FF#25: Back to operation

35 14 26
                                    

3rd Person's POV

Ipinatawag silang lahat dahil may mahalaga raw na sasabihin ang kanilang boss, isa-isa naman nagsidatingan ang dalaga.

"Ngayong kumpleto na tayo maari na nating simulan ang pag-iimbestiga sa Mirai. Delikado at walang kasiguraduhan na tama ang lead na nakuha ko mula sa ating kaalyado. Malaking tulong ito lalo na sa iyo Lav may kinalaman ito sa katototohanan na hinahanap mo," wika ni Boss.

Bumilis ang tibok ng puso ni Lav ng marinig niya ang katagang iyon mula sa ginang. Hindi man niya alam kung paanong maaaring magkakonekta ang pagkakapaslang sa kanyang nobyo at ang pagkakatuklas ng kung ano man ang baho ng Mirai university.

"May ibig akong itanong," wika ni Clyde.

"Go on," sagot naman ng kanilang boss.

"Hindi ako sigurado kung nakita ko na ang taong hinahanap ko, nais ko lang malaman kung may balita sa taong iyon?" saad ni Clyde.

Halos mamutla ang kanilang boss sa tanong ng dalaga.

"Masyadong mailap at malaking sindikato ang taong iyon hanggang ngayon ay hindi pa rin natatract ang kanyang lokasyon."

Hindi batid ng lahat na may kakaibang tumatakbo sa kaibigan nilang si Zae. Nakamasid lamang ito at tila may malalim na iniisip. Panay ang tingin sa kanilang boss at may nais siyang itanong ngunit nagdadalawang isip kung magtatanong nga ba o siya na lang mismo ang hahanap ng kasagutan sa sariling tanong.

"Gusto ko rin palang humingi ng tawad dahil tila wala akong nagagawang tulong na siyang dapat kapalit sa mga paghihirap at sakripisyo niyo. Hayaan nyo't gagawin ko ang lahat para mapabilis ang paghahanap ng hustisya at katotohanan," ani ladyboss.

"Naiintindihan namin huwag po kayong mag-aalala makakaasa po kayo na mananatili kaming tapat sa iyo," wika ni Sof.

"Maraming salamat."

Sabay-sabay na silang bumalik patungo sa kanilang unit ng matapos ang meeting. Mabilis at pasirko- sirko sa hangin ang motor bike ng bawat isa, malaya nilang napapasayaw ang motorsiklo sa daan. Walang nagbabantay at wala ring kwenta ang mga cctv sa kalsada.

May kanya-kanya silang bagay na inaasikaso kaya naman naghiwahiwalay na sila ng daang tinatahak.

Si Zae ay dumiritso sa puntod ng kakambal.

Si Clyde naman ay pumunta sa lugar na kahit kailan hindi na niya ibig pang balikan, ngunit kailangan niyang isantabi ang mapait na alaala.

Si Kely naman ay may kikitaing tao, kung sino man ito ay walang nakakaalam kung anong relasyon mayroon ang dalawa.

Si Sof ay patuloy pa rin sa pagkatok sa bawat pinto ng mga taong pilit niyang kikilalanin.

Si Lav ay patungo sa isang ekslusibong bar kung saan nakatakdang mahanap nila ang isa sa taong siguradong nakakakilala sa kanyang nobyo.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin maunawaan ni Lav kung bakit may mga taong pumatay sa kanyang nobyo gayong napakabait ng binata. Sa pagkakaalam niya wala naman itong nakaaway.

Sino ang mga lalaking nakatakip ang mukha na inabutan niya noon? Hindi niya gusto kung ano man ang nararamdaman niya ngayon. Hindi maaaring pagdudahan niya ang pagkatao ng kanyang namayapang nobyo ngunit sadyang mapilit ang kanyang utak.

Gaano nga ba niya kakilala si Kyohei?

Kusang tumulo ang luha niya nasasaktan siya sa isiping pinagduduhan niya ang binata. Nasasaktan siya sa isiping masyado siyang nagtiwala at nagpabulag sa pagmamahal niya sa binata.

Kung sakali man na totoong may hindi magandang bagay na ginawa ang binata sa tuwing wala siya sa tabi nito. Isa lang ang ibig sabihin nito hindi naging tapat sa kanya ang binata. Kung sakali man dumating siya puntong iyon handa naman niyang tanggapin dahil mahal niya ang binata, ano man ang kamalian nito.

Sayang lamang hindi na niya ito matuturuang itama ang mga iyon. Siguro nga marami ang magsasabing bakit minamahal niya pa rin si Kyohei kung totoong masama itong tao, para sa kanya masama man ito o mabuting tao kung totoong mahal mo ang isang tao tutulungan mo itong magbago.

Pagkarating ni Lav sa ekslusibong bar ay agad niyang nakita si Flame.

"Sigurado ka ba? Delikado ang lugar na ito para sa katulad mong babae tiyak na maraming bastos ang tititigan ka na parang hubad ka sa kanilang isip," wika ni Flame.

"Hindi na ako bata at wala akong pakialam kung anong tumatakbo sa marurumi nilang isipan. Hindi magkakagulo kung hindi nila ako babastusin ng pisikal," maanghang na sagot ni Lav.

Napabuga na lang ng hangin ang binata iniisip nito kung tama bang dinala pa niya ang dalaga sa ganitong klase ng lugar. Alam naman niyang matapang at malakas ang loob ng dalaga ngunit hindi pa rin niya maiwasang mag-alala para sa dalaga...gaya pa rin noon.

Kaligayahan at kaligtasan pa rin ng dalaga ang pinapahalagahan niya. Sigurado ang binata na maliligayahan si Lav kung mabibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay ni Kyohei, wala siyang magagawa kundi tulungan ito.

"Hoy! Bakit nakatayo ka pa riyan?!" Nakapameywang na sita ni Lav.

Hindi na  sumagot pa si Flame, sinalubong nito ng tingin ang dalaga at tinaasan niya ito ng kilay bago nilagpasan ito papasok sa loob ng bar.

Lumikot ang kanilang mata kung tama ang impormasyon na nakuha ng binata ay makikita niya ang lalaking nagngangalang 'Enzo',  ayon sa kanyang source ay regular na customer ito at minsan ay may nakapagsabing nakasama ito ni Kyohei.

Ayon sa larawang natanggap niya ay kulot ang hinahanap nilang binata. Maputi ito, tinatantyang nasa 5'8 ang tangkad, payat at sa kaliwang braso nito ay may tattoo na paikot na numero at griyegong salita sa loob ng bilog na ito ay may pegasus.

Kung hindi pa ito nagbabago ng ayos ay madali nilang matutukoy ito kung sakaling makikita nila ang binata. Sinubukan nilang makiusyuso sa dance floor ngunit wala ang kanilang subject. Kaya naman bumalik na lamang sila sa kanilang table. Hindi nila inaasahang aayon sa kanila ang panahon na tila tinutulungan sila ng kapalaran.

Ang kanina pa nilang hinahanap ay kararating lamang at dumaan ito sa kanilang table. Hindi na nila ito inalis sa paningin, pasimple nila itong sinundan patungo ito sa mismong stall kung saan nagseserve ng inumin.

Hindi batid ng 'Enzo' ang lihim na pakay ng kanyang katabi. Wala itong pake ni hindi na ito nag-abala pang tingnan ang mukha ng dalawa.

Upang maagaw ang pansin nito ay pasimpleng nagkunwaring lasing si Lav, kapani-paniwala naman dahil talaga namang sanay na ang dalaga sa pag-arte. Kinalabit niya si Enzo ngunit tila hindi ito natitinag. Sa wakas nakalimang kalabit na ang dalaga nakulitan na siguro ang binata kaya napatingin ito sa dalaga.

Mapungay ang mata ng dalaga at nginitian niya ng mapang-akit ang binata samantalang halos nakakita naman ng multo ito. Nahalata ito nina Lav kaya naman tumaas ang garantiyang may alam ito. Ang rumihistro sa mukha ni Enzo ay hindi bastang gulat lang, namutla ito at literal na nanlaki ang mata.

Bakit?

Anong dahilan?

Anong nangyayari?

Bakit umaarte itong hindi ito ang unang pagkakataong nakita niya ang dalaga?

Posible kayang kilala siya ng binata ngunit paano? gayong walang ideya ang dalaga kung sino ang 'Enzo' na kasalukuyang minamanmanan.

Fearless flowers (Mafia S1)Where stories live. Discover now