Chapter 11

3.5K 89 5
                                    

Papasok palang sa parking lot ng campus ang sasakyan ni Meghan nang mamataan niya ang binatang si Albert na nakaupo sa hood ng sarili nitong sasakyan sa bandang dulo ng parking lot. Sumenyas ito sa kaniyang magpark sa tabi ng kotse nito. And she did. Dahil iyon lang naman na ang bakanteng espasyo sa lugar na iyon para sa kotse niya.

Agad niyang kinuha ang bag niya at akmang bubuksan na ang pinto sa gawi niya ng maunahan siyang gawin iyon ng binata. He opened the door for her.

"T-Thank you,"nahihiya niyang turan dito pagkababa niya sa kaniyang kotse.

"Kumain kana?"tanong nito.

"Mmhmm..."tipid niyang sagot.

Nagulat siya ng bigla nitong gagapin ang isang kamay niya and entwined it with his own hand. At naglakad na ito patungo sa building nila. Pasimple niya itong hinihila pero hinihigpitan lang nito ang paghawak sa kamay niya.

Hindi niya magawang iangat ang kaniyang mukha dahil ramdam niya ang mga titig ng mga estudyanteng nakakakita sa kanila sa ganoong ayos.

"Albert, please?"mahinang wika niya sa binata.

Tumigil ito sa paglalakad. Humarap ito sa kaniya at laking gulat niya ng bigla siya nitong halikan sa labi sa gitna mismo ng daan kung saan maraming estudyanteng nakakakita sa kanila.

"That should stop them from speculating something."tukoy nito sa mga estudyanteng nagbubulungan nang makita silang magkasama.

Hindi na siya nakahuma pa. She walked with him habang magka-hawak ng kamay.

"Hindi pala kita masasabayang umuwi mamaya."narinig niyang wika ng binata. "Kailangan ako sa kompanya ngayon."

Napakunot-noo siyang tumingin sa binata.

"Y-you're working?"tanong niya rito.

"I am handling our business since my Dad had a heart attacked five years ago."

Napamaang siya sa sinabi ng binata.

"I thought you're a student here."wika niya sa binata.

"I am."ngumiti ito sa kaniya. "It's my last semester already."

Natigilan siya sa sinabi nito. Wala sa loob na napahinto siya sa paglalakad. May bahagi sa puso niya ang nalungkot sa isiping kunting panahon lang pala niya makikita ang binata.

"Something wrong, sweetheart?"

"N-nothing,"pilit ang ngiting sagot niya sa binata.

Nanunudyong ngiti ang sumilay sa mga labi nito ng tumingin ito sa kaniya.

"Are you going to miss me kapag wala na 'ko dito?"diretso nitong tanong.

Hindi siya nakasagot agad dito. She wanted to say 'yes' pero nag-alangan siya. Paano kung tanungin siya nito kung bakit? Ano ang isasagot niya sa binata? Na gusto niya itong laging nakikita? She was about to speak ng marinig niyang muling nagsalita ang binata.

"Don't worry, sweetheart."anito na hinawakan siya sa magkabilang pisngi at buong suyong tinitigan siya sa kaniyang mga mata. "You will still able to see my handsome face every day hanggang sa magsawa ka." Hindi na siya nakaiwas ng bumaba ang mukha nito para halikan siya. It's just a smack kiss though. Nagiging habit na nito ang halikan siya.

But you like it! tudyo ng isip niya.

Nasa tapat na sila ng kaniyang classroom nang humarap ito sa kaniya.

"See you later, then."paalam nito.

Marahang tango lang ang sinagot niya. Nagulat siya ng bigla siya nitong hawakan sa magkabilang balikat at pinihit patalikod. At marahang itinulak papunta sa gawi ng pinto sa kaniyang classroom.

Halos nasa tapat na siya ng may pinto nang marinig niya ang pagtawag ng binata.

"Meghan,"

She immediately turned around and about to get one step back nang muli siyang mapabalik sa kinatatayuan kanina dahil sa paghapit ng binata sa kaniyang bewang. She felt his one hand behind her head and abruptly pulled it towards him. And suddenly, all she knew was her lips was being caressed by Albert's hungry lips.

Agad siyang humiwalay dito nang marinig niya ang malakas na hiyawan ng mga estudyanteng naka-saksi sa ginawang iyon ng binata. Hindi na din siya pinigilan pa nito nang nagmadali siyang talikuran ito upang pumasok sa kaniyang klase.

*****

"I misjudged the likes of you."bungad ni Lindsay kay Meghan nang makalabas ang huli sa klase niya.

She was about to passed through the woman nang pigilan siya nito sa kaniyang braso. She stoped, pero hindi niya ito tinapunan ng tingin.

"Know your place, Miss Hernandez."muling wika sa kaniya ng babae. "Pinaka-ayuko sa lahat 'yong inaagawan ako ng bagay na pag-aari ko."

She smirked. Without looking at the woman, she speaks. "Wala akong inaagaw na pag-aari mo, Lindsay."aniya sa babae.

Matalim ang mga matang tumingin ito sa kaniya. But she keep a straight face.

Nakita niya ang mangilan-ngilang estudyanteng napapatigil dahil sa tensiyong namamagitan sa kanila ni Lindsay.

"Albert is mine, Meghan!"mariin nitong saad sa kaniya.

She looked at her showing her sweet smile.

"Oh, really?"aniya sa sarkasmong tinig. "Hindi yata alam ni Albert ang bagay na 'yan."aniya na nakipagtitigan sa babaeng kaharap. "He mentioned last night that you're not his girlfriend." She grabbed the woman's hand na nakahawak sa braso niya at ipiniksi iyon. "So, before accusing me of stealing something to you, make sure that 'that thing' that you so called yours, really belongs to you."

Nakita niyang natigilan ito sa kaniyang mga sinabi.

"Truth really hurt, doesn't it?"muli niyang wika sa babaeng nag-aapoy sa galit ang mga matang nakatitig sa kaniya. "And I think you're putting too much pressure to your self, Lindsay. Ni wala pa nga akong ginagawa nagkakaganyan kana. Paano na lang kaya kung totohanin ko ang ibinibintang mo sa'kin?"

"You bitch!"sigaw nito sa kaniya. Akma siya nitong sasampalin pero kanina pa niya napaghandaan ang bagay na iyon. Umilag siya ng kaunti at hinuli ang kamay nitong dadapo sana sa kaniyang pisngi.

She pulled Lindsay hand para mapalapit ang babae sa kaniya and speak near her ear.

"Hindi ang kagaya mo lang ang hahayaan kong makapanakit sa'kin, Lindsay."she harshly let go of the woman's hand. She's about to walk away nang huminto siya sa  tabi mismo ng babae. "Word of advice. Learn to label your belongings. Para naman hindi ito nawawala sa'yo."

Nagpupuyos sa galit at inis si Meghan habang papunta sa kaniyang sasakyan. She hates it when someone's brings out the devil in her. Pero hindi niya hahayaang madehado siya sa isang babaeng katulad lang ni Lindsay.

Napalis ang inis at galit na nararamdaman ni Meghan nang mamataan ang isang tangkay ng puting rosas na nakaipit sa wiper ng kaniyang kotse. Napangiti siya nang maisip na baka si Albert ang may gawa no'n. Napakunot-noo siya ng may mapansin sa hawak na bulaklak. Halatang hindi iyon matagal na nakaipit sa kaniyang sasakyan. Naalala niyang kaninang tanghali pa umalis ang binata sa campus kaya imposible namang hindi man lang ito nalanta. Pero naisip niyang baka inutusan ni Albert ang pinsan nitong si Bobby para gawin iyon.











The Elusive Bachelor 2: Albert Montelibano ( Love and Secrets) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon