Chapter 37

4.2K 114 11
                                    

"Welcome home, Adan!"

Sinorpresa ng buong pamilya ni Albert ang kaniyang anak ng maka-uwi ang bata galing sa dalawang araw na pamamalagi nito sa ospital.

Mayroong hindi nag-compliment na pagkain ang naipaloob ng bata kaya ito nagsuka noon. Dahilan kaya ito na-ospital ng dalawang araw.

Pamilya ni Meghan ang kasama nilang naglabas sa bata sa ospital kanina. Hindi na nakasali ang mga ito sa hapunan sa bahay ni Albert dahil may kaniya-kaniyang lakad ang mga ito.

Nang matapos ang masayang hapunan nila ay pinakiusapan ni Meghan ang mga ito na mag-stay sa sala ng bahay ni Albert.

Pagtataka ang nasa mukha ng mga ito. Except for her friend, Ayesha.

Sa nakalipas na mga araw. Maraming realization ang nagpag-isip-isip ni Meghan. Since she came back after six years of absence, inisa-isang alalahanin ni Meghan ang mga nangyari.

Panahon na para ipaalam niya kay Albert ang tunay na dahilan kung bakit siya nawala ng anim na taon. At kung bakit sa kabila ng pagiging open ng pamilya niya sa buong pagkatao ng kaniyang anak ay ngayon lang niya ito ipinakilala sa kaniya.

Hindi na din niya kaya pang tikisin ang damdaming pilit na ikinukubli para sa ama ng kaniyang anak.

"May problema ba?"nagtatakang tanong ni Albert sa kaniya ng kaniya-kaniyang maka-upo ang buong pamilya nito sa sala ng bahay.

Dinukot niya ang isang CD sa kaniyang bag at naluluhang iniabot iyon kay Albert.

"Alam kong gumugulo sa isip mo ngayon 'yong birthday ni Adan."wika niya sa pagitan ng kaniyang pag-iyak. "That CD is the answer sa lahat ng tanong na meron ka tungkol sa aming mag-ina sa nakalipas na anim na taon."

"What's inside this?"

"Watch it."wika niya at sa naguguluhang isip ay tumalima si Albert.

Nakatutok ang mga mata ng lahat ng tao sa screen ng malaking TV sa sala.

A video played...

At kasabay nito ang pagbalik ni Meghan sa nakaraan.

Mabilis ang ginawang pagtakbo ni Meghan palabas ng gym. She can't take it anymore. She's hurt. She felt devastated and broken. Ang tanging gusto lang niya ay ang makalayo sa lugar na iyon at sa taong dahilan ng nararamdaman niyang sakit nang mga sandaling iyon.

Narinig pa niya ang mga boses na tumatawag sa pangalan niya. Those were her brothers' voices. Pero hindi niya pinansin ang mga ito.

Sa kabila ng pagbuhos ng malakas na ulan ay tinakbo ni Meghan ang kinaroroonan ng kaniyang kotse at mabilis iyong pinatakbo palayo sa campus.

Hindi niya alam kung saan siya pupunta. All she wanted is to escape. She drives fast. Hindi niya inalintana ang kapahamakang maaaring mangyari sa kaniya. Hanggang sa masilaw siya ng ilaw   at marinig ang isang malakas na pagbusina ng kasalubong na sasakyan.

Ibayong kirot at sakit sa iba't-ibang parte ng katawan ang nararamdaman ni Meghan. She tried to move pero hindi niya magawa. She heard voices around her. Hanggang sa unti-unti siyang malunod sa kadilimang nakikita.

Habang nakaratay ang walang malay na si Meghan sa kama ay kinausap ng doctor ang pamilya nito tungkol sa kalagayan niya.

"Tatapatin ko na kayo, senator."wika ng doctor. "I can't assure you if they will make it."

The Elusive Bachelor 2: Albert Montelibano ( Love and Secrets) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon