Pangarap

17 1 0
                                    

Ano nga ba ang pangarap mo?
guro, pulis, negosyante, sundalo?
kung ako ang tatanungin
bukod sa propesyong pagkapulis

pangarap ko rin na makasama ka
yun bang may pamilya tayo at ikaw ang ina
at ang mga anak natin mga lima, pwede ba?
pwede bang ikaw ang maging asawa ko?

Maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko
gusto kong masagot ito ng buo at bukal sa puso
alam mo bang kahit masulayapan lang kita
buo na ang araw ko, ang lungkot nabubura.

sabihan man nila akong tanga at least mahal kita
di ko naman ipagkakaila na gusto kita
kasi wala naman akong ginagawang masama
sana mapansin mo ang bawat galaw ko at turing ko sayo

Pangarap ko rin na mapagsilbihan ka sa araw-araw
pagsisilbing may silbi yun bang nakapagpapasaya sayo
kahit gaano ka pa kabadtrip, kaya kong pasayahin ka
sa pamamaraang gumagala sa lugar na kaaya-aya

Nasabi mo rin sakin na kapalit-palit ba ako?
pangit ba ako?
ano pa bang pagkukulang ko?
binigay ko naman ang gusto niya tapos di parin worth it
pero sabi nga easy to get, easy to forget.

Oo nga pala nakalimutan ko may boypren ka pala
baka di mo rin ako magustuhan kasi nga di ako gwapo
Pero isang araw nagtanong ka at sinabi mo
bes mahal kita, mahal kita bilang nililigawan mo.

Ako'y nabiglabat nagtaka kung bakit mo nasabi yan
dahil ba wala akong katulad, dahil ba ako ay tamad
di ko maisip kung anong iniisip mo
ayokong maniwala sabi-sabi mo
ayoko na ring masaktan pa

Alam kong alam mo na magkaibigan tayo
di ko inaasahan na hahantong tayo sa ganito
pero mahal pangako ako'y iyong iyo
di magbabago ang tibok ng puso ko

dumating man ang temtasyon iisipin ko
habang buhay tayo, oo malayo ang agwat
sa bawat tibok ng puso ikaw ang laman nito, matatapos din ito. MAHAL KO

Spoken Poetry ko Para Sa'yoWhere stories live. Discover now