Mahal kita

4 0 0
                                    

Dalawang salita, Siyam na letra
Sarap pakinggan sa tenga
Lalo na kapag mahal mo ang nagsabi
At galing sa kanyang mga labi

Yung bang pinaparamdam niya sa'yo
na may halaga ka sa kanyang puso
Maliliit na efforts ginagawa niya
Simpleng pagluha mo pinupunasan niya

Teka, ano ba ang kahulugan ng salitang mahal kita?
Ito ba yung salitang madaling bigkasin?
Ito ba yung taong dapat mong tiisin?
ito ba yung dapat mong gawin para maging IN?

Pero hirap kang iparamdam ito
Sa taong mahal na mahal  mo
O baka naman takot kalang
Na mapaglaruan ang puso mo

Crush mo siya, pero natotorpe ka
Kapag lumalapit siya lumalayo ka
Pero kapag pinaguusapan siya
Kilig na kilig ka

Malakas lang loob mo kapag nakatalikod siya o kaya wala siya
Simpleng ligaw tingin
Tamang titig lang kanyang picture
At imahinasyon habang may naglelesson

Feeling mo nasa alapaap ka
Sa tuwing nakikita mo siya
Napapangiti ka kapag nasusulyapan mo siya
Pakiramdam mo buo na ang araw mo

Lalapit ka sa kanya kapag may problema
Problema na bakit di ka niya pinapansin
Nagpapasama ka pa sa BestFriend mo
BestFriend mo lang ang nagsasalita

Sinasayang mo yung pagkakataon
Pagkakataon na makilala mo siya
Makilala mo siya ng lubusan
Kung anong pagkatao ang meron siya

Kaso dumating na yung panahon
Panahon kung saan may nililigawan na siya
Pero ikaw itong naghahabol sa kanya
Na hindi na mapapansin pa

Dapat nung una palang sinabi mo na
Dapat di ka na naging torpe pa
Para di ka nagiging malungkot ngayon
At ikaw ang nagmamahal sa kanya

Kaya sa susunod sabihin mo na
Malay mo mahal ka rin niya
Yun bang aalagaan ka
Iingatan at sabay niyong haharapin ang kinabukasan

Di mo pala alam siya pala ang itinadhana sayo
Siya pala yung magiging ka-partner mo
Kaya dapat di mahihiya
Kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya

Spoken Poetry ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon