Chapter 28

3.9K 115 5
                                    

"Bakit ang dami naman yata ng ipinaluto mong pagkain, anak?"

Pagtataka ang nasa mukha ng kaniyang buong pamilya ng umuwi siya kahapon at nagbilin sa mga kasam-bahay nila ng mga iluluto sa araw na iyon.

Gusto niyang sorpresahin ang kaniyang pamilya. Inimbitahan niya ang kaniyang mag-ina para mananghalian sa bahay ng kaniyang mga magulang ng araw na iyon. Wala pang kaalam-alam ang mga ito tungkol sa anak niya at sa muling pagkikita nila ni Meghan.

"Mukhang espesyal ang mga bisita mo, kuya."nangingiting saad ni Althea.

"Very especial, my dear sister."

"Mag-aanounce kana ba ng kasal, hijo?"nakangiting biro naman ng kaniyang ama.

"Mas higit pa riyan ang sorpresa ko sa inyo, dad!"

"Pati ako nae-excite dahil sa'yo, kuya!"si Ayesha. "Ngayon lang kita nakitang ganyan eh."

Yes! He's excited! Finally ay makikita na ng kaniyang pamilya ang anak niya.

Madalas ang pagtingin niya sa kaniyang relo ng sandaling iyon. Alas onse na ng tanghali pero wala pa ang mag-ina niya. Tumanggi kasi si Meghan ng sabihin niyang susunduin niya ang mga ito.

"Sir, nandito na po ang mga bisita ninyo."

Biglang lumakas ang pagpitik ng puso niya ng marinig ang sinabi ng kanilang kasam-bahay.

"Hep!"pigil niya sa mga magulang at dalawang kapatid ng akma ang mga itong tatayo para salubungin ang kaniyang mga bisita. "Stay where you are guys!"

Pagka-wika niyon ay agad siyang tumalikod sa mga ito at lumabas ng bahay.

Beautiful! Nasabi niya sa isip ng makita ang ina ng kaniyang anak. She's wearing a simple V-neck cotton shirt tucked in a high-waist A line, knee-length, box pleated skirt in tangerine color. Her hair was neatly braided. Simple pero mas lumutang ang ganda nito.

Agad niyang kinuha ang anak niyang karga ni Meghan dahil nakatulog ito. At walang sabi-sabing ginagap ng isa niyang kamay ang palad nito at halos pahilang iginiya ito papasok sa mansyon. Naramdaman niya ang pagpupumilit ng dalagang tanggalin ang kamay niya pero hindi niya ito hinayaang gawin iyon.

"Meghan!"

Halos sabay-sabay na wika at napatayo ang kaniyang pamilya nang makita ng tuluyan kung sino ang mga bisitang tinutukoy niya sa mga ito.

Agad sinalubong ng yakap ni Ayesha ang kaibigan.

"Meg!"naiiyak nitong turan. "I miss you!"

Gaya ng ginawa ni Ayesha, ay niyakap din ng kaniyang mama at ni Althea ang babae.

"And who's that little boy your carrying, hijo."

Sa tinurang iyon ng kaniyang ama ay doon lang napagtuunan ng kaniyang mga kapatid at ng kaniyang ina ang karga niyang bata. Hindi nila makita ang mukha nito dahil nakayuko ito sa dibdib niya at tulog.

At bilang sagot sa tanong ng kaniyang ama, ay marahan niyang ginising ang bata.

"Son, wake up."

At gaya ng kaniyang inaasahan, gulat at pagtataka ang nasa mukha ng kaniyang pamilya ng marinig ang kaniyang sinabi.

"He's your-."

Malakas na pag-singhap ng kaniyang pamilya ang narinig niya ng makita ang mukha ng batang si Adan.

Pupungas-pungas pa ito ng ibaba niya at naghikab sa harap nila na ikinatawa nilang lahat.

"Apo ko!"naiiyak na bulalas ng kaniyang ama at agad na niyakap ang batang halatang nagulat.

The Elusive Bachelor 2: Albert Montelibano ( Love and Secrets) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon