Oras at Panahon

4 0 0
                                    

Oras na nga ba para ikaw ay mahalin
Sa edad kong ito sana iyong mapansin
Di man ako ka-gwapuhan at least cute naman
Alam mo bang dito sa puso ko ikaw lang ang laging laman

Sa aking isipan ikaw ay laging dumadaan
Wala ni isang segundo na di kita tinitignan
Tyaka alam mo ba boto sa iyo ang aking pamilya
Kasi naman ikaw ang lagi kong binibida

Sa bawat kwentuhan wala akong ibang mabanggit kundi ikaw
Dahil ikaw ang bumihag sa puso kong ligaw
Di ko alam kung bakit ikaw ang tinitibok ng puso kong ito
Baka naman may isang bagay kang mayroon na wala ang ibang nagustuhan ko

Pero teka magugustuhan mo kaya ako?
Makakaya ko lang ibigay fishball at choco-choco
Nakakahiya man pero kakapalan ko na mukha ko
Nagbabakasakali lang kung may tyansa na magustuhan mo ko

Panahon na ba para makilala kita?
Ito na kaya ang tamang oras para maging akin ka?
Kahit di pa tayo tapos sa pag-aaral
Kahit di muna tayo ikasal okay lang sa akin mahal

Papatunayan ko sa iyo sa bawat segundo ikaw ay mahalaga
Oo, inaamin ko sa sandaling panahon na ikaw ay aking nakilala
Binigyan mo ng bagong kulay ang bawat umaga
Liwanag at kislap sa aking mga mata mula ng ikaw ay aking makita

Lulubusin ang Oras at Panahon upang lubusan kitang makilala
Sisikapin kong ikaw lang ang mamahalin ko at wala nang iba
Tyaka Di ko akalain na sa ganitong paraan tayo pagtatagpuin ng tadhana
Gagawin ko ang lahat ng paraan para magkaroon tayo ng oras sa isa't isa

Pero hindi ko iyan paniniwalaan ang salitang hindi magtatagal
Dahil simula't sapol ikaw na maalaga't mapagmahal
Ay hinangaan ko ng sobra't pagkatagal -tagal
Kayat nararapat lang na buhusan ka ng labis labis na pagmamahal

Pagtyatyagaan ko kung anong dumating na problema
Hindi tayo matitinag sa pagkamit ng mga pangarap nating dalawa
Susulitin ang bawat araw na ikaw ay aking kasama
Bumabagal ang pag-ikot ng mundo sa tuwing nakaka-piling ka

Ngunit sandali, ang oras ay natatapos at panahon ay lilipas din
Bawat segundo't minutong kausap kay matatapos din
Nakakalungkot man pero kailangang tanggapin
Na mayroong taong pagtatagpuin ng tadhana, subalit hindi papatagalin

Ika nga nila sadyang mapagbiro ang tadhana
Pinagtagpo lang tayo pero hindi para sa isa't isa
May nakalaan na tamang tao sa ating dalawa
Kung diyan ka magiging masaya susuportahan kita

Salamat sa mga Oras at Panahon na ikaw ay aking nakilala't nakasama
Salamat sa mga sinabi mong mga pangakong kailanman ay di na matutupad pa
Salamat sa mga araw na binigyan mo ko ng halaga
At salamat dahil nakilala kita sa hindi inaasahang Oras at Panahon.

Spoken Poetry ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon