Chapter #25

385 11 0
                                    

Izumi's POV

Nagising ako na wala na si Ruslan sa tabi ko.

Dahan-dahan lang ang pagbangon ko. Hindi na masyadong masakit ang likuran ko,hindi na katulad ng kahapon. Sinubukan kong tumayo at Mabuti nalang at nakakatayo at nakakalakad na ako. Pumunta ako ng banyo at naligo.

Lumabas ako ng banyo na nakabathrobe lang at dumiretso ako sa katabing pinto ng kwarto,ang walk-in closet. Simpleng dress lang ang sinuot ko at nag flipflops lang ako dahil mas komportable iyon suotin.

Nang makalabas ako ng kwarto ay unang hinanap ng mata ko si Ruslan. Pumunta ako sa sala,sa garden, at sa balkonahe pero wala siya doon. Isa palang ang lugar na alam kong hindi ko pa napupuntahan.Ang kusina. Malapit na ako sa kusina ng makaamoy ako ng mabangong aroma mula sa loob kaya pumasok ako at nakita si Ruslan na may ginigisa sa kawali.

Lumapit naman ako at naupo sa stool na nasa gilid ng island counter. Nakatitig ako sa mga hiniwang rekados nang magsalita siya.

"Goodmorning!"bati niya at kinuha ang sibuyas na hiniwa na.

"Goodmorning rin!~" bati ko sa kaniya pabalik.

Tahimik lang ang kusina at tanging tunog lang ng mantika ang maririnig. Maaliwalas ang loob dahil nakabukas ang bintana at pumapasok ang sariwang hangin. Maririnig mo pa ang mahinang tunog ng dagat na hindi kalayuan.

"Here, kain na tayo."sabi niya at masiglang ngumiti at ibinalik ko naman sa kaniya yun.

Nagsimula na kaming kumain. Masarap ang luto niya. May sinangag.bacon,hotdog st itlog. May gatas pang kasama ang inihanda niya para saakin,habang kape naman sa kaniya.

Natapos na kaming kumain at ako na ang nag-suggest na magliligpit at pumayag naman siya.

That was a very uneventful morning.

Lumabas ako ng kusina at hinanap ko naman siya. Sa tingin ko ay wala siya sa loob ng bhay at doon ko siya Nakita sa dalampasigan.

Napapansin ko na puro chill lang ang ginawa naming dito sa so called penthouse nila.

Nilapitan ko siya at tumabi sa kaniya.

"Puro chill lang tayo ah."sabi ko at tumanaw sa malinaw na dagat. Hindi pa masyadong mainit ang sikat ng araw dahil maaga palang.

"Maganda nga 'yun kasi kapag bumalik na tayo ay lahat tayo busy."sabi niya at tiningnan ko naman siya.

"May problema ba?"tanong ko,

"Tumawag si Florenti sa akin kanina. Kailangan na daw nating bumalik bukas."sabi nito at halata ang lungkot sa tono ng boses.

Maging ako ay nalungkot rin. Sayang,pwede pa sana kahapon. Kung hindi lang ako nagpahinga.

"Hey!"ngumiti ako para gumaan ang pakiramdam naming kahit papaano.

Tumingin naman siya sa akin.

"Akala ko ba magka-karaoke tayo?"tanong ko sa kaniya at para naming may bigla siyang naalala kaya bigla siyang ngumiti at tumayo.

"Tara."aya niya at hindi ko na kailangan tanungin dahil alam ko na kung saan niya ako dadalhin.

Hawak niya ang kamay ko habang maingat akong hinihila papunta sa bandang gilid ng penthouse.

May Nakita akong maliit na kubo doon at doon niya ako dinala. Nasa harap na kami ng kubo at nilibot ko ang paningin sa loob. Kawayan ang upuan na nakapalibot sa gilid ng kubo.May T.V sa harapan at maliit na speaker sa gilid. May lamesa sa gitna ng kubo at nakalagay doon ang remote, dalawang micrphone at song book.

Excited naman akong pumasok sa loob.

"Be careful, your back."sabi ni Ruslan at mahinang natawa dahil sa ginawa ko. Maganda ditto dahil maraming puno at malamyos ang simoy ng hangin.

Naupo ako at tumabi naman si Ruslan sa akin at tinanday ang braso sa likuran ng upuan,likuran ko pa ito banda.

"Let's start?!"excited kong tanong.

There's this song in my head that I wanna sing for him.

Tumango naman siya at kinuha ko ang song book at hinanap ang kanta at kinuha ko ang remote at inilagay iyon sa t.v. Maya-maya ay nagsimula na ang kanta at kinuha ko ang microphone habang nakangiti.

Tiningnan ko naman siya nang lumabas ang title ng kanta sa screen.

"Close to you?"tanong niya sa akin at tumango naman ako.

"Kanta ko 'yan para sayo."sabi ko at ngumiti at binalik ang atensyin sa t.v nang magsimula na ang kanta ay ngumiti ako.

Why do birds suddenly appear, ev'ry time you are near?

Just like me, they long to be close to you.

Why do stars fall down from the sky, ev'ry time you walk by?

Just like me, they long to be close to you.

Tiningnan ko siya sa mata at ngumiti. Hinahangin ng bahagya ang buhok niya.

On the day that you were born the angels got together.

And decided to create a dream come true.

So, they sprinkled moon dust in your hair of gold

And star-light in your eyes of blue.

That is why all the girls in town follow you all around.

Just like me, they long to be close to you..

Tiningnan niya ako at ngumiti. The sweetest smile I could see. I smiled back. This guy, who is now starting to be my life is here in front of me showing his comforting smile. From the very beginning, I didn't know what love is. I don't have aby idea of being in a relationship. I don't know what does it feels like to be inlove. At first, I didn't know that I will fell inlove with you. Deeper.

On the day that you were born the angels got together.

And decided to create a dream come true.

So, they sprinkled moon dust in your hair of gold

And star-light in your eyes of blue.

That is why all the girls in town follow you all around.

Just like me, they long to be close to you...

Just like me, they long to be close to you...

I belong here. I belong beside you. I belong being close to you. My home is right here, by your side. My comfort is your embrace. My relaxing place is your tight hugs and loving kisses. I will fight for you. I will fight those thing that will hinder my love for you. I Will never doubt my feelings for you. I know that I found it. I found my happiness. I found you.

I found my place and it is close to you.

I FELL INLOVE WITH MY KUYA-KUYAHAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon