KRISTYANO

6 0 0
                                    

Sabi mo, Kristyano ka,
Sabi ng Social Media, Kristyano ka,
Sa loob ng simbahan, Kristyano ka,
'Pero bakit sa labas ibang-iba ka?

'Pag offline ka, asan ka?
Sa twing nag-iisa ka, ano ang pinagkakaabalahan mo?
Sa twing nasasaktan ka,
sino ang iyong nilalapitan?
Sa twing nalulumbay ka,
kanino ka umaasa?
Sa twing nahihirapan ka,
kanino ka kumakapit?

Oo, kadalasan, sinasabi na'ting Kristyano tayo.
Pero ang pagiging Kristyano ba na'tin sinasabuhay? Sinasapuso?
'Pag nasa loob tayo ng church, wow ang babait na'tin. Pero 'pag napalibutan na tayo ng ibang tao, lalo na ng mga unbelievers, ayun sumusunod din sa kung ano ang uso.

Tama ba? Kristyano ka, pero LULONG KA SA ML. Kristyano ka, PERO ADIK SA TIKTOK. Kristyano ka, PERO ADIK NA ADIK KA SA WATTPAD, KPOP, K-DRAMA.

Tama ba?
Kristyano ka, pero every sunday lang?
Paano ang natitirang anim na araw? Ano ka nun? Nagiging makamundo ka? Nagiging sunud-sunuran sa kung ano ang uso? Kristyano ka.

Again, Kristyano ka. TAYO. ISAPUSO'T ISABUHAY MO ANG PAGIGING KRISTYANO MO.
Kung ano man ang natutunan mo mula sa mentor mo, leaders, o kahit sa NF mo... Namnamin mo. Lasapin mo. Lunukin mo hanggang puso hindi yung hanggang dila o lalamunan lang.

Kristyano ka, ikaw ang nagiging BUHAY NA TESTIMONYA NG DIYOS. Ikaw ang nagdadala ng Imahe ng Lord. Ikaw. Ikaw na nagbabasa na kung sa tingin mo, hanggang dila lang pagiging Kristyano mo at wala sa gawa...MAGBAGO KA. MAGREPENT KA. MAGPAKATOTOO KA. Remember? Iba ka. Dahil may Diyos kana na KINIKILALA. Iba ka dahil HINDI KANA SA MUNDO. Pagmamay-ari kana ni KRISTO.

Tandaan, paano mo madadala ang ibang tao sa paanan ni Lord kung ikaw mismo HINDI NAGPAPAKITA NG PAGBABAGO SA SARILI MO? Kung ikaw mismo, NAKIKILAHOK PARIN SA USO NG MUNDO. Kung ikaw mismo, NAGKUKUBLI PARIN SA MASKARANG DALA MO.
KRISTYANO KA. MAGPAKATOTOO KA. ISABUHAY MO. IPAKITA MONG IBA ANG TAO NA MAY KRISTO SA PUSO'T BUHAY NA KINIKILALA.
Bata ka man o may edad na... Heto ang para sa iyo.

🌱📖1 Timothy 4:12 (KJV) Let no man despise thy youth; but be thou an EXAMPLE of the believers, in WORD, in COVERSATION, in CHARITY, in SPIRIT,
in FAITH, in PURITY.📖🌱

GodBless❤😇
#Reminder❤
#KristyanoSaPusoSalita'tGawa✊
#DigitalGodInfluencer🔥

Credits
Ate Red Lein

Spoken Poetry ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon