Chapter #6

1.3K 26 0
                                    

Angela's POV

Halos tatlong araw na rin akong nakatira dito sa condominium ni kuya at masasabi ko na napakabait nya, lagi nya akong inaalagaan at sinisigurado nya na kumakain ako sa tamang oras.

Hindi ko ikakaila na mas lalo ko syang naging crush.

Minsan kapag nagaagawan kami sa remote control ng t.v. nagpapacute lang ako ay ibinibigay nya na sakin.

Napakasaya saakin ng ilang araw nayun.

Hanggang sa maalala ko kailangan kong magtrabaho. Kailangan kong magkaroon ng sariling pera.

Pero pano?

"Earth to Angela!"saad ni Georgina.

"H-huh? B-bakit?"tanong ko.

"Kanina kapa namin kinakausap wala kanaman pala sa sarili"saad ni Cherry

"K-kasi.. a--a-no eh. Hehe. Ano ba sinasabi nyo?"tanong ko.

"Kasi nga diba umalis ka sa bahay nyo pero wala kang pera so naisip namin kung try mo mag-apply na waitress dun sa café na pagmamay-ari ng kapitbahay naming mag-asawa na hindi nagkakaanak."napatawa ng bahagya si Melanie dahil sa huling sinabi.

"Hiring kasi sila kaya sa tingin ko bagay ka naman dun."dugtong panya.

"Samahan moko mamaya papunta dun ah."sabi ko

"Oo. Malapit lang naman yun dito sa school eh"sagot ni Melanie.

Narinig namin ang pagring ng bell hudyat na tapos na ang vacant time namin at kailangan na naming bumalik sa classroom.

Ilang oras akong naghintay ng uwian dahil gusto ko na talagang magtrabaho.

"Dito na tayo."anunsyo ni Melanie.

Kaming dalawa lang dahil umalis sila Cherry at Georgina.

'Akimov Café'

Sandali akong napatigil dahil sa pangalan ng café.

"Oo kakaiba ang pangalan nyan, russian kasi ang asawang lalake ng may-ari."

Napatango naman ako.

"Tara na?"tanong ni Melanie.

Huminga muna ako ng malalim.

"Sige"

Pagpasok namin ay may mga taong kumakain at nagkukwentuhan.

Pumunta kami sa counter at makita ang isang babae na siguro ay nasa thirtyplus ang edad.

"Magandang araw po Mrs.Akimov"nakangiting bati ni Melanie.

"M-magandang araw po Maam."saad ko sa babae.

"Nako.Melanie, ito ba yung kinuwento mo sa akin na kaibigan mo?"tanong ng babae.

"Opo sya po"sagot ni Melanie

"Nako hija. Mabuti nalang at wala ka na sa bahay nyo"saad nya na ikinakunot ng noo ko.
Tiningnan ko naman si Melanie at napakamot sa batok.

"Naikwento nya kasi sakin ang nangyari sayo hija. Tara pumasok tayo sa opisina ko."aya ng babae at pinapasok kami sa isang pinto na may nakasulat na 'Akimov'..

"Maupo kayo"at umupo kami sa sofa.

Simple lang ang kwarto. May mesa at may swivel chair ito, sa likod naman nun ay book shelf at sa gilid ng opisina ay may sofa at doon kami nakaupo.

"Ako nga pala si Geraldine Akimov."pagpapakilala ng babae.

"Ang asawa ko ay russian si Anton Akimov. Ipinatayo namin itong café para may mapagka-abalahan ako dahil nga wala akong anak. Hindi namin inisip na mag-ampon dahil ayaw ng asawa ko."wika ni Maam Geraldine.

"Ah hija pwede ka ng magtrabaho dito."nagulat ako sa sinabi ng babae at nakatitig sa kanya.

"Kilala ko si Melanie alam kong magaling ang nakuha nyang waitress para sa akin."wika ng babae at ngumiti.
Maya-maya pa ay may kinuha ito sa isang cabinet.

Isang plastik na may lamang damit sa loob.

"Uniform mo hija"sabi nya

"S-salamat po. Salamat po talaga"pasasalamat ko sa kanya.

"Nako hija! Wala yun!"sagot nya.

"Kailan po ako mag uumpisa?"tanong ko.

"Alam kong pagod ka ngayon sa eskwela kaya bukas ka nalang mag-umpisa. Ang schedule mo dito sa café ay simula two o'clock pm hanggang five-thirty pm."saad ni Maam Geraldine.

"Salamat po"pasasalamat ko at lumabas ng café.

"Ayos ah. May trabaho kana"saad ni Melanie.

"Salamat dahil sayo may trabaho na ako. Salamat talaga"pasasalamat ko

"Dont mention it. Sige na at umuwi kana."sagot nya at pumara ng taxi.

Ako naman ay naglakad lang pauwi dahil medyo malapit lang ang condominium ni kuya sa school.

Maya maya pa ay naramdaman kong may tumulo na tubig sa braso ko.

Napatingala ako at ganun nalang ang pagkabigla ko nang bumuhos ang malakas na ulan.

"Buwesit naman oh!"mahinang bulong ko.

Wala akong dalang payong.

Medyo malayo pa ang condo sa nilalakaran ko.
Yakap yakap ko ang bag ko na basang-basa na pati din ako. Nagmukha tuloy akong basang sisiw.

Nagulat ako nang wala ng tumutulong tubig saakin,akala ko wala ng ulan pero bakit tumatakbo parin ang ibang tao. Napatingala ako at nakita ko ang isang itim na payong.
Tiningnan ko kung sino ang may hawak nun.

"Sino ka?"tanong ko.

"I mean no harm. I was just being kind here, I mean you are so wet because of the rain you'll get cold you know."sagot nya.

"Salamat pero sino ka?"paguulit ko.

"Oh sorry"tumigil sya kaya tumigil din ako.
Pumunta sya sa harapan ko at inilahad ang kamay nya.

"Hi my name is Kazimir Diaz Akimov. Priyatno poznakomit'sya s vami, prekrasnaya ledi."

Nakapagkamay naman ako sa kanya.

"Angela Concepcion"sagot ko.

Bumalik na sya sa dati nyang pwesto at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Ano yung huli mong sinabi? Yung priyatno chuchu..."sagot ko

"Oh.Priyatno poznakomit'sya s vami, prekrasnaya ledi.?"tanong nya

"Yes."sagot ko

"Its Nice to meet you, beautiful lady."saad nya.

"Nice to meet you,too"nginitian ko sya.

"I like your smile."saad nya na ikinainit ng pisngi ko.
"T-thanks"sagot ko.
"Don't be shy."saad nya.
"You're a straightforward person."sabi ko
"Yes."
"So. Bakit ka nandito? I mean? Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.
"Pardon?"sagot nya
"H-huh?"
"Oh. Im sorry I didn't tell you. I dont actually understand your language Im still learning it. A bit"sagot nya
"Ahh. Im sorry. By the way, why are you here in the Philippines?"tanong ko.

"It is because my aunt live here and we were close to each other and she doesn't have a child so I want to be with her so that I could accompany her."sagot nya.

"Is your aunt named Geraldine Akimov?"tanong ko.

"Yes. She was the wife of my Dad's brother. We were so close because she was with me since I was a kid."

"Oh."maikling sagot ko at napatingin sa building na nasa gilid ko.

"Im stopping here. Thanks for the umbrella."sagot ko.

"Seriously? You live here?"tanong nya.

"N-not actua---"hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita sya.

"Im staying at this condominium, too."sagot nya. Nagulat ako at napatingin sa kanya nang lumapit sya sakin.

"Let's go?"tanong nya at tumango lang ako.

This man brings me weird feelings.

I FELL INLOVE WITH MY KUYA-KUYAHAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon