FF#7: Rape case (CLYDE)

79 20 36
                                    

3rd Person's POV

Umaga pa lang ay umalingawngaw na ang sirena ng ambulansya. Isang babae ang namataang nakahandusay sa labas ng pasilidad ng Mirai. Punit ang suot nitong uniporme at puro galos ang buong katawan. Halatang dumaan sa matinding paghihirap ang dalaga.

Habang nagjojogging si Clyde ay napahinto siya upang itapon ang balot ng biskwit. Napansin niya na may nakahandusay sa gilid ng basurahan, gulanit ang damit nito agad niya itong nireport sa police. Habang hinihintay ay napansin niya ang kasuotan ng biktima, katulad ng uniporme ng Senior High school ng Mirai.

Gusto niya sanang tingnan ang nakatabon na patch pero hindi maaaring basta hawakan ang katawan ng biktima.

Agad na nakaresponde ang mga pulisya kasama ang CSI. Isinakay nila ang katawan ng biktima sa stretcher. Gumulong mula sa kamay ng bangkay ang singsing. Pinulot niya ito bago pa mapansin ng mga naguusap na pulisya.

Mamaya pa'y lumakad palapit ang isang officer.

"Maari ka ba naming imbitahan sa prisinto?" Usisa ni SPO 1.

Agad siyang sumunod, sa loob ng mobil ng pulisya ay tahimik lang ang dalaga. Pinagbuksan ng maginoong pulis ang pinto ng mobil nang makarating sila sa prisinto. Sa loob ng opisina nito ay mayroong malaking larawan ng pangulo, sa tabi naman nito ang bandila ng pilipinas. Ang paligid ay naadornohan ng mga sertipiko, mga gawad at tropeyo ng pagkilala sa kapulisyahan.

Noon pa man ay marami na ang walang tiwala sa kapulisan sapagkat marami na ang kaso ng umaabuso sa kapangyarihan. Kaya naman wala nang silbi punuin man nila ng tropeyo ang departamento.

Tumigil siya sa pagsiyasat sa paligid dahil nagsimula nang magtanong ng impormasyon ang ahensya. Isa- isa naman niyang sinagot ng walang halong kasinungalingan. Subalit, gusto man niyang makatulong ay wala rin siyang maibibigay na lead sapagkat hindi niya naman nasaksihan ang pangyayari.

Inalok siya na ihatid na lamang pabalik gamit ang mobil upang masiguradong ligtas siyang makakauwi, imbes na pauwi ay sa malapit na department store na lamang siya bumaba. Nagpasalamat muna siya, isinara na ang bintana hudyat na paalis na ito bigla na lamang niya itong katukin buong pagtatakang muling binuksan ng ginoo ang bintana ng mobil.

"Heto nga po pala nakalimutan kong ibigay baka po makatulong napulot ko ito kanina."

"Maraming salamat, kung may pagkakataon maari ka bang maimbitahan muli sa prisinto para sa paglilinaw?" ani SPO 1.

"Pakitawagan na lang po ako sa numerong ito," anya Clyde.

Ibinigay niya ang numero na gamit niya sa publiko. Nauunawaan naman niya na hindi siya suspek ngunit dahil siya ang tanging naroon may anggulong dapat bigyang linaw. Hindi niya dapat katakutan ang ganitong pagsisiyasat sapagkat inosente siya.

Kung wala ka talagang kinalaman, kung tunay kang inosente ay wala ka dapat pangambahan. Sapagkat ang mga taong may nagawang mali ay kinakain ng konsensya, kundi man ay naduduwag sapagkat hindi na makaahon sa dagat-dagatang apoy.

Mula sa malayo ay tila narinig niya na may tumatawag sa kanya. Mukhang kilala niya ang may ari ng tinig, hindi nga siya nagkamali ng dinig. May kasama pang pagkaway ng kamay bago ito lumapit.

"Aga mo ah nagjogging ka?" tanong ni Kely.

"Oo, pumasok na sila?" Sagot naman ni Clyde.

Mamaya pa ang klase niya samantala si Kely naman ay walang pasok. Minabuti na nilang mag-sabay sa pamimili ng stocks. Sabay na rin silang bumalik sa tinutuluyang condo. Sabay silang lumusong sa bath tub na pinasadya nila ang laki para sa kanilang lima. Kapwa hubo't hubad na natatakpan lamang ng bula.

Hindi naman na ito bago sa kanila dahil pareho naman silang babae, sa huli katawan at mukha pa rin ng lalaki ang pareho nilang gustong makita.

Halos pipikit na si Kely nang biglang lumikha ng ingay ang telepono sa nakasabit na pantalon ng dalaga. Agad na tumayo ang dalaga, patakbong tinungo ang sabitan malapit sa pinto na gawa sa fiber glass.

Agad itong sinagot, dahil soundproof naman ay  nakaloudspeak ang kanilang paguusap nang sa gayon ay marinig rin ni Clyde upang makatipid ng oras sa paguulit ng impormasyon. Panibagong misyon na naman, panibagong paghahanda at masusubok na naman ang pagiging babae nila.

'meeting place sharp 0600H'

Umahon mula sa pagkakalusong ang dalaga. Sinipat ang sarili sa salamin at muling nakita ang bahid ng masamang nakaraan.

Isang maliit at itim na marka ng pegasus ang kailanman hindi na mai-aalis sa kanyang tadyang. Mariin niyang pinikit ang mata, nagbalik tanaw sa mapait na nakaraan. Sa pagdilat ay tanging pares ng nagaapoy na mata ang masisilayan. Mukhang may bahid ng suklam sa mundo at titig na uhaw sa hustisya.

Ibig niyang gumanti ngunit hindi sa ngayon...

Sa tamang panahon maibabalik niya sa impyerno si satanas.

*****

Matapos magbihis at maayos ang mga gamit ay dumaan muna ng locker room ang dalaga. Nadatnan niyang may naghahalikan sa isang bahagi. Hindi na lang niya ito pinansin kahit na sukang-suka na siya daig pa ang halikan nina Angel Aquino at Tony Labrusca.

Binilisan niya ang pagkuha ng aklat sa management. Siya na lamang ang kusang umalis, siya na lamang ang nahiya.

Pagpasok niya sa klase ay halos kumpleto na, lahat ng upuan ay may nagmamay-ari na maliban na lang sa gitna sa bandang unahan. Kasabay nang paglapag niya ng gamit sa upuan ay siya ring pagpasok ng propesor. Bumati ito ng magandang umaga at nagdasal muna bago magsimulang magpakilala.

Sa loob-loob ng dalaga bakit pa nagdadasal? Kahit naman ipagdasal pa nila wala nang pag-asa ang mga tao sa mundo. Sa isang banda ay humanga siya ng bahagya dahil sa pagpapahalaga ng lalaki sa dasal.

"Get 1/4 index card I want you to write the following," ani Juslin.

Dahil sa hightech na, isang pindot na lamang at naactivate na ang projector. Sa pamamagitan ng power point ay nakasulat na sa pisara ang mga impormasyon. Nang matiyak na tapos na ang lahat ay isa-isa na itong pinasa sa harap patungo sa propesor. Hindi na nagabala pang tawagin isa-isa pa ang mga pangalan.

Sa halip ay nagiwan lamang ito ng habilin na sa susunod na pagkikita ay dapat may nakatalaga ng presidente ng klase at sekretarya. Iyon lamang at iniwan na nito ang klase.

Nanghinayang ang karamihan sa kanila hindi dahil sa wala silang natutuhan kundi dahil hindi na nila matitigan ng matagal ang gwapong propesor.

Sa araw na iyon ay isang subject lang ang kanyang papasukan. Dahil maaga silang naidismiss mas maraming oras ang malalaan niya para maghanda.

Habang palabas ay nakasabay niya palabas ang propesor na hindi naman nagturo. May kasama itong senior highschool student ng Mirai. Namukhaan niya ang babaeng kasama ng guro, ito ang babaeng nakikipaghalikan sa isang senior guy ng college.

Biglang naisip niya na pagkatapos ng senior, propesor naman ang tirada nito. At, ang tukmol na propesor nila ay isang badang?

Napailing na lang siya sa kalokohang naisip niya. Pumara siya ng masasakyan at dumiritso na sa condo na tinutuluyan nila. Nang makarating sa condo ay basta na lang niyang inihagis ang bag sa kanyang kama. Hinubad ang suot, nilamukos at inihagis sa hangin na parang sa basketball.

Matapos magbihis akmang isisira na niya ang pinto hindi niya napigilan tingnan muli ang laman ng kulay tsokolateng envelope. Tinitigan niya nang matagal ang bawat dokumento at larawang nakapaloob. Humugot siya ng malalim na hininga bago tuluyang isara ang kanyang aparador.

Magaan ang kanyang bawat paghakbang kumpara sa bigat ng problemang kanyang pasan.

Fearless flowers (Mafia S1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz