FF#54: Memory rewind

19 7 5
                                    

3rd Person's Person.

Maaga pa lang ay may pasabog na agad ang naganap.

"Anong na palang nangyari about sa scandal?" Tanong ni Lav.

"Naayos na namin wala naman kasi talaga kaming ginagawang masama," sagot ni Sof.

Medyo weird pero parang kakaiba ang kilos ni Sof pagkatapos nito manggaling sa office. Hindi na lang nila pinansin baka kinakabahan lang ito.

Ikaw ba namang malagay sa alanganing posisyon ewan ko na lang kung 'di ka matae na maihi.

"Hay sino ba namang engot ang mahuhulog sa isang prof," wika ni Zae.

Napaubo si Kely pati si Clyde samantalang nag-iwas lang ng tingin si Sof.

Seryoso parang may kakaiba talaga sa mga ito.

"Since okay na pala ang lahat mauuna na muna ako," paalam ni Kely sa kanila.

"Ako rin," nagmamadali rin na umalis si Clyde.

"Sige kita na lang tayo mamaya." Sumunod na umalis din si Sofia.

Mabuti na lang at nakaalis agad si Kely. Sa isip ng dalaga ay tanga pala siya? Hindi lang siya basta nahulog talagang may relasyon na sila ni Aldrich!

Natakot tuloy siya bigla nang maalala ang nangyari kay Sof at Tristan. Sino kaya ang gumawa ng tsismis na may relasyon ang dalawang iyon. Kilala nila si Sofia masyado itong professional at malabo na lumampas ito sa limitasyon. Hindi sila makapaniwala na binigyan ng malisya ng mga ibang estudyante ang pagiging S.A ni Sofia. Talagang gumamit pa ang mga ito ng larawan noong magkasama ang dalawa sa parke habang nasa swing.

Sasabunutan talaga nila kung sino man iyon.

Natigil si Kely sa paglalakad nang biglang may humarang sa kanyang daan. Tiningnan ni Kely sa mata ang Doctor. Kailangan niya pang tumingin paitaas dahil matangkad talaga ang hinayupak na university Doctor. Walang salita tanging mata lang nila ang naguusap.

"Gosh! ang gwapo niya ano?"

"Tumpak kaya lagi ako nasa infirmary kaso alam mo suplado iyan."

"Okay lang, basta pogi."

Naiirita si Kely aniya ang sarap pagbuhulin ng mga dila ng mga babaeng toh

Simpleng ngiti lang ng guro ay naguunahan na ang dugo ni Kely paakyat sa pisngi.

"Gurl nginitian niya ako."

"Sa akin kaya siya ngumiti!"

'Mga bulag ba kayo sakin siya ngumiti nakakainis tong mga ipis na ito.' Giit ng isip ni Kely aniya pa ay ang sarap tampalin ng sandal.

Nagpatuloy siya sa patutunguhan, sa kanyang klase. Namimiss niya na agad ang kanyang boyfie. Sayang iba ang schedule niya ngayong araw 'di bale magkikita naman sila mamaya.

Kinikilig siya dahil may dinner date sila mamaya sa condo ni sungit. Mas sulit iyon kesa magpunta pa sa restaurant. Mas masusulit nila ang isa't-isa since silang dalawa lang magkasama.

Nang matapos ang klase ay excited si Kely na umuwi kasabay ang kanyang boyfriend. Nauna na siyang pumasok sa kotse aniya para maiwasan na makita silang magkasama patungong parking area.

Bumukas ang pinto ng driver's at iniluwa nito ang gwapong Doctor.

"Bakit hindi mo ako pinuntahan sa clinic?" Ani Aldrich habang iniistart ang engine.

Fearless flowers (Mafia S1)Where stories live. Discover now