Start to Game Over

11 1 0
                                    

Nagsimula sa Hi at Hello
Naging magkaibigan tayo
buti ka pa hindi isnabera
Di tulad ng iba jan maganda nga
Mukha namang pera

Ang mahalaga kasama kita at mahal kita
Hindi man ako kaGwapuhan sana iyong matipuhan
Ako yung lalaki na simple lang cologne at pahid ng pulbo okay na

Pagpasensyahan mo na yung treat kong cheap
Kahit biniga ko lang sa'yong pagkain ay corn chip
Di naman mahalaga kung yan lang ang kinaya kong ibigay sa'yo
Sana matanggap mo kung sino at kung anong meron ako

Isang araw sinabi mo "may crush ako"
Nagtaka at nalungkot ang puso ko
Ay oo nga pala, maraming nagkakandarapa sayo
Sa taglay mong kagandahan at hindi ako kgwapuhan

Sinarili ko ang paghanga sayo
Para ang pagkakaibigan natin hindi masira
Simula nung nagkakilala tayo nahulog na ang puso ko
Nasalo mo nga pero ginawa mo namang basura

Tandaan mo ito, mauhulog ka rin sa patibong ko
Patibong na puso ang sasalo sa'yo
Iingatan at papahalagahan ka ng totoo
Alam mo yung ayaw ko nang mawala sa piling mo.

Alam mo yung akin ka at sa iyo ako
Hindi ko inaasahan na magkakakilala tayo
Ngayong alam ko na kung sino ka
Pwede bang makilala ang iyong pamilya?

Ngunit sinabi mo "sige bilang kaibigan lang"
Pumayag ako pero magdadala ako ng alamang
Para sa mangga na magiging meryenda
Ayoko naman maging bitter sa jowa mong hindi naman ang iyong forever.

At isang araw paulit-ulit
Sinasaktan ka ng boyfriend mong makati ang singit
Hindi mo daw kasi maibigay ang gusto nya
Sinasabi ko sayo, hayaan mo na sya.

Nandito naman ako hinding-hindi ka iiwan
Hindi mo lang napapansin ang aking nararamdaman
Pero nangangako ako sayo
Ikaw lang ang mamahalin ko.

Spoken Poetry ko Para Sa'yoWo Geschichten leben. Entdecke jetzt