albert Montelibano ( Love and Secrets) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon