Pangako ko

8 1 0
                                    

"Mamahalin kita ng totoo"
"Papaligayahin kita ng buo"
"Hindi kita iiwan"
"Hindi kita sasaktan"

Yan ang mga pangakong binitiwan
Pero hanggang kailan kakapit sa pagmamahalan?
Nang walang halong kalokohan
O mga mabulaklak na salitaan

Patuloy ka bang maniniwala?
Sa mga pinagsasabi niya?
At hindi niya ito mapakita sa gawa
Ano mamahalin mo pa ba siya?

Siguradong sagot mo ay OO
Patuloy kang magpapaloko
Patuloy mong tatanggapin
Ang mga pangako niya sa iyo.

Kasi nga mahal mo siya
Kasi nga ayaw mong mawala siya
Marupok ka lang talaga
Ayaw mong iwanan siya

Kung handa kang magmahal
Handa ka rin masaktan
Kung handa mo siyang tanggapin
Handa mo rin siyang palayain

Ganun yon, alam mo kung ano mas masakit doon?
Yung niloloko ka ng talikuran
Kahit na niloloko ka ng harap-harapan
Di mo pa rin pinaniniwalaan

Iniisip mong wala silang relasyon
At sinasabi mo magkaibigan lang yon
Bakit ako magpapaapekto doon?
Bakit ako magseselos doon?

Huwag kang maging manhid
Matuto kang makiramdam
Hindi yung wala kang pakialam
Para walang masamang pagdaramdam

Nakakasawa na rin mag payo
Lagi mong sinusunod ang sarili mo
Oo BESTFRIEND mo lang ako
Pero iniisip ko lang ang kapakanan mo

Sige na papalayain na kita
Sundin mo na ang pangako niya
Hahayaan na kitang mahalin mo siya
Magpakasaya kayong dalawa

Kahit para sa akin nasasaktan ka na
Oo gusto na kita, Crush na kita
Pero alam kong diyan ka magiging masaya
At heto hahayaan na kita

Hindi kita babalikan pa
Hindi na kita kakausapin pa
Mahal na mahal kita
Paalam na!!

Spoken Poetry ko Para Sa'yoWhere stories live. Discover now