GOD IS MY ALL IN ALL

3 0 0
                                    

Title given by: John Rey S. Sulitas
Written by: RedLein

Sino nga ba?
Ano nga ba?
Sino bang talaga?
Tunay Ka nga bang talaga?

Mga katagang
Bumalot sa aking pagkabata,
Batang walang alam kung sino Ka nga ba,
Kung sino nga ba ang sa akin ay lumikha,

Dumaan ang panahon,
Ako'y naging binata na,
Binatang lumaki sa Iyong pag-aaruga,
Binatang natutong kilalanin Ka

At heto nga, ako'y Iyong alagad na,
Maraming binigay ang mundo upang ako'y pasayahin,
Ngunit naisip ko, ano nga bang halaga ng buhay na ito,
Kung sa mundo lang naman mapupunta ito.

Kasiyahang bigay ng mundong ibabaw,
Ay panandalian lamang,
Ngunit sa Iyo'y
Tunay at panghabang-buhay

Wala mang jowa,
Wala mang masasabing akin,
Wala mang bagay na kaya kong ipagmalaki,
Ngunit Ika'y kaya kong ipagmayabang at ipagmalaki

Mawala man ang lahat sa buhay ko,
Balewalain man ako ng ibang nilikha mo,
Talikuran man ako ng kahit sino,
Masasabi ko paring

"YOU ARE MY ALL IN ALL"
Sapagkat ikaw palang ay sobrang sapat na,
Ikaw palang, wala ng hihigit pa,
Sa'yong kalingat aruga, ako'y kuntento na

Ikaw ang lahat sa akin,
Ikaw ang aking susundin,
Ikaw ang aking mamahalin,
O Diyos, salamat sa pag-ibig mong kaya akong puspusin

GLORY TO GOD ALONE!!

#DigitalGodInfluencer

Spoken Poetry ko Para Sa'yoWhere stories live. Discover now