Sandali Lang

4 0 0
                                    

Sandali lang iiwasan muna kita
Dahil sa relasyon hindi pa ako handa
Ayokong dumating na may masaktan akong iba
Ikaw na umaaligid diyan umalis ka na

Pagkat hindi ako intirisado sayo
Ginagawa ko pa ang mga pangarap ko
Mas uunahin ko muna ang sarili ko kaysa sa sarili mo
Sagabal ka lang, isa ka sa mga balakid ko

Sandali lang pagkat ang puso kong ito'y hindi ikaw ang sinisigaw
Namaos na ako sa kakahiyaw
Sa mga pangako mong mala-sabaw
Ang mga pangarap ko'y di ko na matanaw

Di ko man ito naisin pero dapat mong tanggapin
Kahit sabihin mong ang puso'y handa kang alipin
Hindi ka kayang bihagin ng mga mata kong matalim
Hindi mo rin kayang sisirin ang puso kong malalim

Sandali lang dumistansya ka sa akin
Pagkat hindi mo ako kayang akitin
Ni hindi mo rin ako madadaan sa mga nakakabighaning kanta
Kahit titigan mo ko sa aking mga mata

Ngayon palang pinapasuko na kita
Kailanman ang matamis na oo hindi mo na makakamtan pa
Huwag mo akong itulad sa iba
At huwag ka nang magsabi ng mga pangako kung ito'y napako na

Dapat ngayon maghanap ka na ng iba
Huwag ka nang umasang magugustuhan pa kita
Sa totoo lang pinagtatawanan ko lang mga pinaggagawa mo
Akala mo naman magiging tayo? Nagkakamali ka sa iniisip mo

Sandali lang, ano bang dapat kong gawin?
Ikaw ay pigilan o tanggapin
Hindi talaga ako makapili sa dalawa
Ayoko kasing ma-disappoint ka

Ayoko rin na mawala ang pagmamahal ko sayo
Kaya di ko kayang pumasok sa isang relasyon na pinipilit ng mga tropa ko
Sana maintindihan at matanggap mo
Di lang naman ako ang magugustuhan mo

Kaya ito papalayain ka na
Makahanap ka sana ng ibang magugustuhan ka
Piliin mo yung karapat-dapat sa iyo
Bibigyan ng halaga ang lahat ng oras at panahon na ibibigay mo

Hanggang muli nating pagkikita
Ipakilala mo sana sa akin ang iyong sinisinta
Nandito lang ako para suportahan ka
Sandali lang, paalam na

Spoken Poetry ko Para Sa'yoWhere stories live. Discover now