Ikaw at Ako

13 1 0
                                    

Naaalala ko pa nung una tayong nagkakilala
Gusto kitang kausapin pero natatakot ako
baka kapag lumapit ako, bigla kang lumayo
Nilakasan ko ang loob ko, hindi ko inaasahan na ganun pala
mabait ka, madaldal, masayahin at kalog ka.

Nasabi ko sa sarili ko paano kung mahalin kita?
Matatanggap mo ba?
Masusuklian mo ba?
Di ko maintindihan kapag kausap kita o di kaya naman lumalapit ka.
Bumibilis, bumibilis ang tibok ng puso ko.
Para bang gusto kong maihi sa pantalon ko.

Lumipas ang ilang araw ganun pa rin ang nararamamdaman mahirap ipaliwanag.
Baka pag-ibig na ito, hindi mali ang iniisip ko
kaibigan kita ayokong masira ang pagkakaibigan nating dalawa at ganun ka rin diba?.

Ilang minuto lang ay di ko naramdaman na nandyan ka pala sa tabi ko, hindi agad ako nakapag salita
Naging estatwa ako sa mga oras na 'yun
Sabay biglang hinawakan mo, hinawakan mo ang kamay ko.

Napakagaan ng mga kamay mo
napag-isip isip ko swerte magiging syota mo
bigla nalang tumunog ang bell
indikasyong magsisimula na ang klase

Di ko pa rin maalis sa aking isipan
ang mukha mong pang-maria clara sa ganda
kapag magsalita ka man di makabasag pinggan
pati mga kilos mo gustong kong sabayan

Kapag sumabay ako baka pagtabuyan mo ako
Dahil sa gusto kita, gusto ko rin sumigaw, magsusumigaw sa pangalan mong nakatatak na sa isipan ko
sana damhin mo ang pag-ibig ko sa'yo

"oo mahal kita", pero mahal mo rin ba ako?
kaya mo bang mahalin ang isang tulad kong simple ang pamumuhay konti ang pera, walang kotse di ako mayaman, pero ang aking pagmamahal sa iyo ko lang ilalaan

pagtapos ng klase wala akong ideya na yayakapin mo ako at sinabi mo "uy bes", bes? yan tawag mo sa'kin di pala kaya, di pala kayang lumagpas sa pagkakaibigan nating dalawa

"bes, paano ka ba magmahal?" yan ang sabi mo. Ito lang ang masasabi ko, loyal, tiwala at oras.
yang tatlong yan binibigay ko, sabay sabi mong "bes mahal kita, gusto kong maging akin ka.

napanganga ako sa mga sinabi mo
ikaw at ako talaga bang bagay tayo?
bagay ako sa'yo, hindi na ako maga-alibi pa
sasabihin ko na ang nararamdaman ko sayo

walang pagaalinlangan ang pag-ibig ko sayo
tunay ito at buong buo tulad mo
bukod tangi kang nagsabi sa akin ng ganyan
nagpapasalamat ako sa'yo dahil mahal mo na ako.

Ito ang huli kong masasabi sa'yo
ayoko nang mawala ka,
mas mahirap ka nang kalimutan pa
gusto kong hangang pagtanda
Ikaw ang gusto kong makasama ka,
Ikaw at Ako.

Spoken Poetry ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon