Chapter 6

3.9K 103 5
                                    

Halos takbuhin ni Meghan ang daan papunta sa kanyang klase sa hapong iyon kinabukasan. May iniiwasan siyang makita na isang tao sa araw na iyon. At dahil halos wala sa daan ang kaniyang atensyon ay hindi niya namalayan ang isang taong nakatayo sa daan nang lumiko siya papunta sa building nila.

"S-Sorry," agad niyang hingi ng paumanhin sa lalaking nabangga niya.

She was about to pick up her things ng maunahan siyang gawin iyon ng lalaki.

"It's fine,"sagot nito at iniabot sa kaniya ang gamit niya.

Matangkad ito at halatang hindi ito purong pinoy dahil sa hitsura nito. Guwapo din  ito. Sa isiping iyon ay parang nang-iinis ang utak niya at isang mukha ng naturang lalaki ang biglang sumulpot sa isip niya.

Mas guwapo 'yong isa. tudyo ng isang bahagi ng isip niya. Tukoy nito ang lalaking nangahas na halikan siya kahapon.

"Thank you."aniya at akma na sana siyang lalagpasan ito upang tunguhin ang klase niya ng humarang ito sa daraanan niya.

Pinangunotan niya ito ng noo.

He smiled at her. "Sorry,"anito. "I just wanna know your name." Inilahad nito ang isang kamay sa kaniya. "I'm Kevin. Kevin Mendoza. And you're?" He's asking her name.

Nag-aatubili man ay nakipag-kamay parin siya dito.

"I'm Meghan Hernandez." Agad niyang binawi ang kamay ng maramdaman ang masuyong pagpisil ng lalaki dito. "Sorry, I need to go."aniya at mabilis na niyang nilampasan iyon.

Malapit na siya sa classroom nila ng napahinto siya sa paglalakad nang mamataan sa pasilyong dinaraanan ang lalaking kaniyang iniiwasang makita. Madilim ang mukha nitong nakatingin sa direksiyong pinanggalingan niya. Nang lumingon ito sa kaniya ay agad siyang umiwas ng tingin. And tried not to show any emotion.

Napansin niyang may tatlong lalaking kasama ito. All of them are really good looking. Sila ang tipong lulutang ang kaguwapuhan ilagay mo man sila sa grupo ng maraming kalalakihan.

She stepped back unconsciously nang kumilos ang lalaki at humakbang palapit sa kaniya.

Napaigtad siya sa gulat nang marinig ang boses ng isang babae mula sa kaniyang likuran. At halos patakbo nitong sinalubong ang naturang lalaki sa kaniyang harapan. Umiwas siya ng tingin nang makita kung paano halikan ng babae ang lalaki sa labi.

She grabbed that chance para kumilos at tunguhin ang kaniyang classroom.

Pero bago niya malagpasan ang mga ito ay napigilan na siya nito sa braso. Nakita pa niya sa gilid ng mata niya ang masamang tingin ng babae sa kaniya.

She took a deep breath and speak without looking at the man.

"Take off your hands."malamig niyang wika sa lalaki. She let go a deep sigh ng hindi ito tumalima sa sinabi niya.

"Albert,"narinig niyang wika ng isa sa mga lalaking kasama ng lalaking tinawag nitong Albert.

Nagulat pa siya ng kumilos ang isa ulit sa mga lalaki at tinanggal ang kamay ng lalaking nakahawak sa kaniyang braso.

Lumapit naman ang isa pa sa tatlong lalaki at buong tamis na nginitian siya.

"You're Meghan, right?"

Nangunot ang noo niya. Nagtaka siya kung paano nito nalaman ang pangalan niya.

Maya-maya ay inilahad nito ang kamay sa kaniya.

"I'm Baste."pakilala nito. Pumihit ito paharap sa dalawang lalaki kanina. "This is Elmer."tukoy nito sa lalaking nagtanggal sa kamay ng kaibigan nilang nakahawak kanina sa kaniya. "And this is Jonas."anito tukoy naman ang lalaking nagsalita kanina. "And that,"turo nito sa lalaking kinaiinisan niya. "Nevermind about him. Hindi namin siya kilala."nakangiting turan nito.

Gusto niyang ngumiti sa nakitang reaksyon ng lalaking hindi pinagka-abalahang ipakilala ng nagngangalang Baste sa kaniya. The man's face turned red sa pagkainis siguro sa tinuran ng kaibigan.

"I'm Meghan,"pakilala niya sa sarili bago niya isa-isang kinamayan ang tatlong lalaking nasa kaniyang harapan. Sinsero ang ngiting ibinigay niya sa mga ito bago siya tuluyang nag-paalam. "Excuse me. I have to go."

"Bye Meghan."sabay-sabay na paalam ng tatlo.



*****
"Ano'ng ginagawa natin sa culinary arts building?" Nagtatakang tanong ng kaibigan ni Albert na si Baste.

"Itanong mo diyan,"si Jonas na inginuso siya.

"He wants to see the woman he kissed yesterday."sagot ni Elmer.

"Oh..."tanging sagot ni Baste. "There she is!" Maya-maya ay narinig niyang saad nito.

Lumingon si Albert sa direksiyong itinuro ng kaibigan. Nakita niyang parang nagmamadali ang dalaga base sa kilos nito. Halatang hindi ito naka-focus sa daan dahil nakatungo ang ulo nito habang naglalakad.

Biglang nagdilim ang mukha niya ng makita ang isang lalaki na sinadyang humarang sa daraanan ng dalagang si Meghan dahilan para mabundol ito ng babae.

"Now, that's what we called the right move. "nanunudyong turan ni Elmer habang nakatingin din sa eksenang tinitignan niya.

"You're right, pare."narinig niyang segunda ng dalawang kaibigan.

Nilingon siya ni Jonas na nasa tabi niya. "Hindi gaya ng isa diyan. Nanuka agad. Ni pangalan ng babae hindi man lang alam."patutsada nito sa kaniya na ikinapula ng mukha niya.

"Shut up!"singhal niya sa katabi.

Nasiyahan siya ng makitang hindi masyadong nagtagal ang dalaga sa pakikipag-usap sa lalaking nakabanggaan nito.

Nakita niya ang bahagyang pagkagulat sa maamong mukha nito ng makita siya. He was about to approach her nang biglang dumating si Lindsay.

"Ang swerte mo, pare."palatak ni Baste sa tabi niya.

Kabaliktaran ang ibig nitong sabihin.

Hindi na siya nakaiwas ng salubungin siya ng halik sa labi ng babaeng bagong dating.

Umiwas ng tingin ang dalagang si Meghan ng makita ang ginawang paghalik ni Lindsay sa kaniya. Nakita niyang kumilos ito at naglakad sa direksyon nila.

Pinigilan niya ito sa isang kamay ng akmang lalagpasan sila.

Sa malamig na boses ay nagsalita ito ng hindi siya tinitignan.

"Take off your hands."wika nito.

"Albert," si Jonas na seryoso ang mukhang tinitigan siya. He wants him to let go of Meghan. Pero hindi siya kumilos para gawin iyon.

Nagulat na lang siya ng biglang hawakan ni Elmer ang kamay niya at braso ng dalaga para paghiwalayin.

Kumilos naman si Baste at nilapitan ang dalaga. Matamis na ngitian ng kaniyang kaibigan ang dalaga at ipinakilala ang sarili pati na ang dalawa nilang kaibigan na sina Jonas at Elmer. Napamaang siya ng binale-wala siya nito. Alam niyang namula siya ng makita ang pagpipigil ng dalagang huwag mapangiti sa tinurang iyon ng kaniyang kaibigan.
















The Elusive Bachelor 2: Albert Montelibano ( Love and Secrets) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon