Chapter 9

3.7K 102 3
                                    

"Why do you still need to do this, Meg?"tanong ng nakatatandang kapatid ni Meghan na si Marcuz sa dalaga nang hapong iyon. Kasalukuyan silang nasa condo unit niya ng mga oras na iyon.

She decided to live separately. Sayang din kasi ang property niyang iyon kung hindi niya pakikinabangan. She doesn't want to sell it dahil may mga memories din silang mag-ina sa unit na iyon. Dito kasi sila tumutuloy kapag nagbabakasyon sila noon sa bansa when her mom was still alive.

"Kuya,"aniya sa kapatid. "Dito naman talaga ako nakatira diba? Mas mainam na din na dito ako kasi mas malapit ito sa campus."

"That's not a valid reason. I know you don't go to school everyday. MWF ang schedule of classes mo. At lahat pang hapon. So you can't be late sa pagpasok."

Wala talaga siyang lusot pagdating sa kapatid niyang ito.

"Kuya please?"tinabihan niya ito ng upo sa sofa at naglalambing na yumakap sa braso ng kapatid. "Promise, lagi parin akong dadalaw sa bahay ninyo." She raised her right hand and gave her brother a puppy face.

"Don't give me that look."anito at umalis sa kina-uupuan. "At anong bahay ninyo ang sinasabi mo? Bahay natin."pagtatama nito sa sinabi niya. "We are worried for your safety here, Meg. Kahit pa sabihing malayo ang Paris dito, we can't tell what will happen next."

Bumuntung hininga siya. Naiintindihan niya ang kapatid. Pati narin ang kaniyang ama at Tita Alina, na tulad ng kaniyang kuya Marcuz ay tutol din sa ginawa niyang desisyon na pagtira sa condo ng mag-isa.

"I understand your sentiments, kuya. One of my reasons why I decided to live here is for me to not get involve sa mga careers ninyo. That's why I am worried na may makakilala sa'yo sa pagpunta mo dito."

"Don't change the topic, sweetheart."anito. "I know it's still hard for you to talk about it."

Ang tinutukoy ng kaniyang kapatid ay ang nangyari sa kaniya sa Paris eight months ago. Ito rin ang naging rason niya kung bakit siya pumayag na manirahan na sa Pilipinas.

She was abducted and almost raped by a man who was obsessed with her. Ngayon ay nakakulong ang lalaki sa Paris.

"He's already in prison, kuya. Let's just drop that topic, please."

Naintindihan naman nito ang kalagayan niya. Lumapit ito sa kaniya at buong suyo siyang niyakap.

"Hindi na namin hahayaang maulit iyon sa'yo, Meghan. That would be the first and last time na may gagawa no'n sa'yo. I will kill kung sino man ang magtatangka pang saktan ka, sweetheart."

"Thank you, kuya. Thank you for loving me kahit na hindi-."

"That's enough!"putol nito sa sasabihin niya. "You are my sister regardless of who your mother is."

She hugged her brother tightly. Na kahit man lang sa pamamagitan no'n ay maipadama niya ang pagmamahal at pasasalamat niya rito.

Mag-aalas singko na nang umuwi ang kaniyang kapatid. Habang siya naman ay inayos ang mga damit niya sa kaniyang walk-in closet at nilinis bahagya ang unit niya. Gutom, antok at pagod ang nararamdaman ng dalaga nang matapos siya sa pag-aayos. Dahil oras na rin naman ng hapunan ay nagpasiyang bumaba ang dalaga para magtake-out ng kaniyang dinner.

Nakapasok na siya sa elevator ng building paakyat sa kanyang floor unit nang biglang may pumigil sa pagsara ng pinto ng elevator. Hindi na niya pinagka-abalahang lingunin pa kung sino man ang taong iyon dahil sa pagod at antok na nararamdaman. May dalawang tao pa siyang kasama sa loob ng elevator kaya hinayaan niyang sila na ang maghold sa pagsasara ng pinto niyon.

*****

Nagmadaling takbuhin ni Albert ang papasarang pinto ng elevator nang gabing iyon. He wanted to get to his unit immediately dahil naiwan niya ang kaniyang wallet doon. Pero nagulat siya nang sa pagpasok niya ay mamataan ang pamilyar na mukha ng isang babae na nakasandal sa pinakalikod na bahagi ng elevator. Halatang pagod ito dahil sa nakikitang ayos nito. Agad siyang tumabi sa gawi ng dalagang nakapikit nang makita kung paano ito titigan ng dalawang lalaking kasama nito sa elevator. Tinignan niya ang mga ito ng masama.

Nakita niyang kumilos ang dalaga nang bumukas ang elevator na kinalululanan nila. He followed her. Hanggang sa makarating ito sa tapat ng pinto ng unit nito ay wala parin itong kamalay-malay na nasa likuran siya nito. Maluwang ang pagkakabukas ng dalaga sa pinto kaya pumasok na siya without her noticing him.

"I never thought na dito ka pala nakatira, Miss Hernandez."

Gulat at pagtataka ang rumehistro sa magandang mukha ng dalaga pagkakita nito sa kaniya. She was about to scream ng mabilis niyang tinakpan ng kaniyang palad ang bibig nito.

"You will cause some commotion if you do that."aniya dito. "Relax. I won't harm you."paniniguro niya.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang palad na nakatakip sa bibig nito.

"What are you doing here?! Paano ka nakapasok dito?!"sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.

"You let me in." Nakangiti niyang saad sa gulat paring dalaga.

"Ano'ng 'you let me in? Ni hindi nga kita napansin!"

"Exactly! You're too tired I guess to notice me kaya kahit katabi mo'ko sa elevator kanina ay hindi mo ako napansin."

Napamulagat ito sa sinabi niya. Umawang ang mga labi nito pero hindi ito nagsalita.

Sinipat niya ito mula ulo hanggang paa. Because the woman is wearing a denim shorts, her well sculptured legs are a good sight for him. Napangiti siya sa isiping iyon.

"W-why are you s-smiling?"halatang kinakabahan ito.

"Cause you have a perfect legs, sweetheart."walang pag-aatubiling sagot niya rito.

Nakita niya ang pamumula nito. Pumiksi ito sa kinatatayuan at nagmadaling pumasok sa pinaka-kusina ng unit nito.

Sinundan niya ito pero agad siyang napaatras nang sa apgpihit nito paharap ay may hawak na itong isang maliit na kutsilyo sa isang kamay.

"H-Hey!"natataranta niyang turan sa dalaga habang nakataas sa gilid ng kanyang ulo ang dalawa niyang kamay. "Bitawan mo 'yan, Meghan!"

"Kung may binabalak kang masama, you better think twice. Dahil hindi ako mangingiming isaksak ito sa'yo!"

"I won't do you anything."aniya habang paisa-isang hakbang siyang umaatras. "Kaya puwede bitawan mo na 'yan."

"Then why did you sneak in here?!"mariin nitong turan.

"I didn't mean to. Pabalik ako sa unit ko kanina. Pero dahil hindi ko nagustuhan ang pagtingin sa'yo ng dalawang lalaking kasabay mo sa elevator, I followed you."

Natigilan ito sandali. He took that chance para agawin dito ang kutsilyong hawak ng dalaga. He can't help it but to hug her tightly nang maramdaman ang panginginig ng mga kamay nito.

"I'm sorry if I scared you."aniya. He held her face to look at her. Pero nagulat siya ng bigla itong napaiyak.

The Elusive Bachelor 2: Albert Montelibano ( Love and Secrets) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon