Chapter 38

4.5K 128 6
                                    

"Anak may mga dumating kang bisita."bungad ng ama ni Meghan sa kaniya nang mapagbuksan niya ito ng pinto sa kaniyang kwarto.

Nagtaka siya. Wala naman siyang inaasahang bisita ng hapon na iyon.

"S-Sino dad?"

"Mabuting babain mo na sila anak. Dahil hindi ko kilala ang mga babaeng iyon."

Mga babae?

Maang na napamulagat si Meghan nang makita kung sino ang mga babaeng tinutukoy ng kaniyang ama na bisita niya. Minsan pa lang niyang nakita ang tatlong babaeng nasa harapan niya ngayon. Pero alam niya kung sino ang mga ito.

"Maxene? Lourain? Madison?"

"Good thing na natatandaan mo kami, Meg."kinikilig na wika ni Maxene sa kaniya at agad siyang niyakap.

"Sa tingin ko, ako 'yong mas tumatak sa'yo, no?"natatawa namang saad ni Lourain nang maalala ang ginawa nitong eskandalo sa event kung saan sila nagkakilalang apat.

"Remind me not to mess with her."wika naman ni Madison na ikinatawa nilang apat.

"Magbihis ka!"excited na turan ni Maxene.

"What for?"nagtataka namang tanong niya.

"We will paint the town red!"nakangiti namang saad ni Madison.

"Hurry up!"si Lourain at patulak siyang iginiya papunta sa hagdan ng kanilang bahay.

Hindi na din siya tumutol pa sa imbitasyon ng tatlong babae. She thought, kelangan din niya mag-unwind once in a while. Lalo na ngayon. Mag-iisang linggo na simula noong ipinagtapat niya sa buong pamilya ni Albert ang naging sitwasyon nilang mag-ina sa nakalipas na anim na taon. Hanggang ngayon hindi pa nagpapakita ang lalaki sa kanilang mag-ina.

Naiintindihan niya ang sitwasyon ni Albert kaya hinayaan niya muna itong mapag-isa kahit na gustong-gusto na niya itong makita at makasama.

Sa isang mall sa Pasay sila unang pumunta. Nag-ikot-ikot sila doon. Mostly, ay sa mga clothing store sila sumusuot. May mangilan-ngilang napapatingin sa kanila dahil sa presensiya ng international model na si Maxene. Pero madalas ay napagkakamalan silang tatlo nina Lourain at Madison na model din.

It's not impossible, because they got the height and the body of a model as well. Idagdag pang walang itulak kabigin ang gandang taglay nila. Not to mention that they all wearing simple yet classy attire ng sandaling iyon.

She's wearing a white, kimono sleeved, pleated crop top paired with high-waist skinny jeans and a three inches black strappy sandals. Lourain is also wearing a high-waist ripped jeans and a white spaghetti strap loose cami top, and a black stilleto. Madison wears a bandage style bodycon mini dress. Nakaflats siya na sapatos dahil buntis ito. Hindi rin halata pa ang baby bump niya. And Maxene, wears a high-waist denim mini skirt na tinernuhan lang nito ng puting V-neck shirt. Pero ibinuhol nito ang bandang laylayan ng damit to make it stylish.

Mag-aalas-siyete na ng gabi ng maisipan nilang lumabas na ng mall. At dahil gusto nilang lumaya sa stress sa araw-araw na trabaho ay napagdesisyonan nilang pumunta sa isang exclusive bar. Kumuha sila ng private room doon para sa kanilang apat. Ayaw nilang makihalubilo sa mga wild party goers sa naturang bar. Maxene knew the owner of the bar kaya safe sila doon.

They ordered some liquor para sa kanila except for Madison dahil bawal sa buntis ang alak. Lourain and Meghan don't drink, pero dahil espesyal ang gabing iyon ay pinagbigyan nila si Maxene. Hindi rin naman din ito heavy drinker.

"Hindi ka ba maselang magbuntis, Maddie?"si Lourain.

"Well, as of now, ok pa naman. Wala pa naman akong morning sickness. But I do craved for some food sometimes."

The Elusive Bachelor 2: Albert Montelibano ( Love and Secrets) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon