Pagsuko

13 1 0
                                    

Sinimulan ang pag-ibig na di nagalinlagan
Na laging masaya, na may kulitan, minsan tampuhan
mag-aaway lang tayo pero di maghihiwalay
Aso't pusa man tayo pero kahinaan ko pa rin ang SORRY at I LOVE YOU mo.

May mga problema man tayong di nagkakaintindihan
pero mahal handa akong ibaba ang pride ko, sabi nga ang pride dapat pinangsasabon hindi inuugali.
moody ka man lagi handa ko pa ring intindihin yan
kasi nga mahal kita ayokong mawala ka sa piling ko.

Gusto kong mangyari sa monthsary natin ay yung unforgettable moments
yung mapapaiyak ka nalang sa tuwa at saya, yun bang may surprise sa puso mo.
Alam mo bang mahirap ka nang kalimutan simula nung nakilala kita.

Di ka na naalis sa isip ko kumabaga ka na gaya ng star pero sa kamay yun.
Inaantay ko bawat text mo, tawag, chats pati na rin miss calls mo.
Di mo lang alam ang laman ng wallet ko punong-puno ng mga litrato mo, tinitignan ko bago ako matulog.

Kasama ka sa panaginip at pag-iglip
Naaalala ko ang mga nangungusap mong mga mata
Mapupula mong labi at makinis na kutis pati narin ang napaka-cute mong ilong.
Bumabagal ang oras pagkasama kita parang pelikula na bigla nalang nag-slow motion ang tema.

Pero isang sinabi mong ayaw mo na
nasasakal ka na, sobrang sikip na ng mundo na binibigay ko.
pero nagkakamali ka, sapat naman binibigay ko pero di ka nagpapigil sa nararamdaman mo.

"Ayaw mo na" yan ang sinabi mo
di ko matanggap lahat, lahat nawala pati na rin ang pangarap ko, pangarap natin, nawala sa isang iglap.
Ngayong wala ka na lagi na akong mag-isa, gigising ako ng mag-isa hindi ka inaaalala, sa araw-araw mag-isa ako.

Sana maging masaya ka na sa piling ng iba
Mahal Paalam na, salamat dahil nakilala kita, salamat dahil naging tayong dalawa.

(basahin mo pa yung ibang gawa ko 😇😇)

Spoken Poetry ko Para Sa'yoWhere stories live. Discover now