FF#43: Truth is nowhere near

17 8 3
                                    

3rd Person's POV

Maayos na ulit ang lahat. Matapos makabalik ni Zae ay gumaan na ang pakiramdam nilang magkakaibigan. Hindi lang iyon tila laging nasa mood na rin si Sof. Hindi na nito napansin na unti-unti nagbabago na ang pakikitungo niya sa guro. Noong una ay sobrang mailap siya dahil alam niya kung anong klase ng lalaki ito.

Walang babae ang nakakaligtas sa mata nito halos lahat ng nadidikit sa binata ay nagkakaroon sila ng relasyon balita rin niya ay pasekreto itong nakikipagrelasyon kahit sa estudyante. Hindi naman sa nag-aassume siya na baka mapabilang siya sa babae nito nagiiwas lang siya sa gulo.

May hindi maipaliwanag na pangyayari ang nagpabago ng pananaw na iyon. Inaamin niya na habang kasama niya ito ay lihim niyang binabasa ang mga kilos nito.

Gentleman ito ang masama lang ay sa lahat kumbaga nasa personalidad nito ang pagiging flirty, mabait at madaling lapitan. Professional ito sa loob ng unibersidad at iba rin ito kapag nasa labas ng school grounds mas gusto nito ang 'friendly vibes'.

Nawala na ang pagiging awkward niya sa guro. Mas komportable na siya na katrabaho ito kunsabagay ilang buwan na siyang Student-assistant kaya nasanay na siya na ito lang ang kasama at ang mga paperworks.

Mas lalo pa niyang naappreciate ang kabaitan nito noong araw na nangako ito na tutulungan siya.

"Sa totoo lang wala talagang naitalang kaso na hinahanap mo. Nakakapagtakang hindi ito naitala ni usap-usapan ay wala rin."

Napabuntong hininga ang dalaga sa mga narinig. Pareho rin ng sinabi ng kaniyang boss. Bakit ba kasi ang hirap maghanap ng lead?

"Kung totoong nagpakamatay siya hindi ba dapat maiiwan ang kanyang bangkay sa pinangyarihan? Bakit ipinadala pa sa inyo ang liham at bangkay?"

Iyon din ang naiisip ng dalaga para sa kanya ay palaisipan rin ito. Kung makikilala niya kung sino ang nagpadala sa kanila ay malalapit siya sa sagot na hinahanap kung swerte ay mismong buong katotohanan ang matutuklasan niya.

"Siya nga pala may nahanap ako na larawan ng sinasabi mong tao na kinasama ng iyong ate."

Kapareho ng larawan na nahanap ng kanyang boss. Kailangan niyang mahanap ang taong iyon. Kailangan niyang komprontahin ito ng personal. Pero paano? Hindi ba niya ilalagay sa hukay ang kalahati ng kanyang katawan? Masyado pa bang maaga para sa personal na paghaharap?

"Kung iniisip mo na puntahan o hanapin siya. Hindi pa ito ang tamang panahon, ang taong iyan ay may mataas na katungkulan sa national police."

Masyado ba siyang halata? Paano nito nabasa ang kanyang iniisip? Akmang magsasalita si Sofia nang biglang makatanggap siya ng mensahe mula kay Gian. Dahil nakalapag sa coffee table ang kanyang cellphone ay nakita iyon ng kanyang guro.

"Wag kang mag-alala hindi ko nabasa." Sabay ngumiti ito ng mapang-asar kaya nakaramdam ng kunting hiya si Sof. Bakit ba naman sa lahat ng makakabasa ay ito pang mapang-asar niyang guro.

"Alam naman natin na kabaliktaran ang sinasabi mo."

"Boyfriend mo?"

"Oo. Si Gian hayaan mo sa susunod ipapakilala ko siya sa iyo."

Teka hindi ba parang unnecessary naman na ipakilala pa niya. Wala namang pakialam ang guro niya isa pa ay hindi naman talaga kailangan pa. Nakakahiya lumalabas tuloy na ang komportable niya na sa kanyang guro.

"Asahan ko iyan ah. Gusto ko rin makilala kung sino ang malas na lalaking nahulog sa iyo. Ang boring mo sigurong gf, parating seryoso."

Napasimangot siya sa sinabi ng guro. Tingin pala ng kanyang guro ay boring siyang gf.

Fearless flowers (Mafia S1)Where stories live. Discover now