CHAPTER #22

681 21 4
                                    

IZUMI'S POV

Kasalukuyan kaming nasa kotse ni Ruslan.

Matapos ang nangyaring "ka-dramahan" ko ay tahimik kaming pumasok sa kotse at kalmado siyang nag maneho

"Saan mo ba ako dadalhin?"pagbasag ko sa katahimikan.

"Bakit sa tono ng boses mo parang kinikidnap kita?"biro niya

"Baliw. Saan nga?"

"Basta."at matamis siyang ngumiti.

Nag-iwas ako ng tingin at tinuon ang pansin ko sa daan.
Maaliwalas ang nadadaanan namin.
Mga puno sa gilid at natatakpan ang dinadaanan naming kalsada siguro rainforest yung dinadaanan namin.

Naramdaman ko namang tumigil ang sasakyan kaya napatingin ako sa kanya.

"Dito na tayo"sabi niya at tinanggal ang suot na seatbelt at lumabas para alalayan akong lumabas ng kotse.

Ano namang—— napatigil ako sa pagsasalita at halos magtatatalon ako sa tuwa.

WAAAH!!MAMA!!!BEACH!!!

Tumakbo ako papunta sa dalampasigan at wala akong paki-alam sa kasama ko dahil— waaaah ang ganda dito.

Puti at pinong buhangin, Magkakulay ang langit at tubig, Hindi kainitan ang sikat ng araw, Mahangin, at napakaganda ditong magswimming dahil malamig ang tubig.

"Hey, How could you forget me?"may pagkatampururot na tanong ni Ruslan at dala ang mga gamit na pinapadala niya.

Hay buti nalang tamang-tama yung dinala ko sa ganitong klaseng lugar.

Pero—-

"Are you just gonna stand there or what?"tanong ni Ruslan at naglakad papunta sa isang bahay—no,wait—-more like mansyon.

Waaaah napakalaki niyan!!

Dito ba siya nakatira?!

Pagkapasok ko halos mahulog ang panga ko sa ganda ng loob. Makikita mo na talagang mahal ang mga gamit dito.

Tiningnan ko si Ruslan na dire-diretso lang na umakyat sa hagdan.

Mabilis ko siyang sinundan, baka may multo dito. Sa laki banaman ng bahay di mo mamalayan may nakasalubong ka na palang multo.

"Why are you running? You might trip!"saway ni Ruslan nang makita niya akong tumatakbo sa direlsyon niya.

"Tsk"habol pa niya at tumalikod.

Anong meron dun? Bakit kanina pa mainit yung ulo? May regla kaya?

"Galit kaba?"tanong ko sa kaniya nang makapasok ako sa kwarto na pinasukan niya.

"Hmm?"sagot niya na patanong din habang inaayos ang mga damit sa closet.

"Kanina pa kasi mainit ulo mo."tiningnan naman niya ako at kumunot ang noo.

"May regla kaba?"habol ko pang tanong.

"What?!?"medyo malakas yung pagkakasabi niya nun kaya nginitian ko siya.

"Hehe.Joke lang eto naman oh"pahabol ko pa para di na niya ako mas lalong kulitin

"Tulungan na kita jan."sabi ko at tinulungan siyang mag-ayos.

-

Hay! Sa wakas na tapos kami.

Nakaupo siya sa gilid ng kama habang ako ay nakahiga na dahil na pagod akong mag-ayos ng mga dala namin at naglinis ako ng konti dito sa kwarto dahil medyo may alikabok na rin dahil matagal na rin sigurong hindi nalilinis.

I FELL INLOVE WITH MY KUYA-KUYAHAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon