Chapter #28

341 20 5
                                    

Izumi's POV

Una kaming nakarating ni Kuya Florenti sa mansyon, kaya nauna na kaming pumasok at sinabi kay Daddy na darating sila.

Isa-isang nagdatingnan ang mga miyembro ng Shayka One Top version.

Magkasama ang kambal na sina Gennadi at Gervasi habang si Arkadi naman at South naman ang magkasama. Mag-isa lang si Kazimir.

Kasalukuyan kaming kumakain sa dining area ng bahay.

Nasa unahan si Dad habang nasa magkabilang gilid niya kami ni Kuya Florenti,kanan ako at kaliwa naman siya. Katabi ni Kuya si Gervasi at Gennadi pati si Ruslan. Katabi ko naman si Kazimir,South,Arkadi at Lilian. Nag-uusap sila s amga bagay na ginawa nila, na hindi ko naman maintindihan kasi mukhang pinaguusapan nila yung mga proyekto nila na sinimulan noong nakraang taon.

Kumakain na kami nang dumating ang stake na niluto ng maid. Lahat kami ay nilagyan isa-isa. Hindi ako kumakain ng ganito kaya hindi ko alam paano.

"Here, let me help you."prisinta ni Kazimir. Wala naman akong choice kaya pumayag nalang ako. Inusog niya ang plato ko at maingat na hiniwa ang stake pagkatapos ay binalik iyon sa harapan ko at matamis niya akong tiningnan.

"Thanks."sabi ko at nginitian ko din siya pabalik.

Tahimik ang lahat habang busy sa pagkain nang magsalita si Lilian.

"Uhm.Ruslan? Could you please slice my stake?"tanong nito sa maliit na boses.Tiningnan naman siya nito na puno ng pagtataka.

"Please,baby tiger."sabi nito at nagpuppy eyes pa. Nakakasuka. Nagpipigil lang ako na magtaray kahit na nakakakulo ng dugo 'tong babae na 'to.

Tiningnan ko lang ang kilos nila sa peripheral vision ko at napansin kong kinuha ni Ruslan ang plato ni Lilian na may lamang stake at sinimulang hiwain yun.

So,nagbalikan na sila?

Baby Tiger pala ang endearment sa kaniya ni Lilian.

As if I care.

--

Natapos ang hapunan at ang lahat ay nasa sala na at nag-uusap-usap. Ayoko munang makisali sa usapan nila kahit pa ako na ang 'LordMaster' ng gang.

Napagdesisyunan ko na pumunta nalang sa garden ng bahay. Pero bago pa ako makarating doon ay dumaan muna ako sa kusina para kumuha ng wine doon. Gusto ko munang mapag-isa at makapag-isip.

Umupo ako sa bench na nasa bandang likod ng malalaking halaman. Tanging ilaw lang ng lamp post sa 'di kalayuan ang nagbibigay liwanag dahil natatakpan ng makakapal na ulap ang buwan.

Binuksan ko ang wine ng walang kahirap-hirap. Puno pa ito at hindi pa nababawasan. Sinalinan ko ang highball glass na kinuha ko sa kusina kanina at nagsimula ng uminom habang nakatingin sa malawak na himpapawid. Napakatahimik ng langit dahil walang bituin na makikita. Tanging blangko at madilim na kalangitan lang ang nakikita ko. Siguro kung masasaktan pa ulit ako,ganito na ang magiging itsura ng puso ko. Madilim.Blangko. Walang kabuhay-buhay.

Mapait akong ngumiti. Nararamdaman ko na. Hindi ako tanga para hindi maramdaman na unti-unti na akong nagiging manhid. Kaunting sakit nalang at magiging sarado na ang puso ko. Kung masaktan man ako ulit. This time I will choose what my mind says. Palagi nalang kasing palpak desisyon ng puso ko. My heart thinks that it's a very good decision to make. Where in fact, my mind could facepalm itself because it was the dumbest decision,I did.

Kalahati na ng wine ang naiinom ko nang makarinig ako ng naglalakad papunta sa direksyon ko. Tatayo na sana ako nang marinig ko na nagsalita ang kung sinoman iyon. Sumilip ako at nakita si Ruslan kasama si Lilian. Hindi ko naman maiwasang hindi marinig ang sinasabi ni Lilian dahil malapit sila sa akin.

"Ruslan.How could you tell that to them? Infront of me talaga?!"sabi nito na sa tingin ko ay tinutukoy ang pinagusapan nila sa sala. Now, I'm regretting na umalis ako. Pero, pakialam ko ba.

"Ruslan, You know how much I love you."kaagad na tumuon ang pansin ko sa kanila dahil sa sinabi ni Lilian.

"I love you,Ruslan. I waited. Sabi mo gagawin mo lang ang trabaho mo and then after that babalik ka na sakin."sabi nito.

"Lilian.."hindi naituloy ni Ruslan ang gusto niyang sabihin ng magsalita ulit ito.

"You said she was just your job. Trabaho mo lang siya Ruslan. Sabi mo saakin yun. You just did what you have to do because it's your plan. Now, you're telling that to them?!"sabi ni Lilian.

Napatanga ako sa narinig ko. Trabaho? Sabi ko na nga ba. Trabaho lang ako. A job that has to be finished. I knew it. I knew it all along. Alam ko na trabaho lang niya ako pero bakit? Bakit nagpakatanga ako? Bakit pinilit kong iwaksi sa isip ko na trabaho niya lang ang ginagawa niya. I assumed. I assumed na mahal niya ko. I guess, I assumed too much.

"I love you,Ruslan."sabi ni Lilian at lumapit kay Ruslan.

"Lilian.I.."hindi na natuloy ni Ruslan ang gusto niyang sabihin nang halikan siya ni Lilian.

Gusto kong tumayo. Gusto kong lumabas sa kung nasaan man ako at lumapit para sabihin na 'wag niyang hahalikan si Ruslan.Gusto kitang ipaglaban kasi yun ang gusto ko.Gusto ng puso ko.

Pero,

Gusto kong tumayo.Gusto kong tumakbo paalis sa kinauupuan ko.Gusto kong lumayo sa'yo dahil nasasaktan na ako at hindi ko na kaya. Gusto ng isip ko.

And this time, I won't let my heart win. Because the last time I listened to it, I got hurt,severely. The last time I followed my heart, I got lost. The last time I let my heart reign my system,I received pain. And I will make sure that, that last time is the moment where I chose to be with you in that stupid penthouse. And the first right decision my heart made was the time I left you, to make my self grow. I am not who I am today because of the pain you gave to me. I won't be strong if you didn't broke me. But now, I've grown as myself. I know which one to choose. And I choose my mind.

I choose to leave and guard my heart from you. I choose to run away from you. I choose to run away from pain. I choose to hide my feelings for you because you can't reciprocate this shit. Like what my brain said, "I am just a job that you have to finish."

------------

A/N:

So,,i-ispoil ko na kayo.....

.

malapit nang matapos ang kwentong 'to ilang chapters nalang at gusto ko lang magpasalamat sa mga walang sawang sumusuporta sa kwentong 'to kahit na inabot pa ng tatlong taon bago 'to umabot sa ganito.

from Angela to Izumi

from Jericho to Ruslan

from the beginning until the end nandiyan kayo na sumusuporta sa dalawa nating character na rollercoster ride ang kwento. Marami na ang nangyari sa dalawang character makalipas ang ilang taon. At kung isa ka sa umabot sa parteng ito ng kwento at nasubaybayan mo ang maraming pagbabago, gusto kitang PASALAMATAN,,wala akong maibibigay sainyo na nagpapatunay na mahal ko kayo pero ang patuloy na pagsusulat ko ng mga ganitong istorya ang paraan ko ng pasasalamat sa inyo. Kaya sa mga naka-abot sa chapter na 'to isang hello naman diyan?

gusto kong malaman yung saloobin niyo sa kwento.. anyways, MARAMING SALAMAT AT ILOVEYOU ALL..

I FELL INLOVE WITH MY KUYA-KUYAHAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon