"NASAAN KANA KAPWA KO KABATAAN?🔥"

4 0 0
                                    

Ano na? Kamusta ka na kaya?
Kamusta na yung pag-ibig mo sa Kaniya?
Umaalab pa ba? O nanlalamig na?
Andyan pa ba yung desire mo sa Kaniya? O baka wala na?

Nasan kana kapwa ko kabataan?
Nasan na yung Ikaw aa harap Niya noon pa man?
Nasaan na yung desire mo?
Nasa na yung commitment mo?

Imulat mo nga ang iyong mga mata,
Henerasyon natin ngayon ay ibang-iba na,
Kapwa ko kabataan, ano? Patuloy ka parin bang magbibingi-bingihan?
Patuloy ka bang lalayo sa conviction sayo ng Holy Spirit na magligtas ka din ng kapwa mo kabataan?

Kelangan ka ng henerasyong ito,
Henerasyong, andami ng nanlalamig kay Cristo,
Ano? Kelan ka gagalaw?
Sa susunod na buwan? Sa susunod na araw?

Nasan ka na kapwa ko kabataan?
Nalugmok na ba sa gawaing makasanlibutan?
Kaya ang pagbabahagi ng Salita Niya ay di mo magawa?
Di mo magawa kase sa gawa ng mundo nakikisabay ka na,

Gumising ka kapwa ko kabataan!
Imulat mo ang iyong mata sa katotohanan!
Katotohanan na si Cristo ay ipakilala mo na sa iba,
Kumilos ka na, kelan?? NGAYON NA!!!

Kabataan, ngayon na!
Ngayon na ang panahon, na ipakilala mo si Jesus sa iba!
Ngayon na ang panahon upang ang GREAT COMMISSION natin ay gawain na,
Ano? Uupo ka lang ba diyan at tutunganga?

Galaw galaw na!
Share na ng Salita Niya,
Wag ka ng mahiya,
Have Courage and Boldness na Magshare sa iba.

Nasan kana kapwa ko kabataan?
Alam mo, sa basag na henerasyong ito, IKAW ang kelangan,
Ano? Patuloy mo bang isasara yang puso mo sa mga kaluluwa nila?
Kaluluwa nila, na kelangan ng diligan ng panalangin at Salita Niya?

Nasan kana kapwa ko kabataan?
Kelangan ka ng pamilya mo, ng kapit bahay mo, maging ng iyong mga kaibigan,
E share mo na yung Gospel sa kanila,
Wag kang matakot na magbahagi ng Salita Niya sapagkat kasama mo Siya

Hahayaan mo nalang ba?
Na yung relasyon ng pamilya mo kay Cristo ay tuluyang mawala?
Hahayaan mo nalang ba?
Na patuloy na lumangoy sa kasalanan ang iyong mga barkada?

Hahayaan mo nalang ba?
Na yung mga kapit bahay mo ay patuloy na manlamig sa Kaniya?
Kabataan! kumilos ka na!!
Kumilos kana!!!

Tingnan mo yung puso nila,
Kelangan nila si Cristo,
At sino ang kikilos upang sila ay maliwanagan?
IKAW!! OO IKAW KAPWA KO KABATAAN!!!

ANO TARA? Share tayo ng Gospel sa iba! 😍🔥Let's do our part my dear youths!! 🔥😍

As Matthew 28:19-20 says :🔥😍
19.Go ye therefore, and teach all nations, baptizing them in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Ghost:
20.Teaching them to observe all things whatsoever I have commanded you: and, lo, I am with you alway, even unto the end of the world. Amen.

Credits
Faith Speaks

Spoken Poetry ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon