Simpleng Tulad Mo

7 0 0
                                    

"Mababa ang height, maputi konti, tamang pangangatawan, cute, tamang ganda, mabait, Degree Holder, masipag mag-aral/sa gawaing bahay at responsable"

Yan ang gusto ko sa isang babae
Yun bang isa rin sa magiging importante
Kahit di katalinuhan
Basta nagmamahalan

Pero sino kaya mabibihag ng puso ko?
Yun bang sa bus na makakatabi ko?
O yung irereto ng ka-tropa ko?
Ewan basta marupok ako

Itong simoy nang hangin sumabay pa
Porket single ako pinalamig pa
Parang aircon na nakatodo
Yung ex ko rin kasi sumuko

Anu pa ba ang aasahan ko
Laging wasak ang puso
Parang dinurog ng martilyo
At nilagyan ng semento para mabuo

Ganito talaga kapag jowang-jowa
Laging mga babaeng paasa
Yun bang panandalian lang
Hindi pang matagalan

Hindi rin kasi sila makontento
Marupok agad kapag may gwapo
Ayaw nila ng cute na mukha
Sayang lang efforts ko sa kanila

Pero wait, ito na ata siya
Bumabagal ang paglakad niya
Nakaka-inlove kanyang  mga mata
Parang mata ng isang artista

Alam mo yung masaket?
Bigla akong hinampas ng tennis raket
Gaya ng nalaman ko sa kanya
May jowa na pala siya

Di ko akalain na mapo-fall ako
Sa tulad niyang magandang sigurado
Parang di talaga magloloko
Kapag ang jowa ay gwapo

Alam mo yung feeling na nakangiti sya
Tapos ikaw ang tinitignan niya
Palapit siya ng palapit sayo
At sasabihin pwede ba maging tayo?

Sigurado ngiti ngiti ka ngayon
Magtatagal kayo ng ilang taon
Tapos nalaman mo break na kayo
Kasi mas gwapo ang pinalit sayo

Kaya kung ako sayo, umibig ng simple
Para hindi masakit sa bandang huli
Hindi yung iiyak ka ng dahil sa kanya
Tapos naging lasenggo ka na

Huwag kang ganon magbago ka na
Magbago ka para makahanap ng iba
Hindi ka niya deserve
At iyon ay sa iba ka naka-reserve

At ito ka ngayon masaya na
Hindi nagpapa-apekto sa iba
Nginingitian mo lang ang problema
Dahil nasa iyo na ang tamang taong iyong makakasama.

Spoken Poetry ko Para Sa'yoWhere stories live. Discover now