Chapter #23

409 17 0
                                    

IZUMI's POV
Nakatanaw kami sa malayo at parehong malalim ang iniisip.

Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko lalo na ng malaman ko ang totoo.

Marami ang bumabagabag sa isip ko pero mas pinipili ko na wag nalang pansinin ang mga iyon.

"Anong gusto mong gawin natin bukas?"tanong ni Ruslan.

"Wala akong maisip dahil basta mo nalang akong dinala dito."sabi ko at tinaas ang tuhod ko at inilagay doon ang mga braso ko.

"Hmm.Meron silang karaoke dito."sabi niya.

"I wanna try. Ang tagal ko na rin hindi kumakanta."sabi ko.

"So,you sing?"tanong niya at tinanguan ko naman siya.

"Maganda ba boses mo?"pang-aasar niya.

"Of course! Wanna bet?"hamon ko sa kaniya.

"Sige. The first one who will get a hundred points will make a truth or dare to the loser."hamon niya.

I'm a very competitive person kaya naman ay pumayag kaagad ako.

"Deal."I said and I glared at him.

Gabi na kaya medyo madilim na ang paligid pero maliwanag ang buwan at nagrereflect yun sa dagat kaya may kaunti paring liwanag.

"I can't take this anymore."bigla niyang sabi at tumayo.

Nagtataka ako na tiningnan siya.

Huh?

Inabot naman niya ang kamay niya saakin na ipinagtaka ko.

"Come on. Let's have dinner."sabi niya at tumayo.

Mabilis siyang maglakad kaya tumakbo pa ako ng konti para mahabol siya.

"Anong sinasabi mong 'I cant take it anymore'?"tanong ko sa kaniya at nilingon naman niya ako.

"Nagugutom na ako."sabi niya at tumawa naman ako ng mahina.

Same.

Gutom na ako kakatitig sa malayo. Bwisit.

Nakarating kami sa dining area ng bahay slash mansyon.

Wala pang niluluto. Ano ba naman 'yan?

"Anong nginunguso-nguso mo dyan?"sabi ni Ruslan kaya napatingin ako sa kaniya na nagsusuot ng apron.

"Wala kasing pagkain."sabi ko at humalukipkip sa island counter.

"Magluluto pa kasi ako. Kumalma ka dyan."sabi niya at gulat ko naman siyang tiningnan.

"Ikaw?!?MAGLULUTO?!"napalakas ata ang boses ko. Ops.

"Oo. Bakit? May maipagmamayabang ka ba sakin?"sabi niya na nakataas pa ang noo.

"Oo. Marunong ako magluto ng itlog na hindi nasusunog."sabi ko at nagpameywang at proud na proud pa. Totoo naman kasi eh. Saka masarap kaya medyo basa pa yung puti ng itlog.

"Aray!"hinaplos ko naman ang noo ko na pinitik niya.

"Baliw. Hindi nga sunog,hilaw naman."sabi niya at dinugtungan pa ng tawa.

"Hay nako! bahala ka dyan!"sabi ko at nakakrus ang braso na pumunta sa sala na malayo pa sa kusina.

Bwisit siya alam niya ba yun?

Umupo ako sa mahabang sofa.

Matagal akong nakatitig sa t.v na hindi naman nakabukas.

Napatingin naman ako sa telepono sa gilid nun nang tumunog iyon. Sa unang ring ay hindi ko sinagot dahil baka kung sino yun at mapagkamalan akong magnanakaw dito sa bahay. Pero ang ingay na kaya naman kinuha ko ito at tinapat sa tenga ko.

I FELL INLOVE WITH MY KUYA-KUYAHAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon