Chapter #24

400 14 1
                                    

IZUMI'S POV

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang ginagamot ni Ruslan.

Nagmulat ang mata ko at napansin ko na wala na ako sa sala. Nasa loob na ako ng isang silid na amoy lalaki, amoy Ruslan.

Hindi na kailangan tanungin kung kaninong kwarto iyon.

Sinubukan kong umupo at sa isipang sobrang sakit ng mararamdaman ko ay nagdahan-dahan ako. Medyo nalang ang sakit at satingin ko ay makakatayo na ako pero mali ang nasa isip ko dahil pagkatapak ng dalawang paa ko sa sahig at pagtayo ko ay biglang nanginig ang tuhod ko at libo-libong boltahe ng sakit ang naramdaman ko.

Umupo ulit ako sa kama at malalim na huminga. Bwisit! Paano na 'to? Hindi na naming matutuloy yung mga gusto naming gawin dito sa kung nasaan man kami.

Nakayuko lang ako at nag-iisip ng pwede naming gawin, nang marinig kong bumukas ang pinto kaya tiningnan ko iyon. Nakita ko si Ruslan na may dalang tray. Nilapag niya ito sa bedside table. Napatingin naman ako roon. May tinolang manok,kanin,tubig at gatas. Napatingin naman ako sa kaniya at ngumiti.

"How's your back?"tanong niya.

"Medyo okay na. Kaso nahihirapan akong tumayo." sabi ko at kinuha ang tray at inilapag iyon sa kam pero binalik ko sa bedside table ang tubig at gatas dahil baka matapon.

"Kain kana."sabi niya nang mapansin niya siguro na nakatingin ako sa kaniya>

"Ikaw? 'Di ka ba kakain?'tanong ko kay Ruslan.

"I'm fine. Kakakain ko lang."sabi niya.

Nginitian ko siya at tumango. Nagsimula na akong kumain habang siya ay busy sa cellphone niya at naglalaro.

Natapos na akong kumain at uminom ng gatas at tubig kaya naman tumayo na siya at niligpit ang pinagkainan ko.

"Ako na.Stay there. I'll be back"sabi niya

Naupo naman ako ng maayos. sinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama at huminga ng malalim para marelax ang likod ko.

Narinig kong bumukas ulit ang pinto at Nakita ko si Ruslan na papalapit sa kama at umupo sa gilid nito at humarap sakin.

"You should rest."sabi niya. May bakas ng lungkot at pag-aalala ang boses niya kaya nalungkot naman ako at nagbaba ng tingin.

"Sorry."sabi ko.

Naramdaman kong lumapit siya sakin at hinawakan niya ang baba ko para iangat ang mukha ko.

"Why are you saying sorry? 'Di mo naman kasalanan na nahulog ka sa hagdan at nainjured ka."sabi niya sa malambot na boses.

"Kasi, dapat magsasaya tayo eh bago ako.."napatigil ako sa pagsasalita ng marealize ko kung ano ang dapat kong sasabihin sa kanya. Nakita ko ang pagtataka niya.

"Bago ka?"tanong niya at balak na ituloy ko ang gusto kong sabihin.

"Dapat hindi ko na sasabihin sa'yo 'to pero nagkausap kami ni Kuya."sabi ko. Binitawan naman niya ang baba ko at pinagsiklop ang kamay namin.

Malalim akong huminga.

"Sabi ni Kuya aalis daw kami. Wala siyang sinabi kung saan. Hindi niya sinabi kung bakit. Nung tinanong ko siya kung hanggang kalian ang sabi niya ay kung hanggang kalian matatapos.Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin kaya tumango nalang ako dahil kuya ko siya."sabi ko. Naramdaman ko na humigpit ng kaunti ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Sorry."sabi ko at napatungo nalang. Malalim siyang huminga at nagsalita.

"I understand."sabi niya.

I FELL INLOVE WITH MY KUYA-KUYAHAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon