Tamang Panahon

2 0 0
                                    

Naalala mo pa ba noong tayo'y mga bata pa?
Laging laro ang nasa isip simula umaga
Hindi magkamayaw ang mga nanay natin sa kakasabi ng umuwi ka na

Lumipas ang ilang taon tayo'y naging kabataan
Sanggang-dikit tayo alinman ang ating puntahan
Maging sa eskwelahan at pamilihan
Sa wakas nagtapos na tayo sa mataas na paaralan

Dumating ang panahon na may isang babae akong nagustuhan
Ngunit hindi ikaw ang pinili ng pusong paglalaanan
Mahirap man isipin pero kailangang tanggapin
Siya na siguro ang lagi kong iisipin

Araw-araw kaming lumalabas ng babaeng aking nagustuhan
Bawat minuto siya lagi ang nasa aking isipan
Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman
Sa tuwing kami ay laging nagkakatitigan

Isang araw bigla nalang nagkaroon ng lokohan
Nabigla ako sa aking mga nalaman
May naka-higit pa pala sa aking katauhan
Gwapo, maputi, matangkad at mayaman

Pero ayus lang mabuti na't maaga ko nalaman
Kesa naman pinatagal pa ang pagliligawan
Sa lokohan din pala ang patutunguhan
Maghihintay nalang ako sa tamang panahon at paraan

Bibigyan ng kabuluhan ang pusong laging napag iiwanan
Sisikaping maghintay para sa babaeng nakalaan
Kung ang magiging kapalit naman ay busilak na pagmamahalan
Maghihintay ako dahil ang Diyos ang naglaan

Sabe nga nila, mas mabuting maghintay kesa madaliin
Hindi isang laro ang pagpasok sa relasyon kung iyong iisipin
Kinakailangan ng pagsusumikap upang patunayan
Na ikaw at ako ay pagtatagpuin ng landas at magkikita sa tamang panahon

Hinding-hindi na ako magmamadali pa
Mas okay nang maging single muna
Kesa naman taken pero mali naman ang nararamdaman
Hahayaan ko nalang ang tadhana ang magtagpo sa landas naming dalawa

Ang lahat ng bagay ay pinaghihirapan
Hindi ito nakukuha sa madalian
Dahil mas magiging matatag ang samahan
Kung pinaglalaanan ng oras at panahon

Hindi tulad ng instant noodles, lalagyan mo lang ng mainit na tubig pwede mo nang kainin
Kapag minadali mo madali ring mawawala
Kung gusto mong makuha ang isang bagay dapat mo itong pagsumikapan
At hindi ito nadadaan sa materyal na bagay lang

Spoken Poetry ko Para Sa'yoWhere stories live. Discover now