FF#38: There's something wrong with Zae

25 8 14
                                    

3rd Person's POV

Matapos ang nangyaring pagkahuli sa white van at ang kaso kay Mr. Black ay tumahimik din agad ang kaso ng mga oras na iyon ay walang nakakaalam kung nasaan si Zae wala rin ito sa klase at hindi nila ito makausap. Matapos ang naganap kay Kely ay tila marami ang nagbago sa kanilang buhay. Naiwan si Clyde na mag-isa sa condo dahil may kanya kanyang lakad ang mga tropa kasama niya.

Si Lav ay umalis at mukhang nagmamadali halos sigawan pa nito ang kausap sa telepono.

Si Kely naman ayun parating kasama ni Aldrich.

Si Zae nakakalungkot man hindi nila alam kung anong nangyayari sa kanya.

Napaigtad si Clyde nang mabasag ang katahimikan dahil sa pag ring ng phone.

"Hi! Tita busy ka ba today?"

"Hindi naman, why?"

"Hmmm...pwede mo ba aq sunduin mukhang busy pa si tito maaga kasi dismissal namin."

"huh? Ah..eh d ka ba tatambay sa office ng tito mo?"

"Galing na ako doon kaso nakalock. Ang sabi sa'kin may pinuntahan daw faculty nila."

Pupuntahan ko ba?

Kawawa naman kung hindi niya pupuntahan baka mapahamak na naman ito.

"Sige, wait mo si tita, bibihis lang ako ng maayos."

"Okay thank u, love u tita!"

Napangiti siya, pakiramdam niya totoong kadugo niya ang nagsasabi nito. Tila nagkaroon siya ng kapamilya bukod sa mga matalik na kaibigan. Nalulungkot siya sa tuwing naiisip niya na kapag tumagal ay malilimutan na rin siya ni Addy. Kapag hindi na sila nagkikita, kapag natapos na ang misyon niya mangingibang bayan na siya. Kung sakaling hindi siya masawi ay ibig niya na magsimula ng tahimik na buhay sa ibang bayan. Kung masasawi rin lamang ay ayos na sa kanya ang habang buhay na katahimikan.

*****

Sa kabilang banda ay tahimik na naglalakad-lakad si Addy hanggang sa nakarating siya sa lumang fountain. Abandonado na ito, halos basag na ang lahat ng tiles at wala na ring tubig na niluluwa ang bukana nito.

Tahimik na umupo ang bata naisip nito na matagal pa naman darating ang kanyang tita Clyde.

Nililibang niya ang sarili sa pagtingin sa paligid sa makukulay na bulaklak na iilang piraso lamang.

May kung anong kumakaluskus sa dahon sa bandang likuran ng fountain. Tumayo si Addy para silipin ito. Akmang hahawiin niya ang halaman na mayabong na nakaharang ay biglang may kung anong tumalon sa kanya.

Ano iyon? si Addy ba ang tumili?! hindi maganda ang kutob ni Clyde nang mabasa niya ang text sa kanya, kaya nga nagmadali agad siyang pumunta.

Napatakbo agad siya sa pwesto ni Addy. Inabutan niya si Addy na nakaupo sa sahig .!Agad niya itong tinayo at inalalayang makaupo sa fountain.

"Ayos ka lang ba?"

"Opo, nagulat lang ako bigla kasing tumalon sa'kin ang pusa."

Likas na magugulatin ang bata bukod pa sa trauma nito na hindi pa lubos na gumagaling pero kahit papaano ay nakikihalo na ito sa iilang tao.

"Lets go? Uwi na tayo? Nag iwan na ako ng msg sa tito mo na sinundo na kita."

"Sige po pero pwedeng daan muna sa starbucks?"

"Sure."

Nauna nang tumayo ang bata napansin nito na may nahulog mula sa bulsa nito sumakto ito sa loob ng paikot na fountain. Gumulong at huminto sa basag na tiles? Hindi niya mawari ang pagkakausli ng mga desinyo ng tiles ...kakaiba parang any moment ay kusa itong bubuka?

Fearless flowers (Mafia S1)Where stories live. Discover now