Chapter 3

4.6K 125 5
                                    

"Hi Meg!"

Nagulat si Meghan nang bigla na lang sumulpot sa kaniyang likuran ang bagong kakilalang si Ayesha. Ito ang estudyanteng unang nakagaanan niya ng loob sa halos tatlong linggong pagpasok niya sa eskwelahang napili ng kaniyang ama para sa kaniya.

She's taking up culinary arts. Nasa huling taon na siya sa naturang kurso noon sa Paris. Kaya kunting panahon na lang ang igugugol niya para makakuha ng diploma sa kursong iyon ngayon. Napag-alaman niyang connected ang school niya ngayon sa culinary arts school na pinasukan niya sa Paris.

Namana niya ang hilig niya sa pagluluto sa kaniyang yumaong ina. May sariling restaurant ang kaniyang ina sa Paris. Nang mamatay ang kaniyang ina ay ang matalik na kaibigan nito ang nagmanage sa naturang business dahil wala pa siyang kakayahang hawakan ito noon. Pero nang nagdesisyon siyang manatili sa Pilipinas ay napagpasyahan niyang ibenta na lang ito sa kaibigan mismo ng kaniyang ina.

Nangako siyang magtatayo siya ng sarili niyang restaurant para sa kaniyang yumaong ina bilang  pag-alala dito.

"Why do you always do that?"nakasimangot niyang turan sa babae.

"Eh, lagi ka kasing lutang kapag nakikita kita."biro nito sa kaniya.

"Of course not!"saad niya.

"Bakit hindi mo namalayan ang paglapit ko?"

"You're behind me. That's why." sagot niya rito.

Maya-maya ay may isang babaeng kumuha sa atensyon ng kaibigan niyang si Ayesha. Nakita niya ang biglang pagsimangot ng mukha ng kaibigan.

"Good morning, Ayie!"bati ng babae sa kaniyang kaibigan.

Tinanguan lang ito ng kaniyang kaibigan na lihim niyang ikinatuwa dahil sa pagkadisgustong ipinapakita nito sa kaniya. Ramdam niyang hindi siya gusto ng babae base sa ginagawa nitong pag-ismid sa kaniya o di kaya ay ang hindi nito pagpansin sa presence niya.

It's her third time to see the woman. At gaya ng una niya itong makita ay nakasuot ulit ito ng revealing na damit. Though, the woman have the body to show off.

"Hindi paba papasok ang kuya mo?"dinig niyang tanong ng babae kay Ayesha.

"He's already in school at the moment."walang kalatuy-latoy na saad ng kaibigan.

Agad nagliwanag ang mukha ng babae. Agad itong nagpaalam sa kanila at tinungo ang building ng mga business management student.

"What's with the face?"aniya sa kaibigan.

"I don't like her for my brother."diretsong sagot nito.

"Why? I mean, she's pretty and sexy, too." Iyon lang ang alam niyang adjectives na pwedeng i-describe sa babae.

"You're way more beautiful and sexy than her. That's why I like you the most for my brother."nakakalokong kinindat-kindatan pa siya nito.

"Oh my, Yesha," ito ang napili niyang itawag sa kaibigan. "Huwag mo ng pakialaman ang buhay ng kuya mo. His girlfriend loves him and maybe your brother does also."

"She's not my brother's girlfriend!"mariin nitong pahayag sa kaniya.

"Hayaan mo na ang kuya mo sa lovelife niya."

"Ah, basta. I can feel na ikaw ang para sa kuya ko."

Natawa siya sa pagmaktol na ginawa nito. "Ewan ko sa'yo."aniya at nagkaniya-kaniya na sila sa pagpasok sa kani-kanilang klase.


******
"Long time no see, kuya Albert!" Bungad ng bente anyos na pinsan ni Albert sa kaniya.

Nasa roof deck siya ng pinaka-auditorium ng kanilang eskwelahan sa hapong iyon. Pinasadya niya ang lugar na iyon para maging pahingahan niya pagkatapos ng kaniyang mga klase.

"Ano'ng meron boys?"aniya.

As usual ay kasama ng kaniyang pinsan ang dalawa nitong alipores na sina June at Richard.

Umupo ang mga ito sa katapat na sofa na kina-uupuan niya.

"Alam mo bang may bagong transferee ngayon dito sa campus, kuya?"

"And?"

"Baka lang kasi interesado kang makilala siya."pilyo ang ngiting turan nito sa kaniya. "

"I'm not interested."seryoso niyang sagot dito.

"Are you sure, kuya?!"gulat na tanong ni Richard. Tumango siya rito.

"Alam mo bang mainit ang dugo ni Lindsay sa bagong transfer, kuya?"si June. Ang Lindsay na tinutukoy nito ay ang cheerleader ng campus na karelasyon niya. Actually, wala silang relasyon ng babae as to the real meaning of the word. From the very start, alam ng babae na ayaw niya ng commitment. They do some sort of intimacy. Pero hanggang doon lang iyon sa kaniya.

"This woman is really an eye-catcher, kuya."ang pinsan niya.

Napatingin siya sa nagsalita.

"Still, hindi ako interesado."

May iba akong gusto. dugtong niya sa isip.

Hanggang sa mga sandaling iyon kasi ay laman parin ng utak niya ang babaeng aksidenteng sumakay sa kaniyang kotse few months ago. Hindi niya maipaliwanag ang nangyayari sa kaniya kapag naiisip niya ang dalagang iyon.

Something is tingling inside his stomach na parang kinikilita siya na ewan. Hindi niya matukoy kung ano ang mga damdaming iyon na nagsisimulang umusbong sa kaniyang puso.

The mere thought of the woman ay may naalala bigla ito. He pulled his phone on his pocket.

"Naririto na lang naman na kayo, meron sana akong ipapagawa sa inyo."

"What is it?"tanong ng pinsan niya.

"Alam kong lakwatsero kayo kaya may ipapahanap ako sa inyong tao."

Pinangunotan nh noo ang tatlong binatang kaharap.

"May atraso ba 'yan sa'yo, kuya?"

"Meron."sagot niya sa kaibigan ng pinsan.

Nagkatinginan ang tatlo. Iniabot niya ang kaniyang cellphone sa pinsan. Kinuha iyon ng binata. Lumapit ang dalawang kaibigan nito para tignan ang laman ng cellphone na iyon.

Nakita niya ang makahulugang tinginan ng tatlo.

"I-Itong babaeng 'to ba ang ipinapahanap mo sa'min, kuya Albert?"gulat na tanong ng kaniyang pinsan habang nakaturo ang daliri sa mismong picture na nasa cellphone.

"Yes."sagot niya rito.

"Sigurado ka kuya?"si June na makahulugang nilingon ang kaniyang pinsan.

"Yes, I am!"sinabayan pa niya ng tango ang kaniyang sagot.

"Pinapahanap mo sa'min ang magandang babaeng ito."anito ng kaniyang pinsan habang turo ang picture na nasa cellphone na hawak. "Pero sabi mo, hindi ka interesado sa transferee natin."

Tumango ulit siya rito. Nakita na naman niya lihim na mga ngitian ng tatlong binatang nasa harap.

"Ano'ng pabuya kapag naiharap-, este nahanap namin siya?"si Bobby.

"Anything you want. Basta ba kaya ko."

"Walang bawian 'yan kuya, ha?"

Itinaas niya ang kanang kamay as a sign of his promise.

The Elusive Bachelor 2: Albert Montelibano ( Love and Secrets) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon