Chapter 35

4.2K 105 15
                                    

"Where are we, kuya?"tanong ni Meghan sa kapatid niyang si Daniel nang sa isang modern commercial building sila dinala nito.

Nagyaya kasi itong mamasyal kasama silang mag-ina ng tanghaling iyon. She was expecting him na sa isang mall or amusement park sila pupunta kaya simple lang din ang isinuot niya. She's wearing a pair of ripped jeans na tinernuhan lang niya ng puting T-shirt and a slip-on white shoes.

"May dadaanan lang tayong tao."

"Who?"nagtatakang tanong niya.

"You'll see."makahulugang saad ng kapatid niya.

Agad itong umibis ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Kinuha nito sa kaniya ang kaniyang anak na nakatulog sa biyahe kanina.

Ewan niya pero bigla siyang nakaramdam ng uneasiness sa ikinikilos ng kasama.

Kita niya ang kakaibang tinginan ng mga empleyado sa naturang building na kinaroroonan nila pagpasok palang nila sa lobby kanina. Nauulinigan din niya ang maya't maya ay bulungan ng mga taong nadaraanan nila. Sa isip niya ay baka dahil sa presensiya ng celebrity niyang kapatid kaya ganoon ang ikinikilos ng mga tao sa lugar na iyon. Idagdag pa ang karga-karga nitong bata.

A moment later ay nasa tapat na sila ng isang pribadong opisina.

"We're here."wika ng kaniyang kapatid.

With a puzzled face ay nagtanong ulit siya rito.

"What are we doing here?"

"I'm sorry, princess. I lied." Nangunot ang kaniyang noo sa sinabi nito. "Ayesha ask for my help kaya ko kayo dinalang mag-ina dito."

"What?!"gulat niyang turan. Sinubukan niyang huwag mapalakas ang boses sa pag-aalalang magising ang kaniyang anak. "Ayesha?!"

"Speaking."wika ng kuya niya at inginuso ang bandang likuran niya.

"Meg,"bungad ng kaibigan niyang bagong dating. "Pasensiya kana."

"What's the meaning of this?"

Pag-aalala ang nasa mukha ng kaibigan.

"Si kuya Albert kasi..."

"What about Albert?"

Kinabahan siya ng hindi agad sumagot ang kaibigan.

"Since noong umuwi si Adan sa inyo, naging unreasonable na siya sa mga empleyado niya."

"Unreasonable in what?"

"Kagaya ngayon. May mga ka-meeting siyang employees diyan sa loob. It's nearly one in the afternoon pero hindi pa niya dini-dismissed ang mga 'yon. Lagi ding mainit ang ulo niya. Kaya nasisigawan din niya ang mga ito."

And as her friend mentioned it, ay halos sabay-sabay silang napalingon sa pinto ng opisina na nasa tapat nila nang makarinig sila ng malakas na pagbulyaw mula sa loob.

Adan moved and woke-up. Nagkatinginan naman ang dalawang nasa harap niya pagkatapos.

"See?"wika ng kaniyang kaibigan.

Ilan pang sunod-sunod na pagbulyaw ang naririnig niya sa naturang opisina hanggang sa hindi na niya nakaya ang mga naririnig mula sa lalaking nagsasalita doon. Marahan niyang ibinaba ang anak at ibinilin sa dalawang kasama ang bata.


******
"What the-!"

Hindi naituloy ni Albert ang akmang pagmura dahil sa pabagsak na pagbukas ng pinto sa kaniyang opisina ng taong hindi niya inaasahang makita ng araw na iyon.

Dire-diretso ang kilos ni Meghan patungo sa gawi niya habang madilim ang mukhang nakatingin ito sa kaniya. Humarap ito sa mga empleyado niyang katulad niya ay nagulat din sa ginawa ng babae.

The Elusive Bachelor 2: Albert Montelibano ( Love and Secrets) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon