Chapter 39

5.3K 121 15
                                    

"And what do you mean by that, Ms. Hernandez?"

Halos maibuga ni Meghan sa gulat ang likidong nasa loob ng kaniyang bibig nang marinig ang pamilyar na boses sa kaniyang likuran.

Nakita naman niya ang pagpipigil na matawa nina Lourain at Maxene nang makita ang reaksyon niya.

There's no need for her to look back. Dahil kilalang-kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng baritonong boses na 'yon. Ito rin ang dahilan kung bakit siya nagpahinuhod kina Maxene kanina na lumabas. Gusto niyang makalimot sana sandali. Pero parang pinagkaitan siya ng pagkakataon.

Umayos siya ng upo sa sofa. Hindi niya pinagka-abalahang tignan ang lalaki kahit na gustong-gusto na niya itong salubungin ng yakap.

"How does it feel, Meg?"nakangising wika ni Maxene. Habang maluwang naman ang ngiti ni Lourain na nakatingin sa kaniya.

Parang nawala na din ang tampo ng mga nobyo ng dalawang babae sa mga ito.

"A-About what?"patay-malisyang tanong niya rito. Wala sa loob na nagsalin siya ng alak sa hawak na baso at inisang lagok iyon.

She's starting to get nervous. Lalo at naramdaman niya ang pag-upo ni Albert sa armrest ng kina-uupuan niyang sofa.

Nagkaniya-kaniya na ding upo ang tatlong parehang nasa harapan niya.

"Ibang klase din kayong apat."palatak ni Elmer habang yakap ang asawa nitong si Madison na nakaupo sa sofa. "Ngayon lang kayo nagkakasama, pero dinaig niyo pa kami."

"Nagawa niyo pang magsinungaling."seryoso ang mukhang wika ni Jonas na tumingin sa nobya nitong si Lourain.

"Pumunta naman talaga kami sa mall, ah."agad namang sagot ni Lourain sa nobyo.

"Tapos ganyan pa ang mga suot ninyo."naiinis namang saad ni Baste na tinignan ang suot ng katabing nobya.

"Hindi naman malaswang tignan ah."depensa naman ni Maxene na pinasadahan pa ng tingin ang sarili dahil sa tinuran ng nobyo.

"Hindi nga. But you are exposing too much of your skin."mas naiinis pang sabi ni Baste. "Kayong apat!"sita nito sa kanila.

"Ba't nasali kami ni Lourain?"kontra ni Meghan kay Baste.

"Oo nga!"

"Your arms and shoulders are exposed!"singhal ni Jonas sa nobya.

"Kita rin ang abs mo, ma'am."sagot naman ni Albert sa kaniya.

Wala sa loob na tinignan ni Meghan ang parteng tiyan niya at nakasimangot na tumingin sa katabi. Pero agad ding nagbawi nang makita ang guwapong mukha nito.

"You're getting mad sa mga suot namin, pero kapag ibang babae gustong-gusto ninyo. Nasaan ang hustisya do'n?"

Muling nagsalin ng alak si Meghan sa kaniyang baso. Tensyon at kaba ang nararamdaman niya dahil alam niyang nakatingin si Albert sa kaniya.

"That's enough."saway ni Albert sa kaniya na akmang aagawin ang hawak niyang baso. Pero agad niyang ininum ang laman niyon.

""Meghan is right."segunda ni Madison sa sinabi niya kanina. "Halos maglaway kayo kapag ibang babae ang nakikita ninyong nagsusuot ng mga sexy na damit. Bakit kapag kami ayaw ninyo?"

"Sagutin ninyo 'yan."Wala sa loob na wika ni Meghan.

Bakit ang daldal ko? nagtatakang tanong niya isip.

"Ayukong may tumitingin sa'yong iba."matatag na sagot ni Albert sa tabi niya.

"Me too."seryoso ding sagot ni Jonas sa katabing si Lourain.

The Elusive Bachelor 2: Albert Montelibano ( Love and Secrets) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon