FF#54: Memory rewind

Start from the beginning
                                    

"Gusto mo machismis tayo? Tandaan mo bawal tayo mahuli. Next week naman ay graduation ko na eh. Kunting tiis na lang."

"Balita ko ay pinatawag sina Sofia ng school commitee at Ched." Pagiiba ni Alrich ng usapan.

"Oo. May nagreport na may relasyon daw silang dalawa ni Sir Tristan."

"Kumusta naman?"

"Ayos na kasi wala naman talaga silang relasyon," sagot ni Kely.

"What if tayo ang malagay sa sitwasyon nila? Itatwa mo ba ito?" Saad ni Aldrich atsaka itinaas ang kamay nilang magkahawak. Ang kabilang kamay ng binata ay nakatuon sa manibela.

Hindi lang sumagot si Kely bagkus ay hinalikan niya sa kanang pisngi ng nobyo. Napanguso lamang ang binata dahil pinipilit nitong itago ang kilig.

Nang makarating sila sa unit ng binata ay nagpalit sila ng pambahay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Nang makarating sila sa unit ng binata ay nagpalit sila ng pambahay. Nakasuot si Kely ng pajama set samantalang itim na shirt at pajama ang suot ni sungit. Magkaharap sila sa isang lamesa kung saan nakalapag ang iba't - ibang klase ng meat na lulutuin sa grill.

Hindi man bongga pero grabe ang epekto ng simpleng samgyupsal. Ipinagluluto siya ni Aldrich napakaswerte niya naman.

'Mainggit kayo AHHAAHHA ako lang ang nakakakita ng ganitong side niya.' Natutuwang bwelta ng isip ni Kely.

"Para kang tanga bakit ka ngumiti riyan?" Sita ni Aldrich.

"Bobo alangan umiyak ako."

"Kung tinutulungan mo kaya ako," reklamo ni sungit.

"Ito na nga gagalet ampota."

"Huwag na baka mapaso pa iyang magandang kamay mo."

Gulo kausap, sabi tumulong tas biglang huwag na raw.

"Tingnan mo toh nakakabaliw ka naman," sagot ni Kely.

"Edi mas maganda mabaliw ka sakin," wika ni Aldrich.

"Leche ka ang corny mo."

"Nga-nga."

"Bakit mo ako inuutusan?"

"Ang slow mo nakakainis toh sinisira mo yung moment."

Siya?! Slow?!

Mahaba ang gabi matapos nilang kumain ay nagbinge watch muna sila.

"Mukha namang bading iyang mga iyan."

"Inggit ka lang kasi pogi sila," ani Kely sabay dinugtungan niysa ito ng mahinang bulong, "Pogi ka rin naman."

"Edi doon ka sa kanila."

"Parang tanga. Ampupu tampo ka beybi?"

Niyakap ni Kely bigla ang nobyo. Sa isip ng dalaga ay pinagpatuloy talaga ni Aldrich ang pagiinarte. If I know gusto niya lang niya ng lambing.

Habang tumatagal ay dinadalaw nang antok si Aldrich kaya naman hindi nito maiwasan na makatulog.

.....
.......
.........

Papa! Mama!

Dugo...maraming dugo!

Isang babae ang bumuhat sa kanya may hawak itong baril. Iniwan siya nito sa isang kombento.

"Babalikan ko siya itago niyo siyang mabuti."

"Makakaasa po kayo madám claudette"

......

"CLAUDETTE!" sigaw ni Aldrich.

Nagising sila parehas at buong pagtatakang napatitig si Kely sa binata.

"Namiss mo na ba si mommy? Makasigaw ka naman dyan."

Sa isip ni Aldrich naalala na niya.

Claudette! Tama Claudette nga ang pangalan ng ginang. Naaalala na niya ang lahat. Naroon ang ginang may hawak itong baril.

Siya nga iyon...

Siya ang sagot sa lahat ng katanungan sa pagkamatay ng magulang niya. Posible rin kayang siya mismo ang pumatay!

Bakit?

Kung siya nga ay bakit siya nito inampon?

Nakukusensya?

Alam niyang pinangako niya na hindi kailanman maghihiganti. Hindi dahil ayaw niya kundi hopeless na maalala pa ang lahat. Hindi niya alam kung anong milagro at biglang parang ipinakita ng dyos sa akin ang lahat.

Magbabayad ang dapat magbayad!

"Mahal kita kahit anong mangyari huwag kang makikialam kahit pa may masamang mangyari sa akin...o sa iyong mommy."

"Ano bang sinasabi mo dyan. Ganyan ka ba maalimpungatan? Indong itulog mo lang iyan."

Matapos humalik sa pisngi ni Aldrich ay bumalik na sa pagtulog ang dalaga. Samantala nanatiling nakatitig lang ang binata sa mukha ni Kely. Hinawi niya ang iilang hiblang nakatabon sa mukha nito.

" Ayaw kitang madamay sa gulo kaya sana wag mo akong pilitin na mamili."

Fearless flowers (Mafia S1)Where stories live. Discover now