FF#39: Friends matters more than anything

21 8 15
                                    

3rd Person's POV

Hindi man lang naibalita ang pagkakahuli sa prof na si Harsce. Nakakulong na ito at napatawan ng triple case; kidnap and Rape, illegal possesion of fire arms.

Balik sa normal ang klase may pumalit na rin na bagong prof.

Nakarating na rin sa mommy ni Kely ang nangyari noong una ay nagalit ito dahil huli na nang malaman niya ito. Nagalit rin ito dahil hindi man lang humingi ng tulong si Aldrich sa kanya.

Dahil sa nangyari ay napagpasyahan ng ina ni Kely na itigil muna ang misyon at magfocus na lang muna sila sa pag-aaral. Nangako naman ito na hindi hihinto sa pagresolba ng personal na problema ng mga ito.

Sa ngayon ay sa unit muna ni Aldrich tutuloy si Kely. Ayon sa ginang ay mas maaalagaan ito ng binata dahil halos kapatid na ang turing nito.

"Ito na ang huli pagkatapos ay pwede ka na umuwi." Iniabot ni Mr. Topaz ang dalawang folder na naglalaman ng activity ng dalawang section.

Tahimik at nakatuon lamang ang atensyon ko sa pagrerecord ng activities at pageencode ng mga results. Hindi napapansin ni Sofia na panay ang sipat ng kanyang guro. Ang totoo kaya panay ang sipat ng guro ay dahil may gusto itong itanong sa dalaga, nagdadalawang isip ito kung magtatanong o huwag na lang.

"Sir, mauna na po ako."

"Sure."

Bago pa man tuluyang makaalis ay tinawag siya ng guro, kaya naman napahinto siya at lumingon sa deriksyon nito.

"ah...wala sige."

'pinagtitripan ba niya ako? Tatawagin wala naman palang sasabihin'. Iritableng naisip ni Sof.

Nakatanggap siya ng tawag mula kay Gian. Inaaya siya sa isang dinner, syempre agad siyang pumayag.

Habang palabas ng university ay natanaw niya sa malayo si Clyde. Tatawagin niya na sana kung hindi lamang dumating ang isang dalagita yumakap ito sa bewang ng kaibigan niya. Napakunot ang kanyang noo...sino ang batang iyon?

Pamangkin niya?

Ngunit ang pagkakaalam niya ay ulilang lubos na si Clyde. Lumakad siya palapit, nakakailang hakbang pa lang napahinto si Sofia.

Isang lalaki, matangkad at mukhang kagalang-galang.

Hindi ba siya 'yung crush ko dati?

Siya nga yung naging crush niya magmula noong eksena sa rooftop ng condo. Siya iyong binata na may isang biloy lamang.

Magkakilala sila? At mukhang close na close sila?

Pinagmasdan niya ang mga ito, magkasunod na pumasok sa passengers seat si Clyde at ang batang babae. Huli naman ang binata na siyang magmamaneho.

Peep*

Isang busina ang nagbalik sa kanya sa realidad.

Sino ang damuhong bumusina?!

Nagbaba ng bintana ang may-ari ng kotse.

"Ikaw pala Gian. Ang bilis mo naman." Joke lang pala, hindi pala siya galit na may bumusina sa likod.

"Hop in," anyaya ni Gian.

*******

Sa isang fancy restaurant siya nito dinala.

Nakahanda na ang lahat ng makarating sila.

Ano bang meron? Bakit parang ang engrande naman ata? Ang akala niya ay kakain lang sila.

Fearless flowers (Mafia S1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα