Chapter 31

4K 101 3
                                    

"Kumusta ang pagiging ama, pare?"

Pinuno muna ni Albert ng hangin ang dibdib at nagpakawala ito ng marahang paghinga bago sinagot ang tanong ng kaibigan niyang si Elmer. Wala pa ang dalawa nilang kaibigang sina Baste at Jonas.

Pinaunlakan niya ang paanyaya ni Elmer ng hapong iyon dahil kasalukuyang nasa mga magulang niya ngayon ang kaniyang anak na si Adan. Mamayang gabi pa niya ito susunduin.

Limang araw na niyang nakakasama ang anak sa bahay niya. Araw-araw din na pumupunta si Meghan para dalawin ang bata. Sapat na sa kaniya ang ganoong set up nilang tatlo. Ipinagpapasalamat na lang niya na maayos ang relasyon nila ni Meghan kahit magkaibigan lang. Ang importante, masaya ang kaniyang anak.

"I've never been so happy in my life, pare. Until my son came."

"Is it only just because of your son?"

Nakuha niya ang ibig sabihin nito. Ngumiti siya pero hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata.

"Well,"kibit-balikat niyang wika. "Things are not the same anymore between me and Meghan."

Truth really hurts, indeed. wika niya sa isip.

It really hurts big time na makitang muli ang babaeng mahal mo na may mahal ng iba.

"Bakit pare? Hindi mo na ba siya mahal?"

Umiling siya. "Mali pare. Ang dapat na tanong ay kung mahal pa ba niya ako? And after what I've done to her six years ago, obvious naman na siguro ang sagot." Inisang lagok niya ang kalahating laman na alak sa kaniyang baso. "You know, I've been a total jerk at that time. Sinaktan ko siya ng walang dahilan."

"Ganyan talaga, pare. Dahil sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao, nagiging gago tayo."

"Pero masaya na din ako sa ganito. Hindi ko man maibabalik 'yong dating kami, at least, we are doing well as friends for our son. Sa anak ko na lang ibibigay 'yong pagmamahal na hindi ko na pwedeng ibigay sa ina niya."

"What do you mean?"

"Remember the man he was with nang muli kaming magkita? It's her boyfriend. Siya 'yong lalaking sinadyang iharang ang sarili para mabangga noon ni Meghan sa campus."

"Are you sure na may relasyon sila, pare? Did she told you about that?"

Sa sinabing iyon ng kaibigan ay bigla siyang napaisip.

Muling nagsalita ang kaharap. "Don't go beyond sa nakikita ng mga mata mo pare. Hindi ka ba natuto sa nangyari noon? If you're uncertain, magtanong ka.  Dahil mas magandang masaktan ka sa katotohanan kesa sa masaktan ka dahil sa kasinungalingan."

Natahimik siya sa sinabi ng kaibigan. He let go a loud sigh.

"Mahirap nang umasa, pare. Sa nakikita ko naman, masaya siya. Kaya sa ngayon, focus na lang muna ako sa anak namin. Kontento na ako sa ganito, pare."

"Glad to hear that."

Napalingon siya sa kaibigan nang mahimigan niya ang lungkot sa boses nito.

"Hindi ka pa ba nagtatapat kay Maddie?"

"Pagtatawanan lang ako ng babaeng 'yon kapag nalaman niyang mahal siya ng asawa niya."

"Habang may oras ka pa, pare, magsabi kana sa kaniya. Wala namang mawawala kapag ginawa mo 'yon."

"Maniwala naman kaya siya, pare?"

"You advised me to do the same kanina, tapos ngayon, pagdududahan mo ko."natatawa niyang saad dito. "Malapit ng matapos ang kontrata ninyo. Handa ka na bang pakawalan siya?"

"Mas mahirap pa pala ang sitwasyon ko kesa sa'yo."naiiling nitong wika. "She's my wife. Pero ni hindi ko man lang siya mahawakan."

"Did you even try to do so?" Pilyo ang ngiting ibinigay niya sa kaibigan.

"Baka sa kulungan ang bagsak ko kapag ginawa ko 'yon."

"Can't you tame her, pare?"makahulugan niyang saad dito.


******
"Problem?"

Nilingon ni Meghan ang nagsalita sa kaniyang likuran.

Naka-upo siya sa gilid ng pool sa kanilang bahay habang nakasawsaw ang mga binti roon.

"May iniisip lang."tipid niyang sagot sa kapatid na si Marcuz.

Tumabi ito ng upo sa kaniya at masuyo siyang hinalikan sa ulo.

"Sino?" Makahulugan ang tingin na ibinigay nito sa kaniya.

"Sino agad?"natatawa niyang turan sa kapatid.

"Bakit? Mali ba ako?"

She didn't answer him. Bagkus ay nilaro ng mga paa niya ang tubig sa pool.

"Can I ask you something, Meg?"

"Sure. Go on."

"Do you still love him?"

Napahinto ang mga paa niya sa paglalaro ng tubig sa pool.

I do...

"Does it matter now, kuya?"balik-tanong niya habang nakamata sa tubig.

"It's just a yes or a no, sweetheart."

"Hindi na importante 'yon. Ang mahalaga sa'kin ngayon ay ang nakikitang masaya si Adan."

"Pero hanggang kailan siya magiging masaya, Meg?"

Hanggang kailan nga ba?

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatulala. Hanggang maramdaman na lang niya ang pagdaloy ng kaniyang luha sa kaniyang mga pisngi.

"Wala ka bang balak ipaalam sa kaniya ang totoong dahilan kung bakit nawala ka ng anim na taon?"

"As long as I can keep it, I will keep it, kuya."

"You said, kaligayahan ng anak mo ang importante sa'yo, hindi ba?"

Marahan siyang tumango bilang sagot sa kapatid.

"And by giving him a complete family makes him happy, sweetheart."

"And that's the only thing that I can't give to him, kuya."

By saying those words, ay tuluyan na siyang napahagulgol sa harap ng kapatid.

The Elusive Bachelor 2: Albert Montelibano ( Love and Secrets) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon