AKO'Y BINAGO

11 0 0
                                    

Written by: Ate Red Lein

Inspired by.. 2 Corinthians 5:17
📖Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation; the old has gone, the new has come.📖

Mura dito, mura doon,
Bantay dito, bantay doon,
Mahilig sa alitan,
Mahilig sa awayan

Mapagsagot sa magulang,
Iniisip sariling kapakanan lamang,
Mapagmataas higit kaninuman,
Pag-iisip ko'y puno ng pag-aalinlangan

Buhay ko'y puno ng kamalian,
Na kahit sariling ako'y di kayang tuwirin,
Katawan ko'y dinudungisan,
Nang mga gawaing walang kabuluhan

Ako'y naging isang hangal,
Ako'y naging isang priso ng kasinunglingan,
Ako'y puno ng kasinungalingan,
Buhay ko'y naging katatawanan ng mga dyablong humihiyaw

Na tila ba'y pag-iisip ko'y puno ng negatibo,
Ni ayaw ko nang mabuhay sa mundo,
Ni hindi ko na kilala kung sino ako,
Pagkukubli sa maskara ang nais ko

Pero ang lahat ng ito'y nagbago,
Nawala nang ika'y nakilala ko,
Naglaho na parang bula nang tayo'y nagkatagpo,
Pinukaw mo ako sa pagkalubog sa kasalanang nagawa ko

Nang makilala kita,
Ang lahat ay nagbago na,
Buhay ko'y dinurog Mo,
Puso ko'y pinuno Mo

Nang pag-ibig Mong tunay,
Na sa buhay ko'y nagpabuhay,
Kinilala ang Iyong pagkamatay,
At binigyan Mo ng pag-asang mabuhay

Ngayon ako'y naririto,
Naging buhay na testimonya ng kadakilaan Mo,
Ako'y naging tagasunod Mo,
At nagbabahagi ng salita Mo

Binago Mo ang buhay ko na dati ay akala kong patapon,
Nilinis Mo ako sa bakas ng aking kahapon,
Ginamot Mo ang puso kong sugatan,
Ginamit Mo upang Ika'y paglingkuran

Tinama Mo ako,
Binago Mo,
Nilinis Mo,
Pinatawad Mo

Sino ba ako na karapat-dapat dyan sa pag-ibig Mo?
Ngayon alam ko na,
Kung ano ang tunay kong halaga,
Dito sa mundong aking kinagisnan

Alam ko na kung sino ako,
Ako ay tinawag Mo,
Upang Ika'y paglingkuran ko,
Nang sa ganoon, buhay ko'y magkaroon ng katuturan sa mundo

Ngayon, ako'y isang bagong nilikha na,
Ang dating ako'y sinunog Mo na,
Ang dating ako na walang pakinabang sa mundo,
Ay nakikipaglaban na para sa henerasyon ko

Alam ko na ang tama,
Ako ay may panata,
Na kahit kailan hindi na kita tatalikuran,
Mapagod man pero hindi kita susukuan

Salamat sa pagkakataong Ika'y nakilala ko,
Pagkakataong binuhay Mo,
Ang ako na uhaw sa pag-ibig Mo,
Salamat sa pagpapatawad Mo

Ayoko nang sayangin 'to,
O Diyos ikaw na ang buhay ko,
Dugo Mo'y dumadaloy na sa katauhan ko,
Ginawa Mong instrumento ang tulad ko

Tunay ngang lahat ay Iyong makakaya,
Wala na akong hihilingin pa,
Kundi ang paglingkuran ka,
Hangga't ako'y nabubuhay pa

Ayawan man ako ng  mundo,
Alam ko naman ang halaga ko sa Iyo,
Saktan man nila ako,
Ikaw parin ang Syang kanlungan ko

Sa'yo parin ako tatakbo,
At isisigaw ang kadakilaan Mo,
Buhay ko'y iyong-iyong,
At ika'y naging Ama ko

Salamat sa pagmamahal,
O Diyos ng buhay ko't dangal,
Ang dating ako'y wala na,
At ang bagong ako'y nagsisimula na.

❤🙌TO GOD BE ALL THE GLORY🙌❤

#DigitalGodInfluencer🌟

Spoken Poetry ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon