Mhie at Dhie

15 1 0
                                    

Yan ang napili mong call sign natin
Sa age kong twenty (20) at ikaw eighteen (18)
Alam mo bang age doesn't matter
Basta may salitang together at forever

Hindi natin inaasahan ang ganitong relasyon
Ewan ko ba kung bakit ganito ang aking emosyon
Sobrang saya dahil dun ayaw na na kitang mawala
Dahil dun gusto kita laging kasama

Nalulungkot ako kapag di kita nakikita
Nagtatampo ako tuwing may pagkakamali ka
Magkaganun pa man mahal na mahal kita
Magiging matibay ang relasyon nating dalawa

Sa bawat oras na magdaan
Mga halik at yakap mo nais kong makamtan
Pero kailan ko ulit yun matitikman
Siguro, baka, ewan, bahala na

Panahon nalang ang magdadala
Ang mahalaga tayong dalawa
Magkasama at tapat sa isa't-isa
Ganun nga mamahalin kita

Hindi ko alam kung anong gagawin ko?
Hindi ko alam kung magkakahiwalay pa ba tayo?
Sana hindi mangyari ang mga iniisip ko.
Sana hangang sa dulo maging pamilya tayo.

Naka-apat na buwan na ang relasyon natin.
Hinihiling ko pagtibayin pa natin
Maging matatag pa ang pagmamahal mo.
Sana huwag ka nang mawala sa piling ko.

Hangang sa nalaman ko may iba ka na
Buhay pa pala ang ex mong aanga-anga
At sa kanya ka pala nakipagbalikan
Pero okay lang, kaya pala nanlalamig ka na

Sige ikaw bahala pinakawalan mo ko
Sinayang mo ang mukhang 'to
Hindi ka na makakakita ng ganitong mukha
Dahil balang araw registered criminologist na

Paalam sa mga pangakong napako
Paalam sa mga ala-alang sinakripisyo ko
Sa totoo lang hindi na kita kilala
At hindi na ako magpapaloko pa.

Spoken Poetry ko Para Sa'yoWhere stories live. Discover now