UNTITLED

5 0 0
                                    

Written by: Ate Red Lein

Kumusta ka?
Naalala mo pa ba yung unang araw na on fire ka?
Naalala mo paba yung mga araw na namamalagi ka sa Presensya Nya?
Naalala mo paba na halos araw-araw hinahawakan mo ay Bibliya?
Naalala mo paba na halos magkandarapa ka maipanalangin mo lang sila?

Naalala mo paba na halos lahat ng gawaing simbahan ay kasali ka?
Naalala mo yung halos araw-araw inalala mo Sya?
Naalala mo yung nahihirapan ka pero andyan Sya para tulungan ka,
Naalala mo yung nadapa ka pero inahon ka Nya

Pero ngayon, asan kana?
Asan na yung dating ikaw?
Asan na yung puso mong nagagalak na kasama Sya?
Asan na yung ikaw na ginamit Nya?

Asan kana nga ba?
Diba nangako ka?
Ano nga ulit yun?
Alalahanin mo naman sana

Diba sabi mo pa nga,
"I HAVE DECIDED TO FOLLOW JESUS, NO TURNING BACK"
Pero bakit?
Unti-unti kanang nanlalamig,
Unti-unti kanang tumitigas

'Ni hindi mo na kayang ilabas ang luhang ilang beses mo nang pinipigilang pumatak,
'Ni ilang beses mo nang binalewala ang SALITA NYA,
'Ni hindi kana nagpapasalamat sa Kanya,
'Ni hindi mo man lang mabigkas ang salitang LORD PATAWAD

Ganyan kana lang ba?
Napakarupok mong tao ka!
Minura ka lang, tatalikod kana?
Binalewala kalang ng iba, babalewalain mo rin Sya?

Ano bang meron sa mundo at nadadala ka parin nito?
Ano bang bigat ang dinadala mo at sumuko kana?
Ano bang pinanghahawakan mo, ha?
Ano bang gusto mong patunayan ha?

Na kaya mong tumayo nang walang Sya?
Na kaya mong mabuhay na wala Sya?
Bakit kaba ganyan?
Napakatigas mo na!

Alam ko ang nararamdaman mo,
Kasi tao din ako,
Pero alam mo kung bakit nakatayo parin ako?
Kasi sa Kanya ako kumakapit kahit na masakit

Alam mo kung bakit?
Kasi Sya lang yung hindi ako iniwan kahit kailan,
Kay puno ng bakit dito sa mundo,
Sya lang yung naging totoo

Loves, 'wag mong damdamin ang sakit,
Nang dahil lang sa mga taong mapanakit,
Na kahit mismong mga magulang mo,
Kaya kang ipatakwil, masunod lamang kagustuhan nila para sa'yo

Alam Nya lahat ng sa'yo,
Alam Nya na makakaya mo,
Pero ikaw mismo sumuko na,
Sa kadahilanang ikaw lang ang nakakaalam

Kaya mo pa bang bumalik?
Kaya mo pa bang manahimik?
Kaya mo pa bang abutin ang mga kamay Nya?

Kaya mo paba?
Sige na, tumayo kana,
Tumalon ka nga,
Isigaw mong "ako'y babalik na sa paanan ng aking manlilikha"

Sabay tayo ha?
Walang susuko ha?
Tapusin na'tin ang karera,
Na puno ng sigla

Hindi pa huli ang lahat,
Nadapa ka man, tutulungan ka Nyang tumayo,
'Wag kang magpapatalo,
Dahil lang sa bigat na nararamdaman mo

Gusto mong magpatuloy diba?
Sige, magpatuloy ka,
Gusto mong magpaalab diba?
Sige, magpaalab ka

Gusto mong lumaban diba?
Ihanda mo ang 'yong Bibliya,
Gusto mong lumago diba?
Magbabad ka sa Presensya Nya

Gusto mong sumaya diba?
Bumalik ka sa Kanya,
Gusto mong maligtas diba?
Magpatuloy ka!

Sabay tayo ha?
Walang susuko ha?
Tapusin na'tin ang karera,
Na puno ng sigla

Hindi pa huli ang lahat,
Nadapa ka man, tutulungan ka Nyang tumayo,
'Wag kang magpapatalo,
Dahil lang sa bigat na nararamdaman mo

Gusto mong magpatuloy diba?
Sige, magpatuloy ka,
Gusto mong magpaalab diba?
Sige, magpaalab ka

Gusto mong lumaban diba?
Ihanda mo ang 'yong Bibliya,
Gusto mong lumago diba?
Magbabad ka sa Presensya Nya

Gusto mong sumaya diba?
Bumalik ka sa Kanya,
Gusto mong maligtas diba?
Magpatuloy ka!

#DigitalGodInfluencer

❤🙌GLORY BELONGS TO GOD🙌❤

Spoken Poetry ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon