Hi Crush

0 0 0
                                    

Buo na naman araw ko, kase nakita ulit kita
Di ko maiwasan na tumingin sa iyong mga mata
Itong puso ko tumatalon sa saya
Alam mo bang kinikilig ako kapag nagkakasalubong tayong dalawa

Pasulyap-sulyap lang sa malayo
Gagawa ng paraan kahit patago
Wala akong pakialam kung sa puno ay mabunggo
Basta ang alam ko crush kita ng buong puso

Hi Crush! Sa salitang Hi diyan nagsimula ang lahat upang kilalanin kita
Simpleng palitan ng tanong ay unti unti kitang nakilala
Kulitan at asaran ay di rin basta basta mawawala
Dahil sa ganoong paraan ay lihim mona akong napapasaya

Mabilis na dumaan ang mga araw, linggo at buwan
At patuloy paring lumalalim ang lihim na pagtingin
Unti unti mong nababago ang mga gawing nakasanayan
Nagiging magaan ang bawat araw sa tuwing ika'y nasisilayan

Alam mo ba crush para akong sinapian ng kasipagan
Paano ba naman kasi naging inspirasyon na kita
Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito
Siguro dahil ito sa iyo

Gusto ko kasing patunayan na karapat-dapat ako sa'yo
Yun bang magkasama tayo sa araw ng date natin kahit saan mo man gusto
Sabihin mo lang ako na bahala sa kinuha o oorderin mo
Sulitin mo na ito, minsan lang ito

Isang araw bigla kang lumapit
Agad kang yumakap ngpagka-higpit higpit
At sinabi mo na, "alam kong may gusto ka sa akin pero wag mo nang ipilit
Ang kamay mong patuloy na kumakapit

Sensya na meron na akong iba
Oo aaminin ko sa iyo na ginusto din kita
Pero di ko na pinagpilitan pa
Ayokong dumating yung panahon na makakalimutan kita"

Sabi ko naman, wala 'yon hangang crush lang din naman kita
Ayus nga eh nagtapat ka
Alam mo ba ikaw lang ang tapat sa akin
Masaya kasi di ka nahiyang magtapat sa akin

Sige na magiingat ka mahal kita
Paalam na sana maging masaya kayong dalawa
Huwag niyo iiwanan ang isa't isa
At kapag may problema kayo pag-usapan niyo muna.

Spoken Poetry ko Para Sa'yoWhere stories live. Discover now