Chapter 17

3.3K 101 3
                                    

Tatlong araw nang hindi nakikita ni Meghan si Albert. She tried to talk to him. Pinuntahan niya ito sa condo at sa bahay nila pero parehong wala doon ang binata.

Matamlay na pumasok sa campus si Meghan ng hapong iyon. She's unwell at that time. Namamaos din siya dahil sa sore throat at sipon. Pero pinilit niya paring pumunta sa klase niya.

Nasa lobby na siya ng kanilang building nang mamataan si Lindsay na naglalakad pasalubong sa kaniya. May hawak itong inumin sa isang kamay. Nanunuya ang ngiting nakapaskil sa mga labi nito. Hindi niya ito pinansin. She continued walking pero nanadya ang babae.

She intentionally bumped her dahilan para maitapon sa kaniya ang inuming hawak nito. Mariin siyang napapikit nang maramdaman ang malamig na inuming natapon sa katawan niya.

"Oops! Sorry!"anito.

Huminga siya ng malalim. Ayaw niyang patulan ito. Alam niyang gusto siya nitong galitin. Pero hindi niya ibibigay ang gusto nito.

Nahinto siya sa gagawing pagtalikod para tunguhin sana ang kaniyang sasakyan nang marinig niya mula sa kaniyang likuran ang boses ng lalaking sobrang miss na miss na niya. Si Albert.

"Lindsay,"tinig iyon ni Albert.

"Oh, hi babe."malanding wika ng babae at tinungo ang binata sa likuran niya.

Hindi siya makakilos sa kinatatayuan. She felt miserable dahil sa hitsura niya ng sandaling iyon.

"Meghan!"

Napalingon siya sa lalaking tumawag sa kaniya.

"K-Kevin."namamaos niyang wika sa lalaki.

Agad siya nitong linapitan.

"What happened? Bakit ka nabasa?" Napaigtad siya ng hawakan siya nito sa braso.

"I a-accidentally b-bumped with s-someone."

Nakita niyang lumingon ito sa likod niya. Naningkit ang mga mata nito.

"May dala ka bang pamalit?"

Umiling siya bilang sagot sa binata. Muli siyang napaigtad nang dumapo ang palad ng binata sa noo niya. "You're hot! May lagnat ka!"

"I-I'm fine. I'll j-just go h-home. Salamat."bahagya niya itong nginitian at akmang tatalikuran na ito nang tanggalin nito ang suot na jersey jacket at walang sabi-sabing ipinatong sa harap niyang nabasa.

"Wear this para makakilos ka ng maayos."anito.

"S-Salamat."

"I'll send you to your car."

Hindi na siya nakatanggi ng pa-akbay siya nitong iginiya papunta sa kaniyang sasakyan.

Nahigit niya ang kaniyang paghinga ng sa pagpihit niya paharap sa kaniyang likod ay mabungaran ang madilim at galit na anyo ni Albert.

Inilang hakbang nito ang pagitan nila at pahablot na inalis ang jacket ni Kevin na nakatakip sa harapan niyang nabasa kanina.




*****

"Back off."mariing turan ni Albert sa binatang si Kevin at inihagis dito ang jacket na nakatakip sa girlfriend niyang si Meghan.

Alam niyang walang masamang intensiyon ang lalaki pero ayaw niyang may humahawak kay Meghan na iba.

The guy immediately raised his both hands.

"Chill bro."nakangiti nitong wika sa kaniya at tinalikuran na siya nito.

He looked at Meghan and was stunned nang makita ang hitsura nito. Her clothes are wet. Pero nag-alala siya ng makita ang matamlay na mukha nito. Natigilan siya nang mahawakan ang palad ng dalaga. She's hot!

"You're sick."nag-aalalang wika niya sa dalaga.

"I'm f-fine."wika nito na nagyuko ng ulo.

Napansin niya ang paos nitong boses. He was about to speak nang marinig ang boses ni Lindsay sa kaniyang likod.

"Albert,"narinig niyang tawag sa kaniya ni Lindsay. Bigla itong yumakap sa braso niya. "Akala ko ba sasamahan kita sa condo mo?"malambing nitong saad.

Marahang nag-angat ng mukha si Meghan at tinitigan siya nito sa mga mata. Sadness and pain are in her eyes. Naramdaman niya ang mainit na palad nito sa kaniyang kamay na nakahawak dito at tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay nito.

Nang akma itong tatalikuran sila ay maagap niya itong pinigilan sa braso. Nakita niya ang paglandas ng sakit sa mukha nito. Tumingin siya sa braso nitong madiin niyang hawak. Nag-isang linya ang mga kilay niya ng makita ang malaking pasa sa parteng iyon ng braso ng dalaga.

"What happened to this?"kalmado niyang tanong sa dalaga.

She smirked. "Why don't you ask yourself?"malamig nitong sagot at marahas na binawi ang brasong hawak niya.

Naguluhan siya sa sinabi nito. And guilt took over him nang maalala niya na malakas niya itong naitulak noon kaya ito napasadsad sa kotse nito.

He immediately brushed-off Lindsay's hands away from his arm and run towards Meghan.

Mabilis niyang hinawakan ito sa kamay at halos pahila niya itong igiya papunta sa sasakyan nito.

"Bitawan mo 'ko!"mahinang singhal nito sa kaniya. Naramdaman niya ang pagpupumiglas nito kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa punong braso ng dalaga.

Habang naglalakad ay tinawagan niya ang pinsang si Bobby at pinapunta ito sa parking lot na kinaroroonan ng kotse niya.

"Let me go, please."mahinang turan ni Meghan sa kaniya ng makarating na sila sa harap mismo ng sasakyan nito.

Hindi siya umimik. Hawak parin niya ang dalaga sa kamay hanggang sa dumating si Bobby.

Dinukot niya sa bulsa ng kaniyang pantalon ang susi ng sarili niyang kotse.

"Pakihatid 'yang sasakyan ko sa condo mamaya."inihagis niya sa direksyon ng pinsan ang hawak na susi.

"Sige, kuya."anito at sinenyasan niya itong umalis na.

"Give me your car keys."agad niyang wika sa dalaga.

"I can go home alone."matatag naman ding wika nito sa kaniya.

"I said hand me your keys!"buylaw niya sa dalaga na ikinagitla nito.

Atubili man ay tumalima naman ang dalaga. She handed him her keys.

The Elusive Bachelor 2: Albert Montelibano ( Love and Secrets) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon