Chapter #15

915 21 3
                                    

IZUMI'S POV

Pagkagising ko ay nakita ko ang isang sticky note na nasa gilid.

Cutesize,
Meet me at the park. I'll wait for you.

-Kuya

Dumiretso na ako sa banyo para maligo at mag-ayos ng aking sarili.

Pagkatapos ay nilakad ko ang sidewalk papunta sa park dahil malapit lang naman ito sa condo building.

Pagkadating ko doon ay walang mga tao. Huh? Pano naman nangyari yun samantalang alas-otso palang ng umaga?

Pagpasok ko ay tanging mga huni lang ng ibon ang maririnig mo. Napakaaliwalas ng paligid at masarap ang simoy ng hangin.

Paglingon ko sa gilid ay nakakapagtaka dahil parang may mga tulo ng dulo.

Nagtaka naman ako dahil hindi basta bastang patak lang ito ng dugo kundi napakaraming dugo.

Wala sa sariling sinundan ko ang mga patak ng dugo.

Nakakapagtaka dahil wala ng dugo ang nakasunod kaya naman tiningnan ko ang paligid paglingon ko ay may nahagip ako sa gilid kaya naman tiningnan ko iyon.

Nagulat ako. May nakalatag na picnic blanket at may picnic basket sa gitna.
Napaisip ako. Baka sa yung mga nagpicnic dito ang nagmamay-ari nung mga dugong yun.
Lumapit naman ako doon.
Napalingon ako nang may marinig akong kaluskos sa damuhan.

"Sino yan?"tanong ko sa kung sino man yun.
Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla nalang tumalon sa harap ko si.

"Kuya?!"halos pasigaw na sabi ko
"Anong ginagawa mo dito? Nakita mo ba yung mga dugo? Bakit may picnic blanket dito at basket? Bakit ka nagtatago sa may damuhan?"sunod sunod na tanong ko.
"Woy, kalma. Una nandito ako para sabihin sayo ang mga dapat kong sabihin. Pangalawa, peke yung mga dugo nayun, props lang yun dahil alam kong susundan mo yun. Pangatlo,para saatin yung laman ng picnic basket dahil magpipicnic tayo at huli, nagtago ako dun para surprise."paliwanag niya at pinaghahampas ko ang dibdib niya.
"Nakakainis ka kuya!"saad ko. Tumawa lang siya at giniya niya ako sa picnic blanket na nakalatag.
"Ano namang pumasok sa isip mo at naisip mo tong kalokohang to?"tanong ko habang nilalapag niya ang mga pagkain na nakatupperware.
"Wala lang. Gusto ko kasi may thrill."sagot niya sa tanong ko at dinugtungan pa niya ng tawa, yung tawang nang-aasar.
"Argh! Naiinis talaga ako sa yo kuya."pagmamaktol ko pa.
Inabot niya sakin ang isang tupperware.

"Wag kana magalit saka pinaghandaan ko tong araw na 'to."sabi pa niya.

Inilatag namin ang mga pagkain at nagsimula na kaming kumain. Maya maya pa ay narinig ko ang tunog ng bell ng icecream.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at kaagad na tumayo.

Pagdating ko sa bungad ng park ay may nagtitinda ng icecream.

"Gusto mo?"bigla akong nagulat nang magsalita siya sa likod ko. Hindi ko namalayang nakasunod pala siya sakin.

"Oo eh."sagot ko. Nagtaka ako nang lumapit siya kay manong na nagbebenta ng icecream kaya sumunod ako sa kanya.

"Dalawa po, manong"sabi ni Ruslan.
Nagsimula namang kumuha ng icecream ang nagbebenta ng icecream at inilagay ito sa apa.

"Twenty pesos lang po,sir."sabi ni manong.
Kinuha naman niya ang wallet niya at naglabas ng... five-hundred?!

"Ah sir, wala po ba kayong barya?"tanong ni manong.
"Ahm, manong keep the change nalang ho."nagulat ako.

Ano?! Five-hundred pera niya tapos twenty pesos lang yung bawas?! Pero ang mas shocking.. keep the change?!

Tulala akong umupo sa bench na nasa gilid.

Gaano ba kayaman itong lalaking ito? Bakit niya binigay yung four-hundred-eighty pesos na sukli kay manong?

"Tulala ka."sabi ni Ruslan na kumakain sa tabi ko.
"I can't believe it, bumili ka ng twenty pesos na icecream tapos binayad mo five-hundred pesos tapos keep the change?!"wika ko pa.
"Hayaan mo na. Saka naghihirap si manong sa paglalako ng icecream niya para lang mapakain ang pamilya niya sa totoo nga dapat mas malaking halaga pa ang ibigay ko sa kaniya. Sa totoo lang saludo ako sa mga taong naghihirap at gumagawa ng marangal na trabaho. Hindi katulad ng iba na yumayaman dahil sa masamang gawain."sabi pa niya.

Dahan dahan akong pumalakpak.

"Wow! What a great speech!"pagbibiro ko pa.
"Sira."natatawang tugon niya.

Nakatulala lang kami sa kawalan.
Natigil lang ito nang magsalita siya.

"Ang Shaykà ay naitatag pa matagal na panahon na ang nakakaraan."sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya na nakatingin sa malayo.

Sa tingin ko ikukwento na niya ang dapat kong malaman.

Napatango naman ako at nagsimula ng kainin yung icecream.

"Ang layunin naman ay puksain yung mga underground syndicate na hindi nakakalap ng gobyerno. Kami ang humahadlang sa mga masamang gawain nila. Mayroong dalawang klase ang Shaykà ang Top version at Bottom version. At nasa Top version ako."paliwanag niya.

"Shaykà One Top Version 3rd"

Naalala ko na binaggit niya yun eh pero ano yung 3rd?

"Ang Shaykà One Top version ay binubuo ng pitong miyembro. Habang ang Shaykà Two Bottom version ay tatlo lang. Kaming mga nasa Top version ang mga senior. May ranking din kami at ako ang pangatlo, ang nasa unang ranking ay ang magiging leader ng Shaykà at sa ngayon si Gervasi pa ang leader namin sumunod sa kanya ang kakambal niya na si Gennadi at sumunod ako."kwento pa niya.

Ang interesting naman nun.

"And about dun sa misyon ko sa school niyo. Kasi may nakapagsabi sa amin na may mga estudyante dun na may koneksyon kay Sebastian and then sabi ni Lord Master na magpanggap ako. Lahat ng impormasyon namin sa school niyo ay fake. Ginawan lang ng paraan ni Gervasi para makapasok ako."paliwanag pa niya.

Napatango naman ako.
Ibig sabihin. Ang misyon na yun ang dahilan kung bakit nakilala ko siya?

"Si Florenti Koslov ay isang purong Italyano. Magkapatid kayo. Nalaman namin yun nung nabaril ka. Malalaman mo naman ang lahat ng tungkol sa pagkatao mo kapag nakausap mo na siya."paliwanag pa niya at inubos ang kinaing icecream.

"Kailan ko siya makakausap?"tanong ko pa.

"Bukas,pupunta ata siya sa bahay kaya abangan mo nalang."tumayo siya at inilhad ang palad niya sa akin.

"Wow! Ang gentleman mo naman."pagpuri ko. Natawa naman siya. Tinapos ko ang pagkain ng icecream at ipinatong ang kamay ko sa nakalahad niyang kamay.

Naglakad kami pabalik sa condo unit dahil medyo napagod din ako kanina kahit na wala kaming masyadong ginawa.

Pagkadating namin sa bahay ay nadatnan namin si Florenti sa sala.

"Hey Florenti! I thought you'll visit here tomorrow."sabi ni Ruslan.

"Oh you're so idiot Ruslan. I said I'll talk to her tomorrow."sabi nito. Kapagkuwan ay tumingin siya sakin at ngumiti.

"Hey sister! Pack up your things. Were going to Russia!"namilog ang mata ko sa gulat. Ano?! pupunta ako sa Russia?!

Damn! This is so fvcked up.

I FELL INLOVE WITH MY KUYA-KUYAHAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon