FF#35: What on earth is happening?!

27 10 13
                                    

3rd Person's POV

"Welcome back!!!" Sigaw nina Kely at Clyde niyakap nila nang mahigpit ang kaibigan.

"Nasaan si Lav?" Agad na usisa ni Clyde.

"Nasa ***** cemetery," sagot naman agad ni Sof.

"Anong nangyari?!!! Kelan pa siya nilibing?" Gulat na tanong ni Kely.

"Gaga! Anong nilibing? Nagpaiwan siya sa puntod ni Kyo."

"May problema tayo...si Zae kasi---" kiming wika ni Clyde.

"Nawawala hindi na rin namin matrace yung device niya," malungkot na saad ni Kely.

"Sigurado ka ba?? Baka naman nagkakasalisi lang kayo ng uwi."

"Wala na mga gamit niya hindi na rin siya pumapasok ng school."

Naglayas nga kaya ito?? May nagawa ba silang mali? Nagaalala sila para sa kaibigan, nawala ito ng walang pasabi.

"Hindi ba natin siya hahanapin?? Paano kung maulit yung dati?"

Natahimik silang lahat dahil sumagi sa kanilang isipan paano kung may dumukot na naman sa kanilang kaibigan?

Kung dinukot man ito, bakit wala ang kaniyang gamit?

Isa lang ang ibig sabihin nito...kusa siyang umalis.

Bakit?!

Habang malalim na nag-iisip ay nabasag ang katahimikan ng isang mensahe.

Sender: Lady Boss

Heidi #8, manila core. ASAP!"

Agad nilang pinuntahan ang hotel at pagkarating sa lobby ay agad silang nagpaassist nakabook ito sa pangalang heidi #8. Agad namang tumalima ang mga ito. Inihatid sila at ipinagbukas bago tuluyang umalis ang staff ay yumuko ito sa kanila.

"Don't look for her."

Umalma ang lahat sa sinabi ng kanilang boss. Anong huwag hanapin?!

Bulsh*t ano bang nangyayari?!

"Siya ang umalis nang kusa matuto siyang bumalik."

"B-boss."

"Magpahinga muna kayo Sof and Lav. Clyde and Kely kayo muna ang bahala. I want you to deliver some important document."

"Noted."

"I'll send your allowance within this week."

Hindi talaga iyon allowance, it was a payment for risking their lives. It was not an easy job, it's dirty and illegal but it's just and humane.

"You may leave except Sofia."

Nagkatinginan muna sila bago lumabas at iwan si Sofia.

"What happened? Nakausap mo ba siya?"

"Yes, I want to ask for another favor."

"Name it. I'll do my best as promised."

"I want to know who's Don. Braganza."

Fearless flowers (Mafia S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon