Chapter 21

3.5K 98 2
                                    

"You have a boyfriend?! And you didn't even bother to tell us about it?!"

Dalawang araw na ang nakalipas pagkatapos ng insidenteng nangyari sa pagitan ni Albert at ng kapatid ni Meghan na si Marcuz. Kadarating lang din ng bansa ni Daniel ng hapong iyon kaya ngayon lang din ito nanermon sa kapatid nitong si Meghan.

Hindi rin siya kinausap agad ng daddy at Tita Alina niya tungkol sa nangyari dahil alam nilang nasasaktan pa siya noon. Until now, actually. Wala siyang magawa kundi ang iiyak na lang ang kinakaharap na problema niya. Hindi na siya pinayagan ng daddy niya na mamalagi sa condo niya. Kaya ngayon ay sa mansyon siya ng mga Ledesma nakatira.

"I'm p-planning to i-introduce you to him, k-kuya."umiiyak niyang sagot dito. "B-But this thing h-happened."

"Pero bakit hindi mo sinabi sa kaniya ang tungkol sa'min?!"ang kuya Marcuz niya.

"Boys, that's enough!"saway ni Alina sa mga anak.

Magkatabi silang nakaupo ng ginang sa mahabang sofa sa sala ng mansyon ng mga ito. Habang walang tigil sa pabalik-balik na paglalakad si Daniel sa harap nila.

"I am not certain yet before sa kaniya."humihikbi niyang sagot sa kapatid.

"Nakakababa ng pagkalalaki itong ginawa niya sa'kin."mariing turan ni Marcuz. "But I understand him. Dahil gagawin ko din ang ginawa niya if I was on his shoes."

"Me too."sang-ayon naman ni Daniel sa kapatid.

"I'm sorry, kuya Marcuz."tangi niyang nasambit sa kapatid.

"Have you talked to him already, hija?"ang kaniyang Tita Alina.

Umiling siya. "His phone is unreachable, Tita. Wala din siya sa bahay at sa condo niya."

"Ito na nga ba ang sinasabi namin, princess eh. Kung noon pa pumayag ka nang ipakilala namin in public, wala ka sana sa posisyon mo ngayon."

"I said, that's enough, Daniel."kalmadong wika ng ginang sa anak. "Nangyari na ang nangyari." Humarap ang ginang sa kaniya. "Don't worry, anak, maayos din 'to. If he really loves you, he will find a way para kausapin ka ng maayos."

Aminado siyang kasalanan niya ang lahat. Kung sana ay sinabi na niya noon pa sa binata ang tungkol sa pamilya ng ama niya ay hindi na sana aabot pa ang lahat sa ganito. He just hurt the man he loves.

Love?  She's more than certain na mahal niya talaga ang binata. Pero ito ba, mahal siya? Ngayon niya naisip ang bagay na iyon. Never did he said that he love her. Did he really love her?

Nahihirapan siya ngayon dahil hindi niya alam kung paano niya makakausap si Albert. She tried to ask for help sa kapatid ng binatang si Ayesha, pero hindi rin daw nito alam kung nasaan ang kapatid. Walang alam ang kaniyang kaibigan sa nangyari sa pagitan nila ng kapatid nito. At dahil doon ay hindi na din muna siya nagkwento dito.

"Don't worry,"ang kuya Marcuz niya. "We'll help you talk to him. At huwag ka ng tumanggi pa, Meghan."


*****
"Gaya ng sinabi namin noon sa'yo, pare, you have to talk to Meghan."si Elmer. "Pag-usapan ninyo ito ng maayos."

"There's no need for us to talk."malamig niyang sagot sa kaibigan.

"Isn't better if you clear things out between you and her, Albert?"

"Everything is clear to me, Jonas."

"Malay mo may rason kung bakit nandodoon si Marcuz sa condo niya."payo naman ni Baste.

"Ng nakatopless?!"eksaherado niyang sagot.

"Baka naiinitan."patay-malisyang sagot nito ulit.

"Sebastian!"nagbabanta ang tinig ni Jonas sa kalokohan ng kaibigan. "Hindi mo ba hiningan ng paliwanag si Meghan sa picture nila ni Marcuz na nakita mo noon?"

"No."tipid niyang sagot.

"That explains."

Napakunot-noo siya sa makahulugang saad ni Jonas.

"Aren't you being unreasonable sa sitwasyon ninyo ni Meghan, pare?" Baste trying to talk sensibly.

"Ako pa ang sinasabihan mo niyan, Alcaraz?"

Nagkibit-balikat ito. "Well, we all deserve a second chance. Or does she really needs it? Hindi kaya maling akala lang lahat ng mga nakita mo?"

"Maling akala?!" Albert exaggeratedly exclaimed sa sinabi ni Baste. "They were kissing in the photo and he's haft naked sa loob mismo ng condo ni Meghan. And now you are telling me maling akala lang lahat ng iyon?!"

"Chill pare."si Baste na itinaas pa ang dalawang kamay tanda ng pagsuko sa akmang pagsugod ni Albert dito.

"Tama na 'yan!"singhal ni Elmer sa dalawa.

"Sorry, pare. Ayoko lang na sa bandang huli pagsisihan mo ang lahat."

"Alcaraz is right, Albert."segunda ni Jonas. "Kung sa tingin mo tama ang hinala mo kay Meghan at Marcuz, then at least try to talk to her and clear everything. Para kapag nagkamali ka puwede mo pang maayos amg lahat. At kung tama ka naman, then end your relationship to her in a good way."

"Ang tanong,"singit ni Elmer. "Nakahanda kabang mawala siya sa'yo?"mataman itong tumitig sa kaniya. At dinugtungan ang sinabi. "For good?"




******

Pababa sa kaniyang kotse si Albert ng hapong iyon ng mamataan sa kabilang panig ng kalsada ang kotse ng dalagang si Meghan.

Agad siyang bumalik sa loob ng kaniyang sasakyan ng makitang palabas ang dalaga mula sa isang pribadong clinic. Agad bumalong ang galit sa kaniyang dibdib ng makita ang lalaking kasunod nitong lumabas. It's Marcuz Ledesma!

Sa hinuha niya ay sinamahan ng dalaga ang lalaki para magpatingin sa doctor dahil sa naka-cast na kamay ng huli. Selos at galit ang nararamdaman ni Albert habang pinapanood ang dalawa mula sa kaniyang sasakyan.

Maya-maya pa ay nakita niyang niyakap ng lalaki si Meghan na ginantihan din naman ng yakap ng dalaga. Bigla siyang natigilan sa nasaksihang eksenang iyon. Dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Albert.

Damn you both! Sigaw niya sa isip.


******
"I'm really sorry for what had happened, kuya."naiiyak na wika ni Meghan sa kapatid na si Marcuz. Niyakap naman siya ng kapatid para aluin.

Nasa isang pribadong clinic sila ng hapong iyon. Ipinagmaneho niya ang kapatid dahil hindi pa ganoon kagaling ang kamay nitong may pilay na napuruhan dahil sa pananakit na ginawa ni Albert. Napilitan ang kapatid nitong magleave sa trabaho dahil sa hindi magandang kalagayan nito.

"Tama na 'yan."alo nito sa kaniya. "Bakit ba napaka-emotional mo this past days?"

Halos dalawang linggo na ang nakaraan ng bugbugin ito ni Albert. At ganoon na din niya katagal na hindi nakikita ang binata.

"This are all my fault, kuya."aniya at mas lalo pa siyang napaiyak. Pati siya ay naguguluhan sa mga pagbabago sa sarili. Hindi naman siya ganoon ka-emotional na tao. Pero sa tuwing naiisip niya ang mga gulo na nangyari sa buhay niya ay hindi niya maiwasang umiyak. "Kuya Marcuz, I really miss him!"

Napahagulgol na siya ng tuluyan. Nakakaunawa namang niyakap siya ni Marcuz at masuyong hinalikan sa ulo.

The Elusive Bachelor 2: Albert Montelibano ( Love and Secrets) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon