FF#40: Is it over?

20 9 12
                                    

3rd Person's POV

Lito at tila naiwan sila sa ere ng kaibigang si Zae nang bigla itong maglaho. Wala pa rin silang balita ukol kay Zae ni hindi rin nila ito nakikita sa campus talaga nga kayang nagdrop na ito? Hindi nila alam kung ano ang pinagdadaanan ng kanilang kaibigan.

Hinintay nila itong magkuwento dahil nirerespeto nila na hindi lahat ng bagay ay ibinabahagi kahit ka pa sa kaibigan o kapamilya. Ngunit hindi rin ata nirespeto ni Zae kung paano namin siya pinahalagahan at nirespeto.

"Tulala ka na naman," wika ni Juslin.

Napalingon si Clyde sa bagong dating na si Juslin. Nakasuot ito ng simpleng itim na pang-itaas.

"Good morning po," bati naman ni Clyde. Pagkatapos tapunan ng panandaliang tingin ay bumalik na ulit ang tuon nito sa pagtitig sa lupa.

Tumikhim muna ang guro bago magwika, "Kumusta nahanap niyo na ba siya?" Usisa ni Juslin.

Umiling lamang si Clyde, ilang minuto rin silang tahimik. Kasalukuyang nakaupo sa lumang fountain ang dalaga. Magmula ng matagpuan niya ang lugar na ito ay madalas na siya tumambay.

Tahimik kasi ang lugar na ito, for some reason.
Walang may gustong pumunta sa abandonadong lugar na ito dahil sa nakakatakot ang itsura ng paligid nito at may mga kwento ng katatakutan ang nagpasalin-salin na sa dila ng ilang guro, studyante at mga tagapangalaga ng unibersidad.

Ang totoo'y pinabayaan na ito, hindi na ito kailanman inalagaan pa ulit. Kaya luma at sira-sira na ibang bahagi nito.

"Hindi ka dapat nagpupunta mag-isa dito. Hindi ka ba natatakot?" saad ni Juslin

"Bakit naman ako matatakot?"

"Ang alam ko may kwento tungkol sa namatay na student sa mismong fountain," wika ni Juslin. Sinusubukan nitong alalahanin ang kwento noon.

Hindi nila alam kung kwento lamang ito o totoong naganap. Wala namang naibalita o malamang ay binayaran ang pamilya ng bata upang manahimik. Para sa reputasyon din ng unibersidad kaya malamang ay hindi palalampasin ang mga ganoong pangyayari.

"Bakit naman ako matatakot sa multo. Matakot ka sa buhay ano?" Depensa ni Clyde.

"Sabagay mas kayang manakit ng buhay." Tumingin ito sa kanyang relo, "Oras na pala mauna na ako sa klase ko. Wala ka pa bang klase?"

"Mamaya pa, pagkatapos ay huli na ang klase ko sa iyo."

"Maaga pa naman matatapos ang klase natin mamaya kung gusto mo this time sasama na ako sa paghahanap."

"Huwag na nakakahiya, isa pa walang magbabantay kay Addy."

"Sasama natin si Addy," ani Juslin.

Bago tuluyang makalayo ay itinaas nito ang kamay upang mag wave-goodbye kay Clyde.

Hindi na siya nakipagtalo pa ewan ba niya parang nasanay na rin siya na madalas kasama ang mga ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Hindi na siya nakipagtalo pa ewan ba niya parang nasanay na rin siya na madalas kasama ang mga ito.

Kailan ba sila naging ganto kalapit sa isa't-isa?

Kung hindi dahil kay Addy malabo na kausapin siya ng ganito ng guro. Malamang ay gusto siya tulungan dahil pakiramdam ng guro ay may utang na loob pa rin siya sa kanyang estudyante.

Ngayon mag-isa na lamang siya.

Napagdesisyunan niya na magpunta na lang sa paborito nilang pagtambayan noon ng magbabarkada. Mag-isa pa rin naman siya kaya lang ay may tao naman na mikikinita rito kaysa sa lumang fountain na wala talaga.

Si Kely ay parating kasama ang kuya nito.

Si Lav at Sof naman ay parehong busy sa pagiging Student assistant.

Humimlay siya sa tuyong damo ng field gaya ng nakasanayan nilang magkakaibigan. Akmang pipikit na siya ng biglang tumabi sa kanya.

Napangiti siya ng makita kung sino ang kanyang katabi.

"Sabi ko na nga ba dito kita makikita." Nakangiting wika ni Lav

"Wala ba kayong ganap ngayon?"

"Bawal ba magbreak? Antagal na natin hindi nagkakasama masyadong abala tayo nitong mga nakaraan parang ang hirap huminga." reklamo ni Sof.

"Totoo, damin nangyari nitong mga nakaraan," sang-ayon ni Kely.

Sabay-sabay silang napatingin sa pinanggalingan ng boses. Tumayo sila at niyakap ang kararating lang na si Kely.

"Buti naman pinayagan ka ng kuya mong masungit."

Namula ng bahagya ang pisngi ng Kely.

"Bakit naman hindi niya ako papayagan? Loka wala siyang karapatan pakialaman ako."

Nagkulitan sila at sabay-sabay na humilata, pinanood nila ang paggalaw ng ulap.

"Sana sa susunod ay kasama na natin si Zae kunting panahon na lang gagraduate na tayo," ani Clyde.

"Mauna na pala ako. Hindi ko napansin ang oras late na ako sa klase ko." Paalam ni Lavender.

"Sh*t may inutos nga pala sa akin si sir, guysssu mauna na rin ako," ani Sof.

Nagmamadaling umalis ang dalawa samantala naiwan naman sina Clyde at Kely sa field.

"Hindi ko alam kung dapat pa ba natin ipagpatuloy ang paghahanap. Ayaw ko na parati naming pinag-aawayan ni mommy ang tungkol kay Zae," wika ni Kely.

"Kaibigan pa rin natin siya kaya dapat hanapin natin siya paano kung maulit yung dati?"

"Hindi ko nga maintindihan bakit ayaw ni mommy na hanapin si Zae."

"Tingin mo ba alam ni ladyboss kung nasaan si Zae?"

Hanggang sa makarating at matapos ang huling klase ay hindi maalis sa isip ni Clyde na posibleng hindi lumayas si Zae ng walang dahilan. Maaring nagpaalam ito sa kanilang boss...kung ganoon nga ang nangyari bakit hindi nito pinaalam sa kanila hindi ba nito naisip na nagaalala sila.

"Sa susunod na lang kaya natin ipagpatuloy ang paghahanap mukhang wala ka ata sa wisyo ngayon. May gumugulo ba sa isipan mo?"

"Tita?"

Napalingon siya sa dalawa niyang kasama. Mas lalo siyang nawala sa sarili ng may makita siyang pamilyar na bulto mula sa malayo.

Nasa kabilang bahagi iyon ng daan marami ang pasaring-saring na naglalakad. Isa sa mga naglalakad ang nakahuli ng kanyang atensyon. Isang matangkad na ginoo, ang walang hiyang iyon matagal na niyang hinahanap ang taong iyon.

Ang dahilan ng kanyang tattoo na pinilit niyang tinatago.

Ang sindikato na humawak ng pegasus noong bata pa lang siya.

Wala na siyang sinayang na oras agad siyang tumakbo upang habulin ang taong iyon. Pinalampas niya lamang sa kanyang tainga ang pagtawag ng kanyang guro at ng pamangkin nito.

May importanteng tao siyang hahabulin, upang pagbayarin sa mga naging kasalanan nito sa kanya at sa kanyang ina.

Fearless flowers (Mafia S1)Where stories live. Discover now