Move on

6 0 0
                                    

Move on? Salitang kay daling sabihin pero kay hirap gawin
Mga masasayang alaala na sabay binuo bat kay hirap limutin
Ibabaon ko na nga ba sa limot ang sandaling pinagsamahan natin?
O patuloy tayong lalaban sa pag ibig na binuo natin

Kahit na may nasasaktan ang isa sa atin
Hindi kita iiwanan sa sinumpaan natin
Pananatilihin na ikaw lang ang mamahalin
Anumang pagsubok na dumating iyan ay ating kakaharapin

Di ko lang mawari kung bakit ikaw ang binigay ng tadhana
Sa panahong ako'y nagiisa, bigla kang dumating na parang isang bulaklak na kasing ganda
Madali mong nabihag ang aking mga mata

Heto sinagot mo na nga ako, kay bilis lang pala magbago ng isip mo
Swerte ko naman pala napunta ako sa'yo
Gusto ko sana na maging matibay tayo
Ayoko nang mahiwalay sa pag-ibig mo

Lumipas ang ilang taon di ko alam kung ano ang nagawa kong mali
Ang mga pangako mo biglang nabali
Hindi na mababalik sa dati ang puso kong sawi
Di mo na tinatanggap ang pusong nagbabakasali

Ayoko na, Break na tayo  ang huling salita na binanggit mo
Na lubos na nagpaguho ng mundo ko
Mula non , ang umaga'y nagiging gabi at ang gabi'y nasasariwa ang mga alaala mo

Ayoko nang mabalot ng kalungkutan mo
Kaya sinikap kong limutin ka sa tulong ng mga kaibigan at pamilya ko
Syempre hinding hindi mawawala si God na naging kalakasan ko
Upang maghilom ang pusong sinaktan mo

Naging magaan ang bawat umaga ng hindi kita kasama
Simula ng pinalaya kita at kumawala na nga sa pag ibig nating dalawa
At doon ko narealize na mas mabuting mag isa
Kesa naman pilitin ko ang isang relasyon na sa una lang pàla magiging masaya

Heto nanaman tayo, naging brokenhearted ulit?
Kailan mo ba matatagpuan ang tamang taong muling magaayos ng puso mong pinunit ng paulit-ulit
Ikaw kasi masyado mong minamadali
Kaya ayan tuloy sa pag-ibig madali kang masasawi

Masaya siguro na may kasintahan
Lalo na kung pinagiisipan hindi yung biglaan
Siguradong ikaw ay masasaktan kapag dumating ng di inaasahan
Lahat ng bagay ay pinaghihirapan

Hindi ko maisip kung bakit ka ata magkaroon ng kasintahan
Sabihin natin kayong dalawa ay nagmamahalan
Pero ang tanong, tapat nga ba sya sayo
O naglolokohan lang kayo

Kaya sa susunod na magmamahal ka
Pagisipan mo muna baka sya ang dahilan ng pagluha ng iyong mga mata
Hindi na rin tama ang iyong nararamdaman pa
Hindi iyan pagmamahal, atat ka lang talaga magka-jowa

Spoken Poetry ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon